Nuestra Señora del Rosario Patrona ng Barrios Lugam at Look Primero

Nuestra Señora del Rosario Patrona ng Barrios Lugam at Look Primero Nuestra Señora del Santo Rosario - Patrona del Barrios Lugam y Look Primero. Señor San Roque - Segundo Patron del Barrios Lugam y Look Primero.

Ang Opisyal na Pahina ng Bisita ng
Nuestra Señora del Rosario, Barrios Lugam at Look Primero,
Siyudad ng Malolos, Bulacan
Tahanan ng Kagalanggalang na Larawan ng
Mahal na Birhen ng Santo Rosario,
Ina ng Biyaya, at Matamis na Pag-asa ng Maralita't Bayan! The image is 2 feet tall with a 1 foot base, carved from an unknown wood with a style called "detallado". The image is 1 foot with its base and i

s carved from an unknown wood with carving style called "detallado". The Images were found together in an area between the two Barrios. No one in the area knows were the images came from. The elders in the Barrios, said that the image was just seen standing in an area between the two Barrios which is filled of wild grasses and mango trees. This area is believed to be where the current chapel is errected. The images are known to be Miraculous because of the unbelievable events that happened from when it was founded. Until today both image are revered by the Barrio people. The Chapel and the Images of the Virgin and St. Roch is the center of life of the people of Barrios Lugam and Look Primero. The Cofradia de la Maria Santisima del Santo Rosario was then established by some youth from both Barrios to take care of the traditions, culture, the Chapel and the Images in cooperation with the elders also known as the "Katandaan o Comite de Festejos" of the Barrios and the Sub-Parish Pastoral Council.

•FLORES DE MARIA 2026•“Barrio Look Primero”Tema: “Bulaklak ng dasal, dalawampung taon ng Pag-asa”Naririto ang mga talata...
03/05/2026

•FLORES DE MARIA 2026•
“Barrio Look Primero”
Tema: “Bulaklak ng dasal, dalawampung taon ng Pag-asa”

Naririto ang mga talatakdaan ng mga gawain:

Panaog
MAYO 3, 2026
4:00 NG HAPON - PAGPANAOG NG MAHAL NA BIRHEN DE LAS FLORES
(Magmumula ito sa tahanan ng HERMANA MAYOR GNG. MA. SALOME DEL ROSARIO patungo sa Bisita ng Nuestra Señora de Rosario)

Pagaalay
MAYO 1-31, 2026
4:00 NG HAPON - PAGAALAY NG BULAKLAK SA MAHAL NA BIRHEN DE LAS FLORES

Flores de Maria
MAYO 17, 2026
5:00 NG HAPON - PAGDAPIT SA MGA HERMANIDAD MAYORES
6:00 NG GABI - BANAL NA MISA
7:00 NG GABI - MARINGAL NA PRUSISYON

02/05/2026

Mayo 2, 2026 | IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM para sa ika-192 Pistang Pasasalamat para kay San Miguel Arkanghel sa Dampol

Ikalimang Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay

DEBOSYON SA MAHAL NA BIRHENG MARIAPanalangin sa Mahal na Patrona ng Barrios Lugam at Looc Primero para sa ano mang kahil...
01/05/2026

DEBOSYON SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Panalangin sa Mahal na Patrona ng Barrios Lugam at Looc Primero para sa ano mang kahilingan.

Mahal na Virgen ng Santo Rosario, aming Reina, Ina at Patrona. Naninikluhod kaming iyong mga anak sa harap ng banal mong dambana, na humihinging muli ng iyong patnugot, awa't mahal na gracia. Kami nawang iyong mga abang lingkod ay papatnubayan mong lagi at panatilihin mong nakabalot sa aming mga barrio ang proteksyon ng iyong pagkalinga.
Ikaw na nagsabi sa iyong Fiat "Ako ang alipin ng panginoon, mangyari nawa sa akin ang kalooban ng Dios." naway gaya ng iyong Fiat ay matutunan naming isuko ang lahat para lamang masunod ang dakilang kalooban ng dios, gaya rin ng iyong sinabi ng maubusan ng alak ang kasalan sa Canaa "Sundin ninyo ano mang iutos ng aking anak." ito nawa ang palaging naming isipin bilang mga tapat mong lingkod na maging matatag ang pananampalatay sa kahit anong ipagkaloob sa amin ng Dios. Ikaw ang aming ina, at kami ang iyong mga anak gaya ng sinabi ng mahal mong anak na abang nakabayubay sa Cruz "anak narito ang iyong Ina" ito ay pagtatagubilin ng Panginoong Jesucristo sa amin na ikaw ay ang aming Ina, at gaya ng maluwalhating pagakyat ng iyong katawan at kaluluwa sa Langit ng ikaw ay Gawing Reina ng Langit at Lupa, nawa'y maging isang paalaala sa amin ito, na ikaw at walang iba ang Reina ng aming pamayanan, pamilya at puso.
Nawa'y sa tuwing aming pagbubulaybulayan ang mga misterio ng Santo Rosario, ay aming laging maalala na ikaw ay di lamang isang Reina bagkus ikaw ay isang Ina na laging handang umalalay, magmahal at makinig sa aming mga kahilingan.
Mahal naming Ina lagi mo kaming patnubayan at sa kung amin ng sasapitin ang aming kamatayan nawa'y iharap mo sa amin ang iyong anak na nasa iyong kandungan.
Alam namin na bago pa sambitin ng aming mga labi ang aming mga kahilingan ay alam mo na ang mga ito, (banggitin ang kahilingan) pero mahal naming Ina wag mo nawang sipahayuin ang aming mga kahilingan bagkus ay igawad mo ito sa amin kung ito'y hindi lalabag sa kalooban ng aming Panginoong Jesucristo na nabubuhay at Naghahari kasama ng Dios Ama at ng Dios Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, Maawa ka sa amin!
Kalinis-linisang Puso ni Maria, Ipanalangin mo Kami!
San Jose, Aming tagapag tanggol. Ipanalangin mo kami!
San Roque, aming tagapag adya sa ano mang sakuna at salot sa buhay, Ipanalangin mo kami!
Mahal na Birhen ng Santo Rosario, Ipanalangin mo ang Sambayang Pilipino at ang Sandaigdigan!‎










TIGNAN:Ang unang araw ng pag aalay ng bulaklak parangal sa Mahal na Birhen ang Reyna ng mga Bulaklak.Pasasalamat sa laha...
01/05/2026

TIGNAN:
Ang unang araw ng pag aalay ng bulaklak parangal sa Mahal na Birhen ang Reyna ng mga Bulaklak.

Pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at sumama sa ating araw-araw na alayan sa Mahal na Birhen.

Viva la Virgen!

TIGNAN | ABRIL 24, 2026 - DALAW NAZARENO SA MGA TAHANANAng Ika-walo na DALAW NAZARENO SA MGA TAHANAN ay sa tahanan ng Pa...
01/05/2026

TIGNAN | ABRIL 24, 2026 - DALAW NAZARENO SA MGA TAHANAN

Ang Ika-walo na DALAW NAZARENO SA MGA TAHANAN ay sa tahanan ng Pamilya ni G. at Gng. Buddy at Emilie Abanis Purok 3 Barrio Look Primero.

Taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumama sa ating gawain, sa ating mga coordinators, mga tanod, sakristan, deboto at mga mananampalataya, sa tahanang pinanggalingan at pinagpanhikan ng Mahal na P**n.

Ang susunod na Dalaw Nazareno ay sa ika 8 ng Mayo, Araw din ng Biyernes sa ganap na - ika 4:00 ng Hapon. Mula sa tahanan ni G. at Gng. Buddy at Emilie Abanis sa Purok 3 Barrio Look Primero, ito naman ay dadalhin sa tahanan ni Gng. Leony Faustino MRH Barrio Look Primero.

Viva P**ng Jesus Nazareno!!

01/05/2026

Mayo 1, 2026 | UNANG ARAW NG PAGSISIYAM para sa ika-192 Pistang Pasasalamat para kay San Miguel Arkanghel sa Dampol

Pagpapasinaya ng Pamparokyang Pagdiriwang ng Flores de Maria

“Ite ad Ioseph”Panalangin para kay San Jose ManggagawaSan Jose, aming Patron ng mga Manggagawa,  Sa Iyong tahimik ngunit...
01/05/2026

“Ite ad Ioseph”

Panalangin para kay San Jose Manggagawa

San Jose, aming Patron ng mga Manggagawa,
Sa Iyong tahimik ngunit dakilang halimbawa kami’y humahango ng lakas.

Sa kamay na araw-araw ay humahawak sa mga kasangkapan ng kabuhayan
Bigyang-lakas na huwag mapagod sa paggawa ng marangal,
Na ang bawat pawis ay maging handog ng pag-ibig para sa pamilya at bayan.

Sa paa na patuloy na lumalakad kahit batbat ng pagod,
Gabayan upang hindi maligaw sa landas ng katarungan at katapatan,
Upang sa bawat hakbang ay makita ang direksyon ng pag-asa.

Sa isip na lumilikha, lumulutas, at nangangarap
Pagpalain Mo ng karunungan at pag-unawa,
Upang ang gawang kamay ay maging bunga ng gawang isip.

Sa puso na humaharap sa bawat pagsubok at pasakit,
Pusong nagmamahal sa tungkulin, sa kapwa, at sa Diyos,
Ipagkaloob Mo ang kapayapaang nagmumula sa tiwala at pananampalataya.

Sa katawan na minsan ay nalulupaypay, ngunit patuloy sa pagkilos,
San Jose, pag-ingatan Mo ang kalusugan ng bawat manggagawa,
Lalo na yaong mga nasa panganib, sa init, ulan, at panganib ng trabaho.

Sa pamilya na siyang layunin ng bawat pagbangon sa umaga,
Ipagkaloob Mo ang pagkakaisa, pagmamahalan, at kapanatagan,
Na maging silungan ng manggagawang pagod at pag-asa ng kanyang bukas.

Sa institusyon na pinagtratrabahuhan,
na maging lugar ng dignidad, respeto, at pagkakaisa,
Na sa bawat gawain, maging salamin ng kabutihan ng Diyos.

At sa Iyo, Amang Lumikha ng lahat,
Ang aming mga gawa, pagod, at tagumpay ay Inyong alay.
Tanggapin Mo bilang aming pagsamba,
At palaguin sa biyaya ng Iyong pag-ibig.

San Jose Manggagawa,
Tagapagtanggol ng mga manggagawa sa iba't ibang langaran
Gabayan Mo kami sa landas ng kabanalan sa paggawa,
At akayin kami patungo sa Kabanal-banalang Anak, si Hesus.

Amen.

DALAW NAZARENO – TAHANAN 08Mga minamahal naming kapatid, magandang araw po sa inyong lahat.Bilang bahagi ng pagdiriwang ...
30/04/2026

DALAW NAZARENO – TAHANAN 08

Mga minamahal naming kapatid, magandang araw po sa inyong lahat.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Diamond Jubilee, ang ika-60 na taong anibersaryo ng pagdating ng P**ng Hesus Nazareno sa ating pamayanan, na may temang:

“Animnapung Taon ng Paglalakbay, Biyaya, at Pananampalataya: P**ng Nazareno, Gabay ng aming Pamayanan.”

Ipinapaalam po namin na nagpapatuloy ang ating Dalaw Nazareno.

Kami po ay magalang na nag-aanyaya sa lahat na makibahagi sa pagpanhik ng P**ng Hesus Nazareno sa Ika-walong na tahanan na kanyang dadalawin, sa Pamilya nina G. at Gng. Buddy at Emilie Abanis sa Purok 3 Barrio Look Primero. Inaanyayahan din po ang lahat na magsuot ng Kulay Puti.

Ang pagtitipon po ay gaganapin sa tahanan ng Pamilya Figueroa sa ganap na ika-4 ng hapon sa Purok 6 ng Barrio Lugam. Matapos po ang mga panalangin, ay ipruprusisyon ang P**ng Hesus Nazareno patungo sa susunod na tahanan.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga deboto at mananampalataya na makibahagi at makiisa sa gawaing ito bilang pagpapakita ng ating pananampalataya at debosyon sa P**ng Hesus Nazareno.

Maraming salamat po, at pagpalain tayong lahat ng P**ng Nazareno.

TIGNANAng salinan sa mga bagong Hermandad para sa taong 2026-2027 at kanilang tinanggap ang kanilang mga gampanin bilang...
28/04/2026

TIGNAN
Ang salinan sa mga bagong Hermandad para sa taong 2026-2027 at kanilang tinanggap ang kanilang mga gampanin bilang mga Hermandad.

Taos pusong pasasalamat sa nakaraang mga Hermandad na silang tumayong tagapanguna sa nakaraang Pistang Pasasalamat.

Nawa’y patuloy tayong patnubayan at gabayan tayo ng ating minamahal na Patrona.

27/04/2026

Maraming Salamat po sa inyong Pagdalaw Mahal na P**ng Santisima Trinidad
Ang Tinghoy - Bisita ng Santisima Trinidad 1776

Ang mga Kaganapan sa isinagawang Banal na Misa kaugnay ng Pistang Pasasalamat sa Mahal na Patrona Nuestra Señora del Ros...
27/04/2026

Ang mga Kaganapan sa isinagawang Banal na Misa kaugnay ng Pistang Pasasalamat sa Mahal na Patrona Nuestra Señora del Rosario na ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Abril.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Reb. Padre Renato B. Brion Jr. Kura Paroko ng Parokya ni San Miguel Arkanghel de Dampol.

Hindi alintana ng mga mananampalataya ang pagbuhos ng ulan at itinuring pang malaking Biyaya mula sa P**ng Mahal.

Address

Purok 1 Brgy. Look 1st
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Rosario Patrona ng Barrios Lugam at Look Primero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora del Rosario Patrona ng Barrios Lugam at Look Primero:

Share