30/04/2026
Mayo na! Flores de Maria na!
Bukas ay simula na muli ng isang buwan na Pagdiriwang, Pag-aalay at Pagdarasal sa ating Mahal na Ina. Ang pag-aalay natin ng mga bulaklak, ay sumisimbolo sa ating matamis at masamyong pagmamahal sa kanya. Pag-aalala na tayo na kanyang mga anak rin, ay buong pusong tumatalima sa kanyang anak na ating Panginoon. Kasabay nito ang mga panalangin na ating inilalapit sa tuwing tayo ay magdarasal at hahawak ng Banal na Santo Rosaryo. Isang mahalagang bagay na nagtuturo sa atin sa Buhay ni Kristo.
Sa pagdiriwang natin ng ika-24 na taon ng Pagdedebosyon at pamimintuho sa La Virgen deals Flores narito ang mga talaan ng mga gawain para sa Flores de Maria 2026:
MAYO 1- 31, 2026 | BUWAN NG FLORES DE MARIA
• Ika-4 N.H. - KATESISMO (ang lahat ng mga kabataan edad 5-15 anyos ay inaanyayahan upang making at matuto)
• Ika-5 N.H. - PAGDARASAL NG SANTO ROSARYO (pamumunuan ng mga nakatalagang Ministry, Chapels at Organizations ng Parokya)
• Ika- 5:30 N.H. - PAG-AALAY NG MGA BULAKLAK
MAYO 29, 2026 | KAPISTAHAN NG MAHAL NA INA, LA VIRGEN DELAS FLORES AT PAGDIRIWANG NG IKA- 24 TAON NG FLORES DE MARIA
• Ika 4 N.H. - SAGALA AT MARINGAL NA PRUSISYON NG LA VIRGEN DELAS FLORES (sa pamumuno ni Bb. Mary Jane Caling Santos, Hermana 2026)
• Ika- 6 N.G. - MISA MAYOR AT PAGKOKORONA SA ATING INA'T PATRONA
• Ika- 7:30 N.G. - RITU NG PAMAMAALAM AT PAGPAPASA NG KATUNGKULAN SA BAGONG HERMANA
Nawa tayong lahat ay masayang makiisa sa isang buwang pagdiriwang at pagpaparangal sa ating Mahal na Ina, La Virgen deals Flores.
"Halina at ating ngayo'y ipagdiwang,
ang Birhen Mariang kalinis-linisan,
ipagmakaawang tanggapin ang alay,
Masamyong bulaklak,
Handog araw- araw!"
Mabuhay ang Reina delas Flores!
Viva La Virgen!
Viva La Virgen de las Flores!