SPPC Guinhawa - Nuestra Senora Delos Remedios

SPPC Guinhawa - Nuestra Senora Delos Remedios Church/Religious Organization
Baranggay Guinhawa Subd. Malolos Bulacan

24/02/2026
Simula na po ng Simbang gabi mamaya! Magkita-kita po tayong lahat!
14/12/2025

Simula na po ng Simbang gabi mamaya! Magkita-kita po tayong lahat!

19/09/2025

"𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐮𝐬𝐨..." (Mateo 5:8)

Hinihikayat po ang lahat na mag suot ng puti sa pagsisimba bukas at sa Linggo bilang pakikiisa sa "White-for-What's-Right" Movement.

Ang ating pagsusuot ng puti ay tanda ng pagkakaisa, kalinisan ng hangarin, at paninindigan para sa katotohanan at katarungan. Nawa’y magsilbi itong makabuluhang saksi ng ating pananampalataya at pagmamahal sa bayan.

Ngayong linggo, ipakita ang iyong paninindigan:
⚪ Magtali ng puting laso sa side mirror ng inyong sasakyan.
⚪ Magkabit ng anumang puti sa inyong bakod o bintana.
⚪ Maging malikhain sa inyong gagamitin. Maaaring panyo, tela o piraso ng damit.

Puti ang sagisag ng kalinisan...paghahangad na maging malinis ang pamamahala.



𝐓𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐊𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓  | "Dalawang Puso... Tibok ay pag-ibig, mahal at dalisay"Ipagdiwa...
14/06/2025

𝐓𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐊𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓

| "Dalawang Puso... Tibok ay pag-ibig, mahal at dalisay"

Ipagdiwang ang natatanging pag-ibig na ipinamalas ng Mahal na Puso ni Hesus at ng Dalisay na Puso ni Maria! Sila ang huwaran ng tunay na pagmamahal na dapat nating ipadama sa Diyos at sa ating kapwa. Bagamat may pasakit, may pagdurusa at hapis, pag-ibig pa rin ang dapat maghari sa ating mga puso tulad ng kanilang mga Puso na naglalagablab at bumubusilak.

Viva, El Sagrado Corazon y La Inmaculado Corazon! ❤️💙




01/04/2025

Ikaw ba ay nagnanais na maging bahagi ng ALBA? Ano pang hinihintay mo? tinatawag ka na ng Diyos!

Ang tawagin ng Panginoon ay isang pambihirang oportunidad na makasama siya upang purihi't paglingkuran. Gaya na lamang kung paano nito tinawag at pinili ang Kaniyang mga alagad. Tayo bilang mga kabataan ay naniniwalang hindi lamang sa bayan sisikat ang kinabukasang bitbit natin sa napapanahong buhay. Tayo bilang kabataan ay tinawag upang sundin ang Espiritung Banal na hindi lamang maging lingkod bagkus maging tunay na halimbawa para sa iba.

Kung isa ka sa mga nagnanais na maging bahagi ng ALBA ay dapat na may sapat at wastong gulang at sakop ng ating Parokya, at mangyaring ipagbigay-alam kina Bro. Clarence (0991-853-4469) at Bro. Kenneth (0950-643-0461) o kahit sinong opisyal o kasapi ng ALBA. Maari rin namang magpadala ng mensahe sa page. Magtatagal ang Pangangalap ng mga magiging bagong kasapi mula ngayong unang araw ng Abril hanggang ika-30.

Tara na, Sumama ka! Maging bahagi ng Ministri ng ALBA.

@25

24/02/2025

BANAL NA ORAS PARA SA KAGALINGAN NI SANTO PAPA FRANCISCO

Bilang pagtalima sa atas ng Obispo ng Malolos, sa diwa ng pakikiisa sa buong Simbahang Katolika, tayo po ay magdaraos ng BANAL NA ORAS para sa SANTO PAPA FRANCISCO, sa Miyerkules, Pebrero 26, 6:30 N.G. sa Simbahan ng Parokya. Salamat po!



06/12/2024

Isang malaking biyaya ang ika-7 ng Disyembre sa Parokya ng mga Puso nina Hesus at Maria sapagkat sa araw na ito ganap na itinalaga ang Simbahan at Dambana para sa mas malalim pang pagpapahayag na tunay na kapiling natin ang Diyos sa ating buhay-pananampalataya. Ito'y paalala na Siya ay tunay na buhay at nananahan sa ating piling. Limang taon na ang nakalilipas at mapalad tayong sariwain ang mahalagang kaganapang ito sapagkat ito ay bunga ng pagmahahal ng Diyos at kabutihang-loob ng mga tao.

Kaya naman bilang isang sambayanang patuloy na pinagbubuklod ng pagmamahal ng mag-Inang puso, inaanyayahan kayong makiisa sa Banal na Misa sa Sabado, ika-7 ng Disyembre sa ganap na ika-8:00 ng umaga na pangungunahan ni Rdo. Mons. Pablo S. Legaspi, Jr.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ika-5 Guningtaon ng Pagkakatalaga ng Simbahan at Dambana ng ating Parokya!




Fiesta Mass November 17, 2024
25/11/2024

Fiesta Mass
November 17, 2024

FIESTA MASSNovember 17, 2024
25/11/2024

FIESTA MASS
November 17, 2024

Triduum MassNovember 16, 2024
25/11/2024

Triduum Mass
November 16, 2024

Dapit 2024November 16, 2024
25/11/2024

Dapit 2024
November 16, 2024

Address

Brgy. Guinhawa Subd
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPPC Guinhawa - Nuestra Senora Delos Remedios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share