24/08/2026
𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐓𝐄𝐑𝐄𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐄 𝐌𝐄𝐑𝐂𝐘 | 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐠𝐫𝐢𝐦 𝐈𝐦𝐚𝐠𝐞 𝐧𝐢 𝐒𝐭𝐚. 𝐓𝐞𝐫𝐞𝐬𝐢𝐭𝐚
Setyembre 5, Sabado
5:00 PM — Welcoming Rites
5:45 PM — Praying of the Chaplet
6:00 PM — Banal na Misa
Inaanyayahan ang lahat na magdala ng 𝗣𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗬𝗢 para sa Programang Pagsalubong bilang tanda ng ating masayang pagtanggap sa pagdalaw ng Pilgrim Image ni Sta. Teresita.
Isang dakilang biyaya at karangalan para sa ating pamayanan ang pagdating ng Pilgrim Image ni Sta. Teresita ng Sanggol na Hesus (ang Munting Bulaklak) mula sa National Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus . Siya ay mamamalagi sa Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy mula 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟱 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa kanyang pagbisita, patuloy tayong inaanyayahan na pagnilayan at isadiwa ang kanyang "Munting Landas" (𝐋𝐢𝐭𝐭𝐥𝐞 𝐖𝐚𝐲)—isang pamumuhay na puno ng kababaang-loob, matibay na pagtitiwala sa Panginoon, at paggawa ng mga simpleng bagay nang may labis na pagmamahal.
Inaanyayahan ang lahat na lumapit, manalangin, at ihalayhay sa kanyang pamamagitan ang ating mga pasasalamat, hiling, at alalahanin sa buhay upang lalo tayong mapalapit sa Puso ni Hesus.
“𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝 𝐦𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧 𝐝𝐨𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐨𝐨𝐝 𝐨𝐧 𝐞𝐚𝐫𝐭𝐡.”
Halina’t makiisa at sumali sa 𝐃𝐚𝐥𝐚𝐰 𝐓𝐞𝐫𝐞𝐬𝐢𝐭𝐚 upang sama-sama nating tahakin ang landas ng kabanalan, pag-ibig, at pagtitiwala sa Diyos!