14/07/2026
HOMILYA
ANG SERMON NI REBERENDO PADRE Timothy Joven Laurora ANG KURA PAROKO NG PAROKYA NI SAN FELIPE NERI
"Kaya nga mga kapatid, ang bawat biyaya na natatanggap natin ay hindi lamang para sa ating sarili, kundi upang maibahagi rin natin sa iba. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang hanggan—kahit tayo ay nagkakamali, Siya ay laging handang tumanggap at magpatawad kung tayo ay tapat na babalik sa Kanya. Kaya’t huwag tayong magsawang gumawa ng mabuti, maging mapagkumbaba, at magtiwala sa Kanyang plano, dahil sa huli, ang lahat ng ating paghihirap ay may magandang bunga sa Kanyang panahon. Amen."