07/04/2022
"Tag-lagas"
(Sa ilalim ng punong naglilimlim)
Habang ako ay nagwawalis, sandali kong pinagmasdan ang mga dahon na naglalaglagan, at tumingala sa puno na pinanggagalingan nito.
Ang Akasya,
At dito ay may ipinaunawa ang Panginoon.
Ang punong malago, malaki at madahon ay nagbibigay satin ng lilim upang ating mapagpahingahan.
Pero darating ang panahon na manlalagas ang dahon nito, at kakalat. Tayo na bilang nakikinabang sa lilim, at nais ng malinis, kikilos upang ang mga nagkalat at naiipong dahon ay linisin sa ilalim ng punong naglilimlim. Mapagod man tayo, nandiyan ang lilim ng puno upang bigyan tayo ng maaliwalas na kapahingahan.
Realization:
Ang Lord ang nagbibigay satin ng lilim sa kaniyang presensya upang maging kapahingahan natin (Mateo 11:28) upang tayo ay makaipon ng lakas. Sapagkat darating ang panahon "Tag-lagas" o pagsubok na kailangan nating ayusin at harapin.
Manatili tayo sa lilim ng Panginoon habang hinaharap natin ang pagsubok sapagkat sa bandang huli, sa ating pagtatagumpay, ang Dios na ating inaasahan ng lakas ang magbibigay sa atin ng mapayapang kapahingahan.
Mateo 11:28
"Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin."
1 Corinto 10:13
Magandang Balita Biblia
"Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito."
Kung nagawa mo ng lahat,
Ang Dios may magagawa pa.
Tawag ka lang at hingi ng tulong sa kaniya ☺️
Amen.
Isang mapagpalang Araw po sa inyong lahat.