Altar Servers STR

Altar Servers STR This is the official page of the organization of Knight of the Altars of the Parish of St. Raymond of Peñafort here in Mangatarem, Pangasinan

26/10/2020
06/10/2020
MGA PAGBASA— LINGGO HUNYO 28, 2020Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)2 Hari 4, 8-11. 14-16aSalmo 88, 2-3. 16-17. 18-...
27/06/2020

MGA PAGBASA— LINGGO HUNYO 28, 2020

Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

2 Hari 4, 8-11. 14-16a
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Roma 6, 3-4. 8-11
Mateo 10, 37-42

UNANG PAGBASA
2 Hari 4, 8-11. 14-16a

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ng mga Hari

Minsan, si Eliseo’y nagpunta sa Sunem. May isang mayamang babae roon at siya’y inanyayahang kumain sa kanila. Mula noon, doon siya kumakain tuwing pupunta sa lugar na yaon. Sinabi ng babae sa kanyang asawa, “Natitiyak kong lingkod ng Diyos ang taong ito. Bakit di natin siya ipagpagawa ng isang silid para matuluyan niya tuwing pupunta rito? Bigyan natin siya ng higaan, mesa, upuan at ilaw.”

Nang magbalik si Eliseo, doon siya nagpahinga sa silid na inihanda sa kanya. Pagkaalis ng babae, tinanong ni Eliseo si Giezi, “Ano kaya ang maitutulong natin sa kanya?” Sumagot si Giezi, “Wala po siyang anak at matanda na ang asawa.” “Tawagin mo uli,” utos ni Eliseo. Nagbalik ang babae at tumayo sa may pintuan. Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Isang taon mula ngayon ikaw ay magkakaanak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Pag-ibig mo, P**n, na di magmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;
ang katapatan mo’y laging sasambitin,
yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba,
sa pagsamba nila’y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika’y pinupuri,
ang katarungan mo’y siyang sinasabi.

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Ang tagumpay namin ay iyong kaloob,
dahilan sa iyong kagandahang-loob.
Pagkat pinili mo yaong hari namin,
kaloob mo ito, Banal ng Israel.

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 6, 3-4. 8-11

Mga kapatid:
Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung paanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Pedro 2, 9

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo, ang humirang
upang kami’y maging bayan
ng pari at haring banal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 37-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
mula sa Patnubay sa Misa

Hingin natin sa Diyos na maging bukas ang ating loob sa mga taong isinusugo Niya sa ating buhay at nang matanggap natin ang biyayang kanilang dala. Ang ating sasambitin ay:

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang madala nila sa lahat ang biyaya ng Diyos at mabigkis ang lahat ng mga Kristiyano sa iisang Bayan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Para sa mga namumuno sa ating bansa, lalo na sa panahong ito ng COVID-19 pandemic, upang sila ay maging tunay na sugo ng Diyos sa ikasusugpo ng sakit na ito at sa ikapapanuto ng buhay ng ating mga kababayan, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Para sa lahat ng mga gumaga- wa sa ating mga pagamutan at nagsisikap na sugpuin ang pagkalat ng COVID-19 pandemic, upang sila ay manatiling ligtas, pagpalain para sa kanilang kabayanihan, at talagang maging mga sugo ng Diyos sa ating bayan, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Para sa mga taong dinapuan ng COVID-19 virus, upang sila ay lumakas ang pag-asa sa Diyos, gumaling sa kanilang sakit, makabalik sa paglilingkod sa kanilang mag-anak, sa Simbahan, at sa bayan, at maging mga sugo ng Diyos dahil sa kanilang naranasan, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito, upang sa ating pagdadamayan
sa panahong ito ng kagipitan ay mapalakas tayo ng Banal na Eukaristiya at maging mga sugo ng Diyos sa isa’tisa, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Amang mapagpala, dinggin mo ang iyong mga anak!

Ama naming nagtatakda na maibuhos ang iyong biyaya sa pamamagitan ng mga taong Iyong isinusugo, ibuhos Mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu kami rin ay maging mga sugo sa ikabubuti ng aming mga kapatid. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon.

Amen!

26/06/2020
21/06/2020
LINGGO, HUNYO 21, 2020Ika-12 Linggo sa Karaniwang PanahonJeremias 20, 10-13Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.Ti...
20/06/2020

LINGGO, HUNYO 21, 2020
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon

Jeremias 20, 10-13

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
Pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, P**n, malakas ka’t makapangyarihan;
Madarapa ang lahat ng umuusig sa akin, hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon, at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
P**n, Diyos na Makapangyarihan,
Alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Panginoon
Sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35

Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.

Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.

At sa ganang akin, ako’y dadalangin
sa iyo, O P**n, sana’y iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.
P**n, buti mo’t pag-ibig sa akin,
sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,
sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.

Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata’t naroong nilikha!

Panginoon, iyong dinggin akong iyong ginigiliw.

Roma 5, 12-15

Mga kapatid, ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala’y di tulad ng pagsuway ni Adan.

Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

Mateo 10, 26-33

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

14/06/2020

BAKIT KAYONG MGA KATOLIKO AY YUMUYUKOD AT NAG-ALAY NG BULAKLAK SA REBULTO?🤔

“Alam mo ba na si President Duterte ay nag-alay at yumukod sa rebulto ni Jose Rizal noong Jose Rizal Day tanda ng kanyang pagalang at pagpaparangal kay Jose Rizal, kaya Hindi Purkit yumukod o nag-alay ng bulaklak ay sumamba na sa Rebulto.

Huwag Judgemental kapatid!😇
🇻🇦 🇵🇭

LINGGO, HUNYO 14, 2020Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon(Corpus Christi)Deuteronomio 8...
13/06/2020

LINGGO, HUNYO 14, 2020
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon(Corpus Christi)

Deuteronomio 8, 2-3. 14b-16a

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Alalahanin ninyo kung paano niya kayo pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang matuto kayong magpakumbaba. Sinubok niya kayo kung susundin ninyo siya. Tinuruan nga kayong magpakumbaba; ginutom niya kayo bago binigyan ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno. Ginawa niya ito upang ipakilala sa inyo na ang tao’y hindi lamang nabubuhay sa pagkain kundi sa salita rin naman ng Panginoon.

“Huwag ninyong kalilimutan ang Panginoon na nagpalaya sa inyo mula sa pagkaalipin ng bansang Egipto. Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakatatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato. Kayo’y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing di ninyo kilala.”

SALMONG TUGUNAN
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon,
purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga-Sion.
Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag-iingat,
ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo,
bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo.
Kung siya ay nag-uutos, agad itong natutupad,
dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n’ya ibinibigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel.
Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!

Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

1 Corinto 10, 16-17

Mga kapatid, hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinaghahati-hati ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

ANG TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Purihin mo, Lungsod ng D’yos,
ang Pastol na Manunubos,
ang Panginoong si Hesus.

Sa abot ng kakayanan
ng lahat ng kanyang hirang,
siya’y dapat papurihan.

Ang sarili niya’y handog
upang lahat ay matubos
at mapalakas nang lubos.

Kasalo’y mga alagad
ng Panginoong Mesiyas
na hai’y buhay sa lahat.

Siya’y dapat na handugan
ng papuri at parangal
ng lahat ng kanyang hirang.

Ngayo’y ating gunitain
ang Huling Hapunang bilin
ng Panginoon sa atin.

Dito naganap ang tipan
na bago at walang hanggan
sa kaligtasan ng tanan.

Ang kasunduang matanda
humantong sa pasinaya
ng hain n’yang inihanda.

Tanang ginanap ni Hesus
ay habilin niyang utos
na ipagdiwang nang lubos.

Ang handog niyang pagkain
at alay niyang inumi’y
laman niya’t dugong hain.

Kanyang turong iniaral
na ang alak at tinapay
ay dugo niya’t katawan.

Manalig tayong matapat
kahit hindi namamalas
ang pagbabagong naganap.

Pagkain ay pinalitan
ni Kristo ng kanyang laman
upang tayo’y makinabang.

Napalitan ang inumin
sa dugo na inihain
ni Hesus para sa atin.

Ating pinagsasaluha’y
si Hesus na P**ng mahal,
walang bawas, walang kulang.

Kahit marami o isa
ang tumatanggap sa kanya’y
laging sapat, laging kasya.

Ang may sala’y lapastangan
ngunit ang butihi’y banal
pagdulog sa pakinabang.

Masuwayi’y magdurusa,
mabubuhay ang magtika
nang si Kristo’y matanggap n’ya.

Hinati-hating tinapay
para sa nakikinabang
ay laman ni Kristong buhay
na sa ati’y kanyang alay.

Sa lahat ng tumatanggap
paghahati’y ginaganap
ngunit buo, walang bawas
ang Katawan ng Mesiyas.

Pagkaing mula sa langit
ngayo’y hain sa daigdig.
Handog na kaibig-ibig
kailanma’y di masasaid.

Paghahai’y inilahad
nang ialay si Isaac,
ang korderong nagliligtas,
ang manna ng nagsilikas.

Pastol naming mapagmahal,
kami’y iyong kaawaan,
gawing dapat makinabang
sa pagkaing iyong alay
hanggang langit ay makamtan.

Magagawa mo ang lahat
upang tanan ay maligtas,
akayin mo sa ‘yong hapag
lahat kaming ‘yong alagad
sa buhay mong walang wakas.

ALELUYA
Juan 6, 51

Aleluya! Aleluya!
Pagkaing dulot ay buhay
Si Hesus na P**ng mahal,
Buhay natin s’ya kailanman.
Aleluya! Aleluya!

Juan 6, 51-58

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Dahil dito’y nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin inyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.”

13/06/2020

CHURCH NEWS | Manila Bishop calls for younger church volunteers.

Manila’s Roman Catholic Church is asking young volunteers to help with religious services as it anticipates the reopening of churches.

In a statement released June 11, Bishop Broderick Pabillo said that to return to worship in churches, volunteers would be needed with administering church services.

“We need more volunteers now since there are new ministries to be created or strengthened because of our situation,” Pabillo said.

“We will have to bring communion to the sick and to the elderly near their homes. We will need people to help keep the proper physical distancing and to regularly disinfect our churches,” he said.

The Church has discouraged older, susceptible adults from attending Mass so as not to expose them to the coronavirus.

Many of the parishes’ lay ministers and volunteers are elderly and are said to be more vulnerable to the disease.

The bishops’ conference has earlier asked parishes to also train younger lay ministers of communion.

To read the entire article please visit:
https://cbcpnews.net/cbcpnews/manila-bishop-calls-for-younger-church-volunteers/

13/06/2020

Manila’s Roman Catholic Church is asking young volunteers to help with religious services as it anticipates the reopening of churches.

Address

Mabini Street
Mangatarem

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Altar Servers STR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share