06/07/2026
Magandang araw po sa ating lahat.
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Patron na si Santiago Apostol sa July 25, malugod po naming inaanyayahan ang mga magulang na nagnanais na pabinyagan ang kanilang mga anak. Ang pagpapabinyag ay gaganapin pagkatapos ng Banal na Misa sa araw ng kapistahan.
Maaari na po kayong magpalista Opisina ng Parokya at ang pagpapalista po ay hanggang July 17 lamang. Hinihikayat po namin ang lahat na magpatala nang mas maaga upang magkaroon ng sapat na panahon sa paghahanda.
Ang seminar para sa mga magulang at mga ninong at ninang ay gaganapin sa July 19, 2026, 1:00p.m.
Narito po ang mga kinakailangang requirements:
•Birth Certificate ng bata;
•Marriage Certificate ng mga magulang;
(Kung hindi kasal ang mga magulang, Birth Certificate ng ina at ama;)
• Dalawang (2) pares ng ninong at ninang na may Certificate of Confirmation; at
• ₱450 na limos para sa pagpapabinyag.
(Paalala rin po na kung ang bata ay ipinanganak sa labas ng Malvar, kinakailangan pong kumuha ng Certificate of Non-Baptism mula sa parokya ng lugar kung saan siya ipinanganak.)
Ang eksaktong oras ng Banal na Misa, pagpapabinyag, at prusisyon ay ipaaalam sa mga susunod na anunsyo. Para sa iba pang katanungan o paglilinaw, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga namumuno sa ating simbahan o bumisita sa Opisina ng Parokya.
Maraming salamat po.