20/02/2025
๐ท๐จ๐ต๐จ๐ณ๐จ๐ต๐ฎ๐ฐ๐ต ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐ฎ๐จ๐ต
๐ต๐ฐ ๐ท๐จ๐ท๐จ ๐ญ๐น๐จ๐ต๐ช๐ฐ๐บ๐ช๐ถ
Mapagmahal ay mahabanging Ama,
kamiโy lumuluhog sa iyo
at hinihiling na lingapin mo ang
iyong lingkod na si Pope Francis.
Haplusin mo siya ng iyong habag at kaaliwan.
Pagalingin mo siya at bigyan ng bagong lakas,
sa isip, katawan, at diwa.
Paligiran mo siya ng iyong kapayapaan
at suporta mula sa panalangin ng iyong bayang banal.
Ipinagkakatiwala namin si Pope Francis
sa iyong mapaghilom na pag-ibig
sa tulong ng mga doktor, nurse, at medical professionals
na kumakalinga sa kanya.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Maria, Mapagpagaling sa mga may sakit,
ipanalangin Mo kami.