18/05/2026
Calling All Youth of UCCP Malolos Evangelical Church!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating 125th Anniversary, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan at mga anak at apo members ng ating simbahan na makiisa sa ating CYF Summer Fellowship 2026 with the theme:
FAITH FORWARD
"…straining toward what is ahead, I press on toward the goal…" — Philippians 3:13–14
Ang fellowship na ito ay hindi lang simpleng gathering o event. Isa itong paalala ng pananampalatayang ipinasa sa atin ng ating mga magulang, lolo’t lola, at ng mga naunang henerasyon ng simbahan. Dahil sa kanilang pagmamahal, pananalig, at paglilingkod, nananatiling buhay at matatag ang UCCP Malolos Evangelical Church hanggang ngayon.
At ngayon, tayo naman ang tinatawag na magpatuloy.
Bilang kabataan, may mahalagang bahagi tayo sa pagpapatuloy ng legacy, faith, at mission ng ating simbahan. Hindi lang tayo future ng church, bahagi na tayo ng ginagawa ng Diyos ngayon.
Kaya hinihikayat namin kayong lahat na makiisa, makipag-fellowship at mas mapalalim pa ang inyong relasyon sa Diyos at sa isa't isa. Whether matagal ka nang active sa church o gusto mo pang mas malalim na makilala ang Diyos at kapwa kabataan, welcome ka dito.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pananampalataya ng mga naunang henerasyon at maging kabataang handang maglingkod, magmahal, at tumayo para kay Cristo.
Tara na at maging bahagi ng makabuluhang celebration na ito!
Venue: To Be Announced
MAY 30, 2026 (Saturday)
MARK YOUR CALENDAR
“Ang pananampalatayang ipinasa sa atin noon, tayo naman ang magpapatuloy ngayon.”