Señor Sto. Niño de Mandaluyong

Señor Sto. Niño de Mandaluyong Ang page na ito ay para sa pagpapalaganap ng Debosyon sa Mahal na Señor Sto. Mahal na Señor Sto. Niño de Mandaluyong, maawa Ka sa amin!

Niño de Mandaluyong at iba pang aktibidad sa Katedral ng Banal na Sanggol, Lungsod ng Mandaluyong.

Agosto 26 | Panalangin sa Dakilang Kapistahan ng La Hermosa Virgen BalintawakO Mariang wagas sa kalinisan, tanging pinil...
26/08/2026

Agosto 26 | Panalangin sa Dakilang Kapistahan ng La Hermosa Virgen Balintawak

O Mariang wagas sa kalinisan, tanging pinili ng Amang makapangyarihan upang ang kaligtasan ay aming makamtan. Ikaw na nakababatid ng aming pangangailangan dito sa bayang puno ng pakikibaka. Ikaw na nagligtas sa aming mga ninuno sa matinding kapahamakan, paalalahanan mo kami at laging bigyan ng babala at pangitain upang ang panganib ay maiwasan.

O Ina ng aming Bayan, palayain mo kami sa pagkakaalipin; pagkakaalipin sa kasalanan, sa pita ng laman, sa katiwalian, sa panlalamang, sa pananamantala sa kapangyarihan, sa pagsasawalang-bahala sa aming tungkulin sa bayan, at sa lahat ng uri ng kamunduhan.

O Ina ng aming Kasaysayan na naging daan upang ang kalayaan ay aming makamtan, papanatilihin mo ang alaala ng pakikibaka para sa aming pagsasarili upang patuloy na magningas ang aming pagmamahal sa bayan.

O Ina ng Santa Iglesia, gabayan mo ang aming Simbahang Malaya upang imulat sa amin ang tunay na pananampalataya sa aming paglilingkod sa Diyos at sa Bayan.

At sa huli, sapitin nawa namin ang kaharian ng Ama, pangunahan nawa kami ng Niño Hesus na nasa iyong harapan sa pamamatnubay ng Diwang Banal. Amen.

La Hermosa Virgen sa Balintawak, Patrona Principal ng Iglesia Filipina Independiente, ipanalangin mo kami.

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Mahal na Señor Sto. Niño de Mandaluyong, gabayan Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay| Katedral ng ...
25/08/2026

Mahal na Señor Sto. Niño de Mandaluyong, gabayan Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

San Jose, ipanalangin Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ...
24/08/2026

San Jose, ipanalangin Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Agosto 24 I Panalangin sa Kapistahan ni San Bartolome ApostolO maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Hesus na taong...
24/08/2026

Agosto 24 I Panalangin sa Kapistahan ni San Bartolome Apostol

O maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Hesus na taong walang pagkukunwari, at nakita mo ang tanda sa mundong ito na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na sa tuwina ay huwag magbalat kayo at payak na tulad ng kalapati. Gayundin naman, tulungan mo kami na mapasa-amin ang biyaya ng Iyong pananampalataya na makita ang mapagpalang kamay ng Diyos sa mga pangyayari sa pang-araw-araw naming buhay. Nawa'y mapagtanto namin ang mga tanda ng panahon na maghahatid sa amin kay Hesus dito sa lupa at humantong nawa sa pakikipagkaisa namin sa kanya sa langit magpakailanman. Amen

San Bartolome Apostol,
Ipanalangin mo kami.

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Agosto 23 | Panalangin sa Paggunita kay Sta. Rosa de Lima, DalagaAma naming makapangyarihan,ginawa mong si Santa Rosa ay...
23/08/2026

Agosto 23 | Panalangin sa Paggunita kay Sta. Rosa de Lima, Dalaga

Ama naming makapangyarihan,
ginawa mong si Santa Rosa ay mag-alab sa iyong pag-ibig anupa’t nilisan niya ang tanang bagay sa daigdig upang tanging para sa iyo makapamuhay nang may matinding pagtitiis na bukal sa kalooban.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin, kami nawang tumatahak sa iyong landasin
ay makalasap ng tamis ng pag-ibig sa iyong piling sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Sta. Rosa de Lima, ipanalangin mo kami!

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Agosto 22 | Panalangin sa Paggunita sa Pagkareyna ng Birheng MariaAma naming makapangyarihan, ginawa mong aming maging I...
22/08/2026

Agosto 22 | Panalangin sa Paggunita sa Pagkareyna ng Birheng Maria

Ama naming makapangyarihan, ginawa mong aming maging Ina at Reyna ang nagsilang sa iyong Anak. Ipagkaloob mong kaming lubos niyang idinadalangin ay makarating nang maluwalhati sa iyong paghahari sa iyong mga supling sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Reyna ng Langit, Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami!

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Mahal na Birheng Maria, La Purisima Concepcion de Mandaluyong, ipanalangin Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga ma...
21/08/2026

Mahal na Birheng Maria, La Purisima Concepcion de Mandaluyong, ipanalangin Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Poong Jesus Nazareno de Mandaluyong, gabayan Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay| Katedral ng Bana...
20/08/2026

Poong Jesus Nazareno de Mandaluyong, gabayan Mo po nawa ang aming araw at ang aming mga mahal sa buhay

| Katedral ng Banal na Sanggol • Dambana ng Señor Sto. Niño de Mandaluyong |

Address

Rev. G. Aglipay Street
Mandaluyong
1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Señor Sto. Niño de Mandaluyong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Señor Sto. Niño de Mandaluyong:

Shortcuts

Share