What is Written? Bible Discussion Group

What is Written? Bible Discussion Group For those who want to know about the truth in the BIBLE, this page is for you.

16/09/2021

ANG KASAYSAYAN NG TUNAY NA IGLESIA


A. Ang tunay na Iglesia
1. Paala-ala ni Pablo-- Acts 20:29,30.
2. Mga hula ni Daniel tungkol sa loob ng 1,260
years - Daniel 7:25.

" At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon." Daniel 7:25.

Hebrew Calendar
Mga panahon -- 2 years 720 days
Isang panahon -- 1year. 360 days
Kalahari ng panahon -- 1/2 year 180 days
Total No. of days. 1, 260 days

3.WORD HISTORY -- Narito ang katuparan sa
mga hula ng Daniel at Revelation na totoong
nangyayari sa kasaysayan ng daigdig. Ito ang
mga pagkasunod-sunod:

a. Christianity -- Unang tinawag sa Antioquia,
Gawa 11: 26. Ito ang tawag sa lahat na
nanampalataya kay Jesucristo bilang
Messiah between 31-- 98 AD. Kay Apostol
Pedro itinagubilin ang iglesiang ito. Iisa pa
ang samahang Cristiano noon hanggang
sa panahon ni Linus, Cletus and Clement.
(World Hist. p. 360)
b. 313 AD -- Na convert bilang isang Cristiano
ang isang pagano na sumasamba sa araw
at naging emperador pa ito ng Roma sa
katauhan ni CONSTANTINE THE GREAT.
(World Hist. p. 245, Historia Ecclesiastical
p. 739.

C. March 7, 321 AD -- a Decree of Constantine
the great to change the solemnity of rest
day as Saturday to Sunday. (Modern times
and the living past p. 208.

d. 325 AD -- Sylvester, bishop of Rome,
officially changed the title of the first day or
Sunday, calling it "the Lord's day." Lucium,
Historia Ecclesiastical, p. 739.

e. 336 AD -- Sunday Law was enforced to be
observed
Question: Which is the Sabbath day?
Answer: Saturday is the Sabbath day.
Question: Why do we observe Sunday
instead of Saturday?
Answer: We observe Sunday instead of
Saturday because the Catholic Church in
the council of Laodicea transfered the
solemnity from Saturday to Sunday.
(Converts Catechism of Catholic Doctrine
1910,2nd Ed., p. 50.

f. 538 AD -- Sunday Law implemented.
Violators punished.
* A decree from Emperador Justinian
* Papal supremacy takeover
* No religious freedom
* Dark ages begin.
* The split of Christianity, World History,
p. 360.
* Christians who remain faithful as Sabbath
keepers were persecuted.

g. Ang mga Cristiano ay nagkawatak-watak.
Ang karamihan ay nananatili sa
kapangyarihan ng Imperyo ng Roma at
sumusunod sa Sunday Law o Sunday
keeper na laganap sa Western Europe kung
saan naroroon ang general headquarter sa
Vatican City. Nakarating ito sa iba't-ibang
panig ng mundo maging sa Pilipinas na
kung saan ang Spain o Espanya ay isa sa
mga bansang napasailalim ng
kapangyarihan ng Roman Empire hindi
lamang sa Sunday Law kundi pati ang
kanilang tradisyon at kulturang Pagano. Ito
ang nagdala ng Cristianismo sa Pilipinas
na may halong kultura, tradisyon,
pananampalataya at paganong sistema ng
ng mga Iglesia Apostolica Romana.

h. 1521 AD -- Ferdinand Magellan landed in
the Philippine island, panahon pa ito ng
ages sapagkat 1798 AD, natapos ang papal
supremacy at wala pang kalayaang
panrelihiyon ang mga Pilipino kaya
sapilitan na ipinatupad ang mga utos ng
Romano Katoliko sa Pilipinas at obligadong
pumunta ang ating mga magulang sa
kanilang itinatayong mga bahay sambahan
sa araw ng Linggo. Kapag hindi ka susunod
sa kanila, papaluin ka ng buntot ng isdang
pagi ng 25 times at dahil sa sobrang sakit
ng ganitong parusa, wala kang choice
kundi pumunta sa bahay sambahan ng
Romano Katoliko sa bawa't araw ng Linggo.
Pagdating mo sa sambahan, salitang
LATIN ang maririnig mo sa mga pari at
hindi mo ito maunawaan kaya ang alam
lang ng ating mga magulang pag araw ng
Linggo dapat nasa simbahan ka ng mga
Romano Katoliko. Umabot ito sa 333 years
ang ganitong sitwasyon sa Pilipinas at
mahigit sa apat na sali't-saling lahi, kaya
ang maririnig mo nalang sa mga
matatanda ay ganito: "Kung ano ang aking
kinagisnan ay dito na ako mamamatay sa
kinamulatang relihiyon".

i.) Samantala, ang tunay na Iglesia ay ang
pangalawang grupo na tumamakas at hindi
sumunod sa utos ng pagsamba sa araw ng
Linggo at ang iglesiang ito ay inampon sa
ilang ng 1,260 days Revelation 12:6. Ito ang
hula na binigyan ng dalawang malaking
pakpak ng agila at inilipad patungo sa Kanyang tahanan sa ilang na pinagkandilihan
(Revelation 12 :14). Ang malaking pakpak ng agila na ito ay sumisimbulo sa makapangyarihang America o The Great seal of United States of America. Sa katunayan, ito ang kanilang official seal na ginagamit hanggang ngayon. Ito ang sinasabi ng hula na aampon sa babae sa loob ng 1,260 days.

Revelation 12:14 At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.

g.) 1798 AD - Natapos ang dark ages sa ilalim ng papal supremacy na pinamumunuan ng mga pope mula 538 AD hanggang 1798 AD. Pinahuli ni General Napoleon Bonaparte sa pamamagitan ni General Berthier si Pope Pius VI at ikinulong hanggang sa namatay sa bilangguan. History of Christian Church p. 375-377.
* Revelation 12:6 - 1,260 days- inampon ang
Iglesia.
* Revelation 12:14- 1,260 days- itinakas sa
America.
*Daniel 7:25 - 1,260 days- Nilipol at inusig ang
Iglesia.
*Word History - 1,260 yrs. Dark Ages Started in
538 and ended in 1798.
Note: Ang isang araw sa Diyos ay isang taon sa
lupa. Kaya, ang 1,260 days sa Revelation 12:6 at Daniel 7:25 ay katumbas ng 1,260 years sa
kasaysayan ng tao.

Ezekiel 4:6 - At muli, pagka iyong natapos ang mga ito, ikaw ay hihiga sa iyong tagilirang kanan, at iyong dadanasin ang kasamaan ng sangbahayan ni Juda; apat na pung araw, bawa't araw ay pinaka isang taon, aking itinakda sa iyo.

h.) Sa mga figures na ito ay makikita mo kung
gaano ka - accurate ang katuparan sa mga hula
ni Juan at Daniel at maging ang tunay na pangyayari sa kasaysayan ng Christian Church sa buong mundo ay natupad lahat ayon sa hula.

k. Matapos ang REFORMATION ng isang priest na si Martin Luther laban sa kanilang pamunuang Romano Katoliko, nagkaroon na muli ng KALAYAAN ang lahat na mga Cristiano upang suriin ang katotohanan mula sa Biblia, unti-unting lumalabas ang katotohanan sa bawat dako ng mundo. Ito ang Ilan sa mga sumusunod:

1.) Methodist Church - Sa pangunguna ni
John Wesley at ang born Methodist na si
Ellen G. White na kanilang nakita ang isang bahagi ng Katotohanan na ang kaligtasan o Method of Salvation ay mula sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. (Save by Grace through faith)
2.) Baptist church - Sa pangunguna ni John Smyth, kanilang nakita ang isang katotohanan na ang tamang paraan sa pagbibinyag ay sa pamamagitan ng paglubog sa tubig (Baptism by Immersion) ayon sa ipinakita ng Panginoong Jesus na halimbawa sa ilog ng Jordan sa pamamagitan ni John the Baptist.
3.) Advent Movement - Sa pangunguna ni William Miller, kanilang natuklasan na ang Panginoong Jesus ay muling darating sa Ikalawang pagkakataon. (Second Advent of Jesus)
4.) Seventh - Day Sabbath Keepers- Sa pangunguna ni James White, Joseph Bates,
John Andrews ;Kanilang nakita na as ang ikapitong araw ay ang tunay na Pangingilin at
Sabbath sa Panginoong Dios. (Seventh day Sabbath)
5.) Seventh day Adventist - Ito ang pinagsama-samang katotohanan na natuklasan mula sa Biblia na nagmula sa iba't-ibang grupong Protestante.

l.) Ang mga pangunahing aral na ito ay sinasang-ayonan ng Banal na Kasulatan na kasama sa kanilang natagpuan. Kaya ang mga nagmula sa iba't-ibang samahan ay kusang ipinatanggal ang kanilang mga pangalan sa talaan ng aklat ng dati nilang samahan. Hanggang nagkaroon ng batas ang America na ang lahat na sekta o denominasyon ay kailangang iparehistro sa Federal Goverment of Michigan, United States of America upang maging legal ang kanilang samahan. Isa sa mga sekta o pulutong ang nagpalista under Christian religion ay ang Seventh day Adventist Church noong 1863 sa Michigan, USA. Ang pangalang ito ay hango sa aral at katangian ng samahan o Iglesia. Ang Seventh day Adventist
ay tanging samahang NALABI sa tunay na bayan ng Diyos na sumusunod sa Sampung Utos na ibinigay ng Diyos sa ilang, nag-ingat sa mga pagkaing ipinagbabawal ng Diyos, naghihintay sa Ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus at nagpatuloy sa pangingilin ng ikapitong araw na siyang sabbath sa Panginoon. Ito ang mga dahilan kung bakit inusig ang mga Cristiano noon dahilan sa hindi pagsunod sa araw ng pagsamba na itinakda ng tao, ang araw ng Linggo. Ito rin ang iglesiang itinakas at binigyan ng dalawang malaking pakpak ng agila upang inilipad at inampon sa loob ng 1,260 days.
1905 - Seventh day Adventist first entered Phillipines territory through literature evangelist missionary Robert A. Caldwell.
1911 - First Filipino Seventh day Adventist church building established in Sta Ana, Manila.
1912 - First Filipino Seventh day Adventist church organized as church in Malolos, Bulacan.

Ang tunay na Iglesia ay nagmula sa Jerusalem, Israel. Ang Bayang pinili ng Diyos, itinakas ng Diyos papunta sa America at kumalat sa buong mundo maging sa Pilipinas. Ito ang tunay na NALABI mula sa karamihan na inusig sa loob ng 1,260 days.

15/09/2021

PAANO MAKIKILALA ANG TUNAY NA IGLESIA?
Panimula: Maraming relihiyon at mga sekta sa buong mundo ngayon ang nagpapatunay na sila ang tunay na Iglesia sapagka't nababasa ang kanilang pangalan sa Biblia at nakapangalan ito sa Dios at kay Jesucristo.
Sa paksang ito, malalaman natin kung ano ang dapat magiging batayan ng isang tunay na Iglesia. Ito ang pangunahing mga katanungan ng mga taong naghahanap ng Katotohanan.

1. Sino ang natatag ng tunay na Iglesia?
2. Kailan itinatag ang tunay na Iglesia?
3. Saan nagmula ang tunay na Iglesia?
4. Ano ang pangalan ng iglesiang itinayo ni
Cristo?
5. Saan mababasa sa Biblia?
6. Ano ang mga turo ng isang tunay na Iglesia?
7. Sino ang nalabi na Iglesia?

A. Sino ang natatag at saan nagmula?
1. Saan nagmula ang iglesiang itinayo ng Dios?
a. Isaiah 48:1_ Mula sa binhi ni Abraham.
b. Mga Gawa 7:38_ Iglesia sa ilang na
tumanggap ng aral na buhay.
C. Deuteronomy 7:6_Pag-aari ng Dios at mga
piniling bayan.
d. Mga Gawa 1:8, Luke 24:47 _ Nagmula sa
Jerusalem.
e. Ezekiel 5:5_ Jerusalem... sa gitna ng mga
bansa.

2. Ang bayan ng Dios ay nabuwal, nawala at
nagkasala ayon sa hula.
a. Hosea 14:1_ Nabuwal ang bayan ng Dios.
b. Amos 9:11_ Ibinangon ang nabuwal.
C. Mga Gawa 15:16_ itinayo ang nangasira.

3. Kung ito ay hula, kanino natupad ang
pangakong itatayo muli ang Iglesia?
a. Mga Gawa 13:23_ Sa binhi ng taong ito,
ayon sa pangako, ng Dios ay nagkaloob ng
Isang Tagapagligtas, na si Jesus ;
b. Mateo 1:21_ Ang pangalang itatawag mo
sa kaniya'y JESUS ; sapagka't ililigtas niya
ang kaniyang bayan.
C. Lukas 19:10_ Naparito upang hanapin at
iligtas ang nawala.
d. Juan 12:46_ Ang sinomang
sumampalataya sa akin ay huwag
mananatili sa kadiliman.

4. Bakit magtatayo pa si Jesus ng Iglesia sa
ibabaw ng bato ayon sa Mateo 16:18?

a. Ang salitang ginamit na ITATAYO sa Greek
word ay "oikodomeo" na ang ibig sabihin
ay "to restore or to rebuild". Dito
maunawaan natin na si Jesus ay hindi
nagtayo ng panibagong Iglesia kundi
kanya lamang aayusin, ibangon, hanapin at
iligtas muli ang nabuwal, nasira, nagkasala
at nawalang Iglesia noon.
b. Ang misyon ng Panginoong Jesus ay
naka-sentro sa paghahanap ng mga
tupang nawaglit, pagtawag mula sa
kadililiman tungo sa kaliwanagan, at
pagligtas mula sa kasamaan at kasalanan.
Sa katunayan, ang salitang IGLESIA ay
nahati sa dalawang original Greek word na
ek-means OUT and kaleo - means CALL
kaya ang kabuluhan ng salitang IGLESIA
sa Greek word ay ekklesia -- means
CALLING OUT o TINAWAG MULA SA
KADILIMAN... Kaya, tama ang pagkasulat
ni Apostol Pedro sa 1Pedro 2:9.

1Pedro 2:9 Datapuwa't kayo'y isang
lahing hirang, isang makaharing
pagkasaserdote, bansang banal, bayang
pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong
ipahayag ang mga karangalan niyaong
tumawag sa inyo mula sa kadiliman,
hanggang sa kaniyang kagilagilalas na
kaliwanagan:
Juan 10:16 At mayroon akong ibang
mga tupa, na hindi sa kulungan ito: sila'y
kailangan din namang dalhin ko, at
kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y
magiging isang kawan, at magkakaroon ng
Isang pastor.

B. Ano Ang Pangalan at saan mababasa sa
Biblia ang Iglesia na itinayo ng Dios?

1. Walang binanggit na proper na pangalan
sa Lumang Tipan kundi mga common
noun lamang na katawagan, ito ay ang
mga sumusunod:
a. congregation of the Lord- Numbers 20:4
b. assembly of God -- Nehemiah 13:1 ASV
C. banal na Bayan -- Deut. 7:6; Isaiah 62:12
d. bayang Banal -- Isaiah 48:2
e. iglesia sa Ilang -- Mga Gawa 7:38

2. Ito naman ang tawag sa mga
mananampalataya sa Bagong Tipan. Ang
lahat na ito ay isang samahan, isang aral,
Isang layunin at pananampalataya. Hindi
ito proper noun o pangalan ng relihiyon o
sekta sapagkat nakasulat ito sa maliit na
titik.
a. iglesia ng Dios -- 1Corinto 1:2
b. iglesia ni Cristo -- Roma 16:16
C. iglesia ng Panginoon -- Gawa 20:28
d. iglesia ng Dios na buhay -- 1Tim.3:15
e. iglesia ng mga banal -- 1Cor.14:33
f. iglesia ng mga Panganay -- Heb. 12:23
g. iglesia sa ilang -- Gawa 7:38
h. iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo
Jesus. 1Thes.3:14.

3. Ang tanging proper noun o pangalan ng
relihiyon na nabanggit sa lahat na
tagasunod ni Cristo ay ang nasa Gawa
11:26.
a. Cristiano -- Ito ay tunay na proper noun
Sapagka't nagsisimula sa capital letter.

4. BABALA: Mag-ingat sa gumagamit ng
Pangalan ng Dios.
a. Mateo 24: 4, 5 --At sumagot si Jesus at
sinabi sa kanila, Mangag-ingat kayo na
huwag kayong mailigaw ninuman.
Sapagka't marami ang magsisiparito sa
aking pangalan, na mangagsasabi, ako
ang Cristo ; at ililigaw ang marami.
b. Awit 139:20 -- Sapagka't sila'y
mangagsasalita laban sa iyo ng
kasamaan., at ginagamit ng iyong mga
kaaway ang iyong pangalan sa
walang kabuluhan.
C. Galacia 1:8-- Datapuwa't kahima't kami,
O isang anghel na mula sa langit, ang
mangaral sa inyo, ay matakwil.

C. ANG TUNAY NA IGLESIA AY MAKIKILALA
SA PAMAMAGITAN NG TURO O ARAL NG
DIOS.
1. Juan 7:17-- Kung ang sinomang tao ay
nag-iibig gumawa ng kanyang kalooban,
ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa
Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa
aking sarili.
2. Ezekiel 44:23,24 -- At kanilang ITUTURO sa
aking bayan ang pagkakaiba ng banal at
ng karaniwan, at ipakikilala nila sa kanila
ang marumi at malinis... At sa pagtatalo ay
magsisitayo sila upang magsihatol; ayon s
sa aking mga kahatulan ay kanilang
hahatulan: at kanilang ingatan ang aking
mga kautusan at ang aking mga
palatuntunan sa lahat kong takdang
kapistahan; at kanilang ipangingilin ang
aking mga sabbath.
3. 1Timoteo 4:16 -- Magingat ka sa iyong
sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga
bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay
ang iyo ring sarili ang ililigtas mo pati ng
mga nagsisipakinig sa iyo.

31/01/2021

Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang MAGING KANIYANG MGA LINGKOD , BAWA'T NANGINGILIN NG SABBATH upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan; (Isaiah 56:6)

Ang ugali ng Panginoong, Jesus ay pumasok sa senagoga tuwing sabado. Luke 4:16.... Kaya sinabi Niya. "Kung sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin;at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang LINGKOD KO... Juan 12 :26.
Ibig sabihin lamang, kung gusto natin na paglingkuran ang Panginoong Jesus, dapat lamang ipangilin ang Sabbath sapagka't sinabi Niya, KUNG SAAN AKO NAROROON, AY DOON NAMAN DOROON ANG LINGKOD KO...
tuwing sabbath nasa senagoga si Jesus.
At sinabi niya, "Kung sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin;"....
At ang lingkod ng PANGINOON ay ang BAWA'T NANGINGILIN NG SABBATH UPANG HUWAG LAPASTANGIN, at nagiingat ng aking tipan. Isa. 56:6.
Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.
(Isaiah 56:2)

12/01/2021

Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.

Hebrews 4:3

09/01/2021

"Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus."

(Revelation 14:12)

Ang magtiis hanggang wakas ay siyang maliligtas. Mateo 24 13......ang kaligtasan ay hindi mo makakamit sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, kailangan may kasamang mabubuting gawa. Efeso 2:10, kaya nga may pagtitiyaga o pagtitiis sa sa pagsunod sa mga utos, at may pananampalataya kay Jesus. Apoc. 14:12.

11/12/2020

Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya; 1 John 2:4

Ano ba ang tunay na pagkakilanlan sa Dios?

Sinabi ni Cristo, Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.
(Matthew 7:21)

ANG katotohanan ay siyang pag tupad sa mga utos ng Dios, sinungaling ang tawag sa mga sumusuway sa mga utos ng Dios...
Ang gumaganap lamang ng kalooban ng Dios ang makapasok sa langit, ang salita ng Dios ay katotohanan... Sabi ni Jesus, bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi? (Lucas 6:46).
Ang katotohanan, ay hindi lamang na kilala mo ang Dios, o tinawag mo siyang Panginoon,
Kundi, ang pagsunod sa kanyang mga utos,kaya sinabi ni Jesus, Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
(Matthew 5:19)

10/12/2020

Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
Mark 7:7

Nilisan ang mga utos ng Dios, at pinanghawakan ang mga turo ng tao...
Pinawalang bisa ang mga utos ng Dios, masunod lamang ang turo ng minana ng mga nila...
Isa sa mga utos ng Dios, na winawalang halaga ay ang ikapitong araw, o Sabbath ng Panginoong Dios. Exo. 20:10 at ipinalit ang unang araw (sunday) convert Catechism of Catholic Doctrine. 1910 2nd Ed., p. 50

Sabi, ni Cristo, walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.

16/10/2020

ANG KALAGAYAN NG BANAL NA ESPIRITU

A. Sino ba ang Holy Spirit?
1. Third person of the Godhead.
2. He is God eternal.
3. He was active during creation.
4..He inspired the writers of scripture
5. He extends spiritual gifts to the church
6.He draws and convicts human beings

B. May Persona ba ang Holy Spirit?
1. Before that, what is a person?
a. Person is a being that has certain capacities
or attributes such as reason, morality,
consciousness or self-consciousness
b. GRAMMAR: a category used in the classification of pronouns, possessive determiners, and verb forms, according to whether they indicate the speaker first person, the addressee second person, or a third party third person.
c. Example of personal pronoun: He, She, I, me, we, you, they, them

2. Holy Spirit is a person?
Ito ang mga patunay na ang Holy Spirit ay may kakayahang mag-isip, magsalita, mag utos at nagdadamdam na gaya ng tao na may persona. Ang mga bagay na (Tangible or none tangible) gaya ng hangin, kapangyarihan, kuryente at iba pang elemento ay walang kakayahan ng ganitong katangian.

Ephesian 4:30-Ang Espiritu Santo ay napipighati kaya mayroon itong damdamin.

Acts 13:2-Nagsasalita ang Espiritu Santo at nagutos

John 16:13-How be it when he, the Spirit of truth, is come, he will guide you into all truth :for he shall not speak of himself ;but whatsoever he shall hear, that shall he speak :and he will shew you things to come. (Jesus used seven times personal pronoun-third person singular on this text refering to the Holy Spirit).
Ol)
3. God the Father is a Person like Holy Spirit
Hebrew 1:3-Who being the brightness of his glory, and the express image of his person, and upholding all things by the word of his power, when he had by himself purged our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high.

C. HOLY SPIRIT IS TRULY GOD
1. Acts 5:3,4-Ang Dios na pinagsisinungalingan ni Ananias ay ang Holy Spirit.
2. Psalm 95:7-11-Dios ang nagsalita sa mga Israelita na nag guide sa kanila ng 40 years sa ilang nguni't ito ay quoted ni Pablo sa Hebrew 3:7-11 na ang Dios na nagsasalita at nag guide sa mga Israelita ay ang Holy Spirit.
3. Isaiah 6:5,9-Dios ang tinutukoy ni Isaias na Panginoon ng mga hukbo sa talata. Nguni't, quoted ito ni Pablo sa Acts 28:25,26 na ang Dios sa talata ng Isaiah ay ang Holy Spirit.
4. John 14:16-Holy Spirit ang "another comforter" na tinutukoy ni Cristo na sa Greek word ng "another" ay "allos" na ang ibig sabihin ay "kagaya ni Cristo" omagkauri ang kanilang likas bilang Dios.

D. ANG HOLY SPIRIT AY MAY KATANGIAN O
(ATTRIBUTE) NG KADIOSAN.
1. Omnipotent /Makapangyarihan-Romans 15:19;1Samuel10:10;Luke 1:35.
2. Omnipresent / Naroon sa lahat ng dako. - Psalm 139:7-10
3. Omniscient / Alam ang lahat ng bagay-1Corinto 2:10-11
4. Eternal /Walang hanggan-Hebrew 9:14
5. Creator / Manlalalang - Job 34:4; Genesis 1:2

E. ANO BA ang gawain ng Holy Spirit?
1 John 16 :8-Susumbatan ang sanlibutan sa
kasalanan.
2. Romans 8:26- Tumutulong sa ating kahinaan
3. 2 Peter 1:21- Nangaudyukan ng Espiritu
Santo ang tao.
4. 1 Corinthians 2:10-Tumutulong sa pagunawa
ng kasulatan.
5. Romans 8:14- Pinapatnubayan tayo ng
Espiritu Santo.
6. Acts 1:8- Nagbibigay kapangyarihan sa
pagpatotoo.
7. Acts 2:38- Nagbibigay ng mga kaloob
Spiritual gift.
8. Luke 11:13-Nagbibigay ng mga kaloob

F. Ano ang dalang panganib kung tayo ay
magkasala sa Espiritu Santo?
1. Mateo 12:31,32-Magsalita ng kapusungan
laban sa Espiritu Santo ay hindi mapapa-
tawad.
2. Psalm 51:11-Maaaring bawiin sa atin ang
Espiritu Santo.

12/10/2020

ANG LIKAS AT KALAGAYAN NI CRISTO

Panimula: Marami ang nalilito sa tunay na kalagayan ng ating Panginoong Jesus lalo't higit sa kanyang pinagmulan, Likas at kapangyarihan na naging sanhi ng iba't ibang paniniwala sa tunay na likas at kalagayan ng ating Panginoong Jesus.

A. Saan siya nagmula? (Pre-existence)
1. Prov. 8:22-28-Mula ng walang pasimula
bago nilikha ang lupa.
2. 1Cor. 1:24; 2:7-8- Si Jesus ang
karunungan at kapangyarihan ng Dios na
itinalaga bago itinatag ang sanlibutan.
3. Heb. 10:5-Pumasok si Jesus sa
sanlibutan.
4. John 17:5- Niluwalhati ng Dios si Jesus
bago nilikha ang sanlibutan
5. Mica 5:2- Mula ng walang hanggan.
6. John 6:62-Nasa langit noong una.
7. John 3:13-Nagmula sa langit.
8. John 6:38-Bumaba mula sa langit.
(first coming)
9. John 8:58; Gen. 17:1-Bago ipanganak si
Abraham ay naroon na si Jesus.
10. John 1:15,30; Isa. 40:3- Nauna pa si
Jesus kay Juan Bautista.

B. Ano ba ang katangian ng isang tunay na
Dios?

1. Omnipotent - All powerful o Makapang-
yarihan. Isa. 9:6 Makapangyarihang Dios
2. Omniscient - All knowing o alam ang
lahat na bagay. Col. 2:3 Kinatataguan ng
lahat ng mga kayamanan ng karunungan
at kaalaman.
3. Omnipresent - Ever present o naroon sa
lahat na dako. Mat. 18:20 - Dalawa o
tatlo sa aking pangalan, ay naroroon
ako sa gitna nila.
4. Eternal - Rev. 1:8-Alpha and OMEGA.
5. Creator - Heb. 1:8-Jesus made heaven and
earth.

C. Meron ba nagpatotoo na Dios nga si Jesus?
1. Ang kanyang Ama-Heb. 1:8-10 - Tungkol
sa Anak ay sinasabi, ang iyong luklukan oh
Dios.
2. Si Jesus mismo - John 10:30,33-Ako at
ang Ama ay iisa.
3. Propeta Isaiah- Isa. 9:6 - Makapangyarihang Dios. Isa. 40:3-Pantayin ang daan Dios. (Refers to Jesus)
4. According to apostol Peter.
2 Peter 1 :1-Ating Dios at tagapagligtas.
5. According to Matthew
Mateo 3:1-3-Hinahanda ang daan ng
Panginoon (Jehovah)
Mat. 22:43-45-Panginoon ni David
Mat. 25:31 - Owns the Angels
6. According to John Revelator-
I John 5:20-Ito ang tunay na Dios.
John 1:1,2,14-Sa simula ay Dios ang verbo
John 1 :18-The only Son who is truly God.
CEV.
7 According to apostle Paul
Philippians 2:6:8-Nagmula sa Dios na nagkatawang tao.
Romans 9:5 - Dios na maluwalhati magpakailan man.
Heb. I :3 - Tunay na larawan ng pagka Dios
Titus 2:13- Dakilang Dios at tagapagligtas.

D. Bakit kailangan niyang bumababa at mamatay sa krus?
Ito ang plano ng Dios upang tubusin ang sangkatauhan
Sinugo ng Dios ang verbo. Juan 3:16
Hinubad ang Kanyang pagka Dios. Filipos 2:7
Nag anyong tao. v'8
Nag-anyong alipin v'7
Nagmasunurin hanggang sa krus v'8

Ang Dios ay hindi maaaring sukatin sa sukatan ng isang tao sapagka't walang imposible sa Dios.

04/10/2020

APPLICABLE PA BA ANG PAG-IIKAPU SA PANAHON NG MGA CRISTIANO?

MATTHEW 23 :23- Masumpa kayo. Kayong mga Escriba at mga Fariseong mapagkunwari! Ipinabibigay ninyo ng ikapu kahit ang kaliitliitang dahon ng yerbabuenang tanim ninyo subalit kinaliligtaan ninyo ang lalong mahalaga;ang karunungan, kahabagan, at pananampalataya. DAPAT NGA KAYONG MAGBIGAY NG IKAPU. Subalit hindi dapat ninyo kaligtaan ang iba pang mahalagang bagay. (ANG SALITA NG BUHAY)

How Terrible it will be for you teachers of religious law and you Pharisees? Hypocrites! For you are careful to tithe even the tiniest part of your income but you ignore the important things of the law, justice, mercy and faith. YOU SHOULD TITHE, YES, but you should not leave undergone the more important things.
(NEW LIVING TRANSLATION)

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't DAPAT SANA NINYONG GAWIN ANG MGA ITO, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. (Matthew 23:23)

NOTE:" datapuwa't dapat ngang gawin ang mga ito". (ikapu) "At huwag pabayaan di gawin ninyo ang mga yaon". (Katarungan at ang pag-ibig ng Dios). Hindi inalis ni Cristo ang ikapu sa talatang ito, kundi dapat nga tayong mag-ikapu, nguni't pinaalalahanan tayo na huwag kalimutan ang iba pang tungkulin at dapat din naman itong gawin ang ibang bagay.

30/09/2020

SINO ANG MAKAKASAMA SA LANGIT?

Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
(1 Thessalonians 4:15)

Buhay man o patay na matuwid ay magkakasamang sasalubong sa Panginoon
V' 16 Lahat na namatay na na kay Cristo ay unang bubuhayin
V'17Lahat na dinatnang buhay na matuwid ay sasalubong kay Cristo sa mga alapaap ng langit.

PAANO ANG MGA TAONG MASASAMA?

1. Revelation 16:17-21- Ang huling salot ang papatay sa lahat na masasama dito sa mundo.
2. 2Thes. 2 :8 - Lilipulin ang masasama sa kanyang pagdating.
3. Rev. 20 :2 - Lahat na namamatay na masama ay nanatiling patay hanggang matapos ang isang libong taon.

Address

Martinez Street
Mandaluyong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when What is Written? Bible Discussion Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share