Sto. Niño de Musica

Sto. Niño de Musica Sto. Niño - Simbulo ng Pagkakaisa, Pagmamahal, Pagkakaibigan at Kapatiran. Ang Image ni Sto.
(1)

Niño de Musica ay nasa pangangalaga ng Coro de San Jose mula nung October 10, 2010

Maligayang Pagbati!Rev. Fr. Manuel AnastacioTunay ngang nagbubunga ang binhi na itinanim ng Diyos sa iyo. Nawa'y ikaw an...
12/08/2023

Maligayang Pagbati!
Rev. Fr. Manuel Anastacio

Tunay ngang nagbubunga ang binhi na itinanim ng Diyos sa iyo. Nawa'y ikaw ang maging daluyan ng kaalaman para sa mga taong nagnanais matuto, hiling namin ang iyong patuloy na paglago kasama si Kristo!

"Tinawag ka upang makahati at makasaloHinirang ka upang maging lingkodKasama ng sambayanan sa pag-dulogSa Pag-ibig ni Kr...
04/08/2023

"Tinawag ka upang makahati at makasalo
Hinirang ka upang maging lingkod
Kasama ng sambayanan sa pag-dulog
Sa Pag-ibig ni Kristo na bubuklod."

Pagbati ng isang Maligayang Araw ng mga Pari sa aming minamahal na kura Rev. Fr. Manuel N. Anastacio

Dalangin namin ang kagalakan at kabanalan ay palagiang manatili sa iyo. Nawa'y manatili ang pagpapala ng Diyos sa iyo bilang isang Mabuting Pastol. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon.

San Juan Maria Vianney, Ipanalangin mo ang aming mga Pari

ORATIO IMPERATA LABAN SA BAGYOSa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.Amang Makapangyarihannilikha at n...
29/07/2023

ORATIO IMPERATA LABAN SA BAGYO

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Amang Makapangyarihan
nilikha at nilagyan mo ng kaayusan
ang mundong walang hugis sa simula.

Nang naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea
si Hesus at ang mga alagad
inutusan lamang niya itong huminto,
ang dagat ay napayapa
at ang mga alagad ay napanatag.

Ngayong kami’y nahaharap sa bagyong Falcon,
dasal nami’y ipagsanggalang kami
sa hagupit nito at pinsala,
bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban
at sa iyong kapangyarihan,
ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.

Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolosMaligayang

Magandang Araw Bayan ng Diyos!Sumainyo ang Kapayapaan!Isang gabi na puno ng himig at pagpupuri para sa karangalan ng Poo...
26/07/2023

Magandang Araw Bayan ng Diyos!
Sumainyo ang Kapayapaan!

Isang gabi na puno ng himig at pagpupuri para sa karangalan ng Poong Maykapal at ni San Isidro Labrador.

Sa nalalapit na kaarawan ng ating kura paroko, Rdo. Padre Manuel Anastacio ay malugod namin kayong iniimbitahan sa isang “Concert for A Cause” kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin sa pagsasaayos ng Kapilya ng Malanggam at ng Dreamcrest. Ito ay gaganapin sa Valencia Hall Bulacan State University Malolos City Bulacan.

Para sa ticket maaring makipag-ugnayan sa inyong mga SPPC o magtungo sa ating Opisina.

Maraming Salamat po!

Pabatid:     Simula po sa Martes, July 25, 2023 ang oras po ng Banal na Misa ng Pagdedebosyon Kay SAN JOSE  ay malilipat...
23/07/2023

Pabatid:

Simula po sa Martes, July 25, 2023 ang oras po ng Banal na Misa ng Pagdedebosyon Kay SAN JOSE ay malilipat po sa ika-7 ng umaga (7:00AM).

Maraming Salamat po




Pabatid:

Simula po sa Martes, July 25, 2023 ang oras po ng BANAL NA MISA ng Pagdedebosyon Kay SAN JOSE ay malilipat po sa ika-7 ng umaga (7:00AM).

Maraming Salamat po




Sto. Niño de Musica With the Coro de San Jose Blessing after ng PagkakaEncarna..
23/07/2023

Sto. Niño de Musica
With the Coro de San Jose

Blessing after ng PagkakaEncarna..


Address

Saint Joseph Chapel, Longos
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Musica posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share