02/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ngayong araw, ika-3 ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Tradisyunal na Kapistahan ng Santa Cruz, o ang "Invencion dela Santa Cruz" na gumugunita sa Pagkakatapo ng Reyna Elena sa Banal na Krus ng Panginoong Hesukristo. Taun-taon simula pa noong araw, Santacruzan na ang ipinagdiriwang sa ating Barrio at Bisita, bilang pagpaparangal sa Banal na Krus ng Panginoon kahit noong araw ay wala pang imahen nito sa ating Bisita. Noong malikha ang imahen, ito ay napunta sa pangangalaga ng Samahan ng Kababaihan, sa kadahilanang ang Samahan ng Kabataan ang nangangalaga sa Imahen ng Mahal na Birhen.
Halina at Manalangin tayo sa Mahal na P**ng Santa Cruz.
O Krus naming Banal, kaligtasan ay taglay
Si Kristo'y ipinako at buhay Niya'y inialay
Upang kaligtasan sa amin ay dumalisay
Mga pusong nababagabag ay tumiwasay
Aming Krus na Banal sinisinta naming tunay.
O Banal na Krus, O Krus ng Kaluwalhatian
Krus na kahoy, tuwa ng aming bayan
Mga sakit at kasalanan sana ay lumisan
Sa patuloy na pagluwalhati ng lyong ngalan
Liwanagan nawa kami sa buhay na walang hanggan.
Narito kami ngayon at nagpupugay
Sa natatangi at mahalagang bagay
Na sinadya ng Diyos sa amin ay ibinigay
Ang simbolo ng pagmamahal na walang kapantay
Debosyon namin sa Banal na Krus
sa amin ang siyang magpapatagumpay. Amen.