07/09/2026
"Breaking of the Bread"
Sa ating paglapit sa Kanyang presensya, bagamat tayo’y Kanyang mga nilinis na, ngunit dapat nating alalahanin na patuloy tayong itinutuwid ng Diyos sa ating paglakad sa pamamagitan ng ganitong pagtitipon, ang banal na hapunan. Lagi nating isaisip itinalaga tayo sa patuloy na pagbabago upang maging karapat-dapat sa Kanyang paghirang. Ang palagian nating pagtitipon-tipon sa Kanyang hapag ang nagbibigay marka sa atin bilang mga tunay na pinalaya ng Diyos. Kaya huwag nawa nating ibigay ang pagtalikod sa bawat pagtitipon gaya ng mga ginagawa ng mga bata pa o wala pang pang-unawa sa mga espirituwal na gawain.
- Ps. Santos