24/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
AGOSTO 25 | PAGGUNITA KAY SAN LUIS IX, HARI NG FRANCIA
Si San Luis IX ay isinilang noong Abril 25, 1214 sa Poissy, France at naging hari ng Pransya sa murang edad na 12 taon. Kilala siya bilang isang makatarungan at maka-Diyos na pinuno na nagtaguyod ng kapayapaan, katarungan, at malasakit sa mahihirap. Malapit siya sa simbahan at naging halimbawa ng isang Kristiyanong hari na namumuno hindi lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya at kabutihang-loob.
Bilang hari, nagpatayo siya ng mga simbahan, kabilang ang tanyag na Sainte-Chapelle sa Paris, at naging bahagi rin ng mga Krusada upang ipagtanggol ang pananampalataya. Siya ay pumanaw noong Agosto 25, 1270 sa Tunisia habang nasa ikapitong Krusada. Idineklara siyang santo noong 1297 at kinilala bilang huwaran ng mga pinuno at patron ng mga hari at Kristiyanong pinuno.
San Luis IX, Hari ng Francia, Ipanalangin mo kami