22/02/2026
Sa huling linggo ng ating pagdiriwang, higit nating nararamdaman ang lalim ng pasasalamat. Ang bawat sandali, bawat panalangin, at bawat paglilingkod ay naging patunay ng kabutihan at katapatan ng Diyos sa ating simbahan. Ngayon, sama-sama nating balikan at ipagpasalamat ang Kanyang mga ginawa sa ating kalagitnaan.
Sa pagdiriwang ng ika-63 Anibersaryo ng Highway Hills United Methodist Church, taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat isa na nakiisa, nanalangin, at naglingkod nang buong puso. Ang inyong suporta at presensya ang nagbigay-buhay at saysay sa ating selebrasyon.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mensaheng ibinahagi sa atin na nagpaalala ng kahalagahan ng lakas ng loob, pananampalataya, at pagmamahal sa paglilingkod. Tunay na ang linggong ito ay naging makabuluhan, puno ng biyaya, pagkakaisa, at kagalakan.
Patuloy tayong magkaisa bilang bahagi ng United Methodist Church, na may pusong handang tumugon sa tawag ng Diyos.
Sa Kanya ang lahat ng papuri at pasasalamat! 🤍