28/08/2026
'Magpaka-ingat kayo'
Iyan ang mga katagang sinambit ng Magandang Birhen sa Balintawak bilang paalala sa kanyang mga anak na nagmamahal at nakahandang maghandog ng buhay alang-alang sa pagsasarili ng kanyang bayan. Ang kaganapang ito ay nangyari ilang araw lamang bago ang Unang Kilos ng Himagsikan.
Noong Panahon ng Rebolusyon, nakilala ang Mandaluyong bilang 'Baluarte de Katipunan' kaya't noong naitatag ang Iglesia Filipina Independiente sa Mandaluyong noong 1903, karamihan sa mga naging kasapi nito ay mga miyembro ng Katipunan.
130 Taon ang nakalilipas, muli nating alalahanin sa mga bantayog ng mga pilipinong kasapi ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan na pinangungunahan ni G*t Andres Bonifacio, na minsan pa’y ginabayan sila ng ating Mahal na Ina sa kanilang pakikibaka tungo katagumpayan ng himagsikan – Ang 'La Hermosa Virgen Balintawak'.
Ngayong ginugunita natin ang makasaysayang '29 de Agosto', kaisa sa Panalangin at Pagdiriwang ang Simbahang Pilipino sa Mandaluyong sa paggunita ng Ika-130 Anibersaryo ng Unang Kilos ng Himagsikan.
Viva Los Filipinos!
La Hermosa Virgen Balintawak
Pintakasi ng Iglesia Filipina Independiente,
Ng mga Manggagawang Pilipino,
Para sa magandang panaginip.
Para sa magandang kinabukasan.
Para sa mga babala at pangitain.
Para sa panganib.
Ipanalangin mo kami.