Misyon at Ebanghelisasyon ng Iglesia Unida Ekyumenikal

Misyon at Ebanghelisasyon ng Iglesia Unida Ekyumenikal Ito ay ang opisyal na page ng Misyon at Ebanghelisasyon ng Iglesia Unida Ekyumenikal sa pangangasiwa ng Lupon sa Misyon at Ebanghelisasyon

24/11/2021
30/10/2021
Gabay para sa Buwan ng O K T U B R E   2 0 2 1
16/09/2021

Gabay para sa Buwan ng O K T U B R E 2 0 2 1

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKALPaksa ng E.Y. 2021-2022Ang Hindi Matitinag na Pananampalataya Kay Kristo sa Bagong Yugto ng Buh...
18/07/2021

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKAL

Paksa ng E.Y. 2021-2022
Ang Hindi Matitinag na Pananampalataya Kay Kristo sa Bagong Yugto ng Buhay
Daniel 3:17-18; Gawa 4:18-19, 5:28-29; Mateo 7:24-27

Mungkahing Gabay para sa Buwan ng
A G O S T O 2 0 2 1
B U W A N N G M I S Y O N A T E B A N G H E L I S A S Y O N

Paksa ng Agosto 2021:
Ang Hindi Matitinag na Pananampalataya kay Kristo sa Bagong Yugto ng Paghayo at Paghahayag ng Mabuting Balita

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKALNational Planning Conference 2021 (Plenary)PAKSA: Pananampalataya, Pag-asa at Pagtatagumpay sa ...
25/06/2021

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKAL
National Planning Conference 2021 (Plenary)

PAKSA: Pananampalataya, Pag-asa at Pagtatagumpay sa Bagong Yugto ng Buhay
Daniel 3:17-18; Gawa 4:18-19, 5:28-29; Roma 5:1-5; Juan 16:29-33

Hunyo 26, 2021 (SABADO) | 8:00-11:00AM
via Zoom

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKALMisyon at EbanghelisasyonMUNGKAHING PROGRAMA SA ILALIM NG NEW NORMALPARA SA CLUSTER AT IGLESYA ...
18/03/2021

IGLESIA UNIDA EKYUMENIKAL

Misyon at Ebanghelisasyon
MUNGKAHING PROGRAMA SA ILALIM NG NEW NORMAL
PARA SA CLUSTER AT IGLESYA LOKAL

PANIMULA
Lumalago sa Biyaya-Gumagawang Pananampalataya ay patotoo ng kaugnayan ng Iglesia Unida Ekyumenikal sa ating Panginoon Cristo Jesus at pagkatawag sa atin upang maging lingkod Niya. We are called to priesthood upang pangalagaan ang isa’t-isa at akayin ang Iglesia na patuloy na lumago sa biyaya ng Pag-ibig ng ating Diyos. Ipinapahayag ang Mabuting Balitang Pagliligtas. Nagtuturong sumunod sa ating Panginoon Jesu-Cristo.

Ang ating Misyon ay patuloy na maibahagi sa iba’t ibang kaparaanan ang Dakilang Pag-ibig at Pagkalinga ng Diyos sa Kanyang Bayan, kapahayagan ng ating gumagawang pananampalataya.

Ang taon 2020 ay naging isang malaking hamon sa buong iglesia sa ating pagpapatuloy ng mga gawain at ministeryo. Pinupuri natin ang ating Dakila at makapangyarihang Diyos sa pagbibigay Niya ng Patnubay at gumabay na harapin ang hamon ng New Normal. Ang pagpasok ng ikalawang ng Covid 19- UK VARIANT ay nagpapanatili ng pamumuhay sa ilalim ng New Normal, pagsunod sa safety and health protocols. Sa kabila ng ganitong kalagayan, inaasahan na patuloy tayong tutugon sa gawain ng ating Panginoon Jesu- Cristo. Dahil ang Dakilang atas ng Panginoon ay isa sa pangunahin tungkulin ng Iglesya na itinatag ng kanyang dugo. Ang pag-asa natin ay patuloy tayong gagabayan ng Espiritu Santo. Ang mga sumusunod ay mungkahi programa ng ating Misyon at Ebangelisasyon.

PROGRAMA

1. Pagbubuo ng lupon sa Misyon at Ebanghelisasyon
Ang pagbubuo ng Cluster at Iglesya Lokal ng Lupon ay sangay ng sa ating pagtitiyak ng pagtugon ng Iglesia sa Dakilang Atas-Great commission ng ating Panginoon Jesu-Cristo. tungkulin ng lupon na:
🌱 Tumukoy ng mga layko na maaring magtalaga ng sarili sa gawaing misyon at ebanghelisasyon ng IUE sa antas ng cluster at Lokal.
🌱 Maglunsad ng pagsasanay sa pakikipag-unayan sa Pambansang Lupon ng Misyon at Ebanghelisasyon sa mga maaring maging leader o facilitator/misyonero ng mission areas. Ang mga sumusunod ay mungkahing lalamin ng pagsasanay.
a. Missio Dei- Biblical Basis of Mission and Evangelism
b. Pagbubuo ng mission area.
c. Pangunguna sa group discussion at bible study.
🌱 Tiyakin ang tunguhin ng mission areas ng Cluster at Iglesya Lokal. Sa pamamagitan ng mga sumusunod na batayang teyolohikal sa gawain at tungkulin ng misyon ng iglesia. Ayon kay G. Wesley Granberge- Michaelson, Former General Secretary of Reformed Churches in American,

“People’s lives are encountering the love of God in Christ, and discovering the spiritual power of transformation, connecting them to the community of God’s people, sending them into God’s mission in the world.”

• ENCOUNTERING GOD
🌱 The Fall- ang lahat ay nagkasala
🌱 The Wages of sin
🌱 Redemptive Acts of God
🌱 Salvation in Jesus Christ

• TRANSFORMING People
🌱 Panawagan sa pagtatalaga ng sarili sa Panginoon- Nurturing in Faith and Obedience. Lumalago sa Biyaya
🌱 Bunga ng Espiritu

• God’s People in FELLOWSHIP with one another
🌱 pagtatayo ng “nanambahang pamayanan” mula sa mga “Mission Areas” Patungo sa pagtatatag ng Iglesia Lokal.
🌱 Pagpapakilala ng Iglesia Unida Ekyumenikal, Polity, Pananampalataya/Paniniwala, Sandigan Ng Pananampalataya.
🌱 Pagkakatiwalang Kristiyano

• Sending into God’s Mission- Gumagawang Pananampalataya
🌱 Ang bawat mananampalataya ay inaasahan na patuloy na Lumalago sa Biyaya ng pag-big at pagliligtas sa pamamagitan ng ating Panginoon Jesu Cristo. Masiglang nagpapatotoo sa ginawa at patuloy na ginagawang pagliligtas ng Diyos sa sangnilikha.

2. Pagbabalik Tanaw
Ang programa ng Misyon at Ebanghelisasyon ay dumaan na sa mahabang kasaysayan ng Iglesia Unida Ekyumenikal. Ang bawat yugto ay mahalaga sa buhay ng ating iglesiya sa loob ng nakaraang 25 taon. Mula sa tatlong iglesya, tayo po ngayon ay nasa labing-siyam na Kongregasyon, kasama ang ating mga Pamayanang Mangyan sa Mindoro at mga Pamayanang Nananambahan. Ito ay isang matibay na patunay na ang kasaysayan ng misyon at ebanghelisasyon ay lumalago sa gabay at patnubay ng ating Panginoon Jesu-Cristo sa pamamgitan ng Banal na Espiritu.

Ang ating 2020 ministry experience, ay isang mahalagang yugto ng ating kasayasayan. Ang iba’t-ibang internet platforms ay naging isang mahalagang Tool upang tayo ay makapagpatuloy na magampanan ang Dakilang Atas. Sa pamamagitan social media ay nagkaroon tayo ng Virtual worship (PagSAMBAhay), reflections, and online prayer meetings. Kamustahan, Virtual Sunday School at fellowship. Sa kabila limitadong pagkilos ay naka-pagkaloob ng ayuda sa ating mga manggagawa sa pamamagitan ng “Internet Banking”. Ang ating mga kongregasyon/iglesia local ay nagbigay ng food package at hygiene kit sa mga kababayan na nangangailangan at maging sa mga nasalanta ng bagyo, nasa pamayanan na ating kinalalagyan ng ating mga iglesia local. Ang mga gawaing ito ay konkretong pagtugon ng Iglesia sa hamon ng Dakilang Atas (Great Commission) ng ating Panginoon Jesu-Cristo sa ilalim ng 2020 New Normal.

Kaya’t hinihikayat ang lahat ng mga iglesiya-lokal na magbalik tanaw sa kasaysayan ng ating misyon at ebanghelisasyon, isulat at gawing isang matibay na dokumentong batayan at inspirasyon ng Lupon sa Misyon at Ebanghelisasyon. Ang sumusunod ay mungkahing daloy ng Pagbabalik tanaw at pagtatasa sa ating gawain ng misyon at evangelisasyon.

a. Kasaysayan ng misyon at ebanghelisasyon ng Cluster at Iglesya Lokal
b. Tukuyin ang mga pamamaraang ginamit sa gawain, ang kahinaan at kalakasan nito.
c. Impact of 2020 IUE Virtual Ministry at pagkakaloob ng ayuda sa ating mga mangagawa at kababayan.
d. Mga mungkahi sa pagpapaunlad at pagsusulong ng programa ng misyon at Ebanghelisasyon sa local at kalaganapan.

3. Formation of Mission Areas,
Naging susi sa paglago ng IUE sa bilang ng mga Kongregasyon ng IUE ang ating naging mission areas. Sa panahong ito ng New Normal, tingnan ng mga Cluster at Iglesya Local ang muling pagtukoy at pagtatatayo ng mga mission areas. Abutin ang mga kapatiran na nalayo sa kanilang mga uwiang Iglesia.
- ang group or bible study ay maaring gawing Virtual kung may internet access ang bubuoing Mission Areas. Maaari ding Face-to-Face ang pag-aaral at talakayan sa kondisyon na may pagsunod sa itinatakdang Safety Protocols.

4. Evangelistic Preaching, prayer meeting at reflections/patotoo ng pananampalataya at binagong buhay 2 Cor. 5:17, Virtually at maging sa physical worship and prayer meetings.

5. Mga Aralin/ bible study materials.Ang Lupon ng Misyon at Ebanghelisasyon ay maglalathala ng mga aralin pang-ebanghelisasyon. Hihingin ang tulong ng Christian Education at mga manggagawa.

PANAWAGAN
Ang Dakilang Atas/Great Commission ay ipinagtagulin sa kanyang mga alagad ng ating Panginoon. Ang Atas ay nanatili hanggan sa kasalukuyang panahon. Ang Iglesia sa ating kapanahunan ay daluyan ng Missio Dei sa pamamagitan ng Espiritu Santo.(Gawa 1:8). Ang Misyon ng Diyos ay naka-ugat sa Tatlong Persona ng iisang Diyos, Manlilikha, Manunubos at Nagpapanatili ng buhay ng sangnilikha. Ang sabi ni Karl Barth
“that mission was God’s work and authentic church mission must be in response to God’s mission”. Karl Barth, theological essay 1932.

Ang iglesia ay isinugo ng Diyos upang muling ibalik sa Kanya ang sangnilikha (Mateo 28:16-20, Marcos 16:15-16, Juan 20:21-22). Makaranas ng transformasyon/pagbabago batay sa orihinal na intensiyon ng Diyos sa sangnilikha (Col. 1: 19-29, 2 Cor. 5: 17) . Maranasan ang ganap at kasiya-siyang buhay kay Jesu-Cristo (Juan 10:10). Ang iglesya ay itinatag upang maipahayag ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos para sa kanyang nawalay na sangnilikha. Itinalaga ang iglesia upang maging saksi sa ginawa at gagawing pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sa patnubay at gabay ng Banal na Espiritu. Isinugo ang Anak upang mahayag ang kaluwalhatian, ang dakila at di nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan/sangnilikha at kasaganaan ng biyaya ng Pagliligtas. ( Gw.1:8; Ef. 2: 8-10)

Ang pagbubuo ng lupon Misyon at Ebanghelisasyon at pagtukoy natin ng mga misyonero ng ating cluster at Lokal ay magiging daan upang patuloy na pagtugon ng IUE sa Dakilang Atas ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

INIHANDA sa Pakikipagsanggunian sa KALIHIMAN

Rev. Emmanuel H. Infante
Tagapag-ugnay ng Misyon at Ebanghelisasyon – 01-25-21

Address

634 Moriones Street
Manila
1013

Telephone

+63285627220

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Misyon at Ebanghelisasyon ng Iglesia Unida Ekyumenikal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Misyon at Ebanghelisasyon ng Iglesia Unida Ekyumenikal:

Share