Diocesan Ministry of Altar Servers - Diocese of Malolos

Diocesan Ministry of Altar Servers - Diocese of Malolos The official page of the Ministry of Altar Servers of the Diocese of Malolos Most. Rev. Dennis C. Villarojo, D.D. Fifth Bishop of Malolos

Rev. Fr. Norberto A.

The OFFICIAL FACEBOOK PAGE of the Diocesan Ministry of Altar Servers under the Diocesan Commission on Liturgy of the Roman Catholic Diocese of Malolos. Gagui
Chairman, Diocesan Commission on Liturgy

Rev. Samuel A. Estrope, II
Spiritual Director, DMAS Malolos

Bro. Rivan Dela Cruz
Diocesan Coordinator, DMAS Malolos

“THEY SAW NO ONE ELSE BUT JESUS ALONE” MT. XVII:VIISa gitna ng ingay at gulo ng mundo,Saan nga ba nakatuon ang tiyong pu...
16/08/2026

“THEY SAW NO ONE ELSE BUT JESUS ALONE” MT. XVII:VII

Sa gitna ng ingay at gulo ng mundo,
Saan nga ba nakatuon ang tiyong puso?
Sa kaguluhang bumabalot
ang mga mata’y saan nga ba nakatuon?

Dahil sa mga kaguluhang umaalingawngaw ngayon sa paligid, nagagawa mo pa bang kausapin ang Diyos? Nagagawa mo pa ba siyang lapitan upang sa kaniya ay manahan?

Ang Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion sa pangunguna ng Vocation Promotion Ministry ay magsasagawa ng Tagpuan: A Vocation Discernment Day na nakatuon upang bigyan ng panahon ang Diyos upang ika’y makatagpo.

Bukas ito sa lahat ng mga kabataang lalaki na nagnanais tuklasin at alamin ang banal na bokasyon ng pagpapari upang matuon ang kanilang paningin sa Diyos at mapakinggang ganap ang kanyang pagtawag.

https://forms.gle/N1G3gaDXeRr8VaeKA



“THEY SAW NO ONE ELSE BUT JESUS ALONE” MT. XVII:VII

Sa gitna ng ingay at gulo ng mundo,
Saan nga ba nakatuon ang tiyong puso?
Sa kaguluhang bumabalot
ang mga mata’y saan nga ba nakatuon?

Dahil sa mga kaguluhang umaalingawngaw ngayon sa paligid, nagagawa mo pa bang kausapin ang Diyos? Nagagawa mo pa ba siyang lapitan upang sa kaniya ay manahan?

Ang Seminaryo Mayor ng Inmaculada Concepcion sa pangunguna ng Vocation Promotion Ministry ay magsasagawa ng Tagpuan: A Vocation Discernment Day na nakatuon upang bigyan ng panahon ang Diyos upang ika’y makatagpo.
Bukas ito sa lahat ng mga kabataang lalaki na nagnanais tuklasin at alamin ang banal na bokasyon ng pagpapari upang matuon ang kanilang paningin sa Diyos at mapakinggang ganap ang kanyang pagtawag.

https://forms.gle/N1G3gaDXeRr8VaeKA



“Sa tahimik na paglilingkod sa dambana, may pusong buong tapang na nagsasabing: ‘Kay Kristo ako, at para kay Kristo ako....
15/08/2026

“Sa tahimik na paglilingkod sa dambana, may pusong buong tapang na nagsasabing: ‘Kay Kristo ako, at para kay Kristo ako.’”

Ngayong Agosto 15, ginugunita natin si San Tarcisio ng Roma, ang batang martir at patron ng mga tagapaglingkod sa dambana. Ayon sa tradisyon, ipinagkatiwala sa kanya ang pagdadala ng Banal na Eukaristiya sa mga Kristiyanong hindi makadalo sa pagdiriwang. Nang siya ay harangin at piliting ibigay ang kanyang dala, buong tapang niyang prinotektahan ang Banal na Eukaristiya hanggang sa i-alay niya ang kanyang buhay. Sa kanyang katapatan, naging huwaran siya ng tapang at pagmamahal kay Kristo.

Bilang mga tagapaglingkod sa dambana, nawa’y tularan natin si San Tarcisio sa paglilingkod nang may pananampalataya, disiplina, kababaang-loob, at pagmamahal sa Banal na Eukaristiya. Ang ating paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa ginagawa natin sa dambana, kundi sa pagiging tapat na lingkod ni Kristo sa bawat sandali ng ating buhay.

San Tarcisio ng Roma, patron ng mga Tagapaglingkod sa Dambana, ipanalangin mo kami!
San Tarcisio, tulungan mo kaming maging tapat na lingkod ni Kristo.

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐍𝐄𝐖 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔!Ang bagong taon ay hindi lamang panibagong bilang ng mga araw, kundi paanyaya ng Diyos na magmahal n...
31/12/2025

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐍𝐄𝐖 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝟐𝟎𝟐𝟔!

Ang bagong taon ay hindi lamang panibagong bilang ng mga araw, kundi paanyaya ng Diyos na magmahal nang mas wagas, manalangin nang mas taimtim, at mamuhay ayon sa Kanyang kalooban.

Sa pagsilang ni Hesukristo, ipinapaalala sa atin ng Diyos ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at awa. Nawa’y ang liwana...
24/12/2025

Sa pagsilang ni Hesukristo, ipinapaalala sa atin ng Diyos ang Kanyang walang hanggang pag-ibig at awa. Nawa’y ang liwanag na nagmula sa sabsaban ng Bethlehem ay magbigay-lakas sa atin sa gitna ng mga hamon, magpagaling sa mga sugat ng puso, at maghatid ng pag-asa sa bawat tahanan.

Ipagdiwang natin ang Pasko hindi lamang sa kasiyahan, kundi sa mas malalim na pananampalataya, malasakit, at pagmamahal sa kapwa.

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT!
pagbati mula sa Diocesan Ministry of Altar Servers
Diocese of Malolos

Address

Malolos

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Ministry of Altar Servers - Diocese of Malolos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share