11/09/2018
o9.11.18
Para sa mga makakabasa.
Mabuhay at payapang gabi sa'ting lahat. Nais ko lamang humingi nang pabor , anumang lahi, lengwahe o paniniwala na meron ka ngayon ay isantabi muna naten. Narito ako at humihilig sa inyong butihing puso upang bigyang pagkakataon na 'Manalangin' , uulitin ko: 'desidido't desperadong manawagan sa ating Diyos nang kalangitan.'
Bakit po ba kamo?
Hindi lingid satin ang parating na unos o kaya'y bagyo na tatama sating bansa (Pilipinas), ngayon kung ito'y tatama at magkikibit balikat lamang tayong lahat. Paniguradong malaki laki ang pinsalang maidudulot nito , una na sa agrikultura, bigyan naten nang konsiderasyon ang mga kapatid nating nagsasaka kahet sa panalangin lamang, kase kung wala sila at ang kanilang ani, wala rin naman tayong pagkaing nakahain. Ikalawa, sa ekonomiya, pagtaas nang bilihin dahil sa bagyo. Hindi ito makakatulong sa inyo at lalo na sa bawat mamamayan ng bansa. Ikatlo, 'yung mga kapatid nating nasa lansangan ang tirahan. Hindi, tayo papayag na may mawalan pa ng buhay ng dahil sa unos na ito.
Kaya, pinapaki-usapan ko ang bawat isang nakakabasa nito at may pagpapahalaga. Ipakita naten 'yung pagkadesperado't pagkadesidido sa panalangin, nasa bahay ka man o san man.
Kagaya nang nasasaad sa aklat ni Nehemiah 2:20
"Ang Diyos nang kalangitan ang Siyang magbibigay satin nang tagumpay! "
Kaya bago matulog o anuman, hinihimok ko na manalangin tayo na maiwaksi ang unos sa ikararangal ng Ama!
Gamitin naten ang ngalan ni Hesus palage sa pananalangin. Amen!
P.S. Iwaksi naten ang unos sa ngalan ni Hesus! Lahat tayo ay magsabi ng Amen!