Parish Commission on Youth - Malolos Cathedral

Parish Commission on Youth - Malolos Cathedral The Parish Commission on Youth – Malolos Cathedral function as one family. Together we aspire. Forever we inspire.

We help one another to improve our talents, skills, and to deepenour relationship with God, that will help us in our servanthood.

Ika- 23 ng Agosto, 2026 | π™Έπš”πšŠ-21 πš—πšŠ π™»πš’πš—πšπšπš˜ 𝚜𝚊 π™ΊπšŠπš›πšŠπš—πš’πš πšŠπš—πš π™ΏπšŠπš—πšŠπš‘πš˜πš— (𝙰) β€” π™±πšŠπš—πšŠπš• πš—πšŠ π™Όπš’πšœπšŠπš—πš πšŠπš•πšŠπš’ πš™πšŠπš›πšŠ 𝚜𝚊 πš–πšπšŠ π™ΊπšŠπš‹πšŠπšπšŠπšŠπš—Pag-ibig...
26/08/2026

Ika- 23 ng Agosto, 2026 | π™Έπš”πšŠ-21 πš—πšŠ π™»πš’πš—πšπšπš˜ 𝚜𝚊 π™ΊπšŠπš›πšŠπš—πš’πš πšŠπš—πš π™ΏπšŠπš—πšŠπš‘πš˜πš— (𝙰) β€” π™±πšŠπš—πšŠπš• πš—πšŠ π™Όπš’πšœπšŠπš—πš πšŠπš•πšŠπš’ πš™πšŠπš›πšŠ 𝚜𝚊 πš–πšπšŠ π™ΊπšŠπš‹πšŠπšπšŠπšŠπš—

Pag-ibig mo'y di kukupas, gawain mo'y magaganap

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, β€œSino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, β€œAng sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” β€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, β€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, β€œMapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo. β€” Mateo 16, 13-20

Ang bumubuo ng Pamparokyang Komisyon ng Kabataan ay lubos na nagpapasalamat kay Rdo. P. Fernando Cenon, Katuwang na Pari at Spiritual Director ng mga Kabataan ng ating Parokya, na nanguna sa Banal na Misang inialay para sa mga kabataan. Sinimulan niya ang kanyang homiliya sa pamamagitan ng isang tanong β€œSino ang anak ng tao?”. Pagkatapos sinabi niya na kahit saang lugar Siya magpunta noon Siya ay kinikilala dahil sa mga himalang Kanyang ginawa kung kaya’t dapat tayo ay kinikilala natin siya ngunit ndi lang natin Siya dapat kinikilala bagkus Siya ay ating pinupuri at tinatanggap. Sinabi din niya na Kristo means Mesiyas or hinirang β€” ang Diyos bilang tagapagligtas, makakabuo lang tayo ng tunay na relasyon kay Hesus kung kikilalanin natin Siya bilang ating tagapagligtas. Sa huli, muli siyang nag–iwan ng isnt katanungan para sa lahat β€œKilala ba tagala natin si Hesus? Kilala ba talaga natin Siya bilang tagapagligtas?".

Pasasalamat rin sa mga kabataang naging bahagi ng pagdiriwang mula sa iba't ibang SPCY at samahan. Sa mga Sakristan na naglingkod sa dambana at Immaculate Conception Youth Choir na siyang nanguna sa pag-awit.


π“π€πŠππŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŠπ€π˜ πŒπ€π‘πˆπ€ 𝟐.𝟎 !πŸƒβ€β™€οΈβœ¨Mga kapatid, kaibigan, ka-pamilya, at ka-Parokya!Tara na at muling makiisa sa Takbo para ...
25/08/2026

π“π€πŠππŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŠπ€π˜ πŒπ€π‘πˆπ€ 𝟐.𝟎 !πŸƒβ€β™€οΈβœ¨

Mga kapatid, kaibigan, ka-pamilya, at ka-Parokya!

Tara na at muling makiisa sa Takbo para kay Maria 2.0, isang fundraising program para sa Pistang Bayan 2026. Sa darating na November 30, 2026, sama-sama nating gawing makabuluhan ang bawat hakbang sa pamamagitan ng pagkakaisa, pakikiisa, at pagbabahagi. Ang gawaing ito ay bukas para sa mga kabataan, pamilya, magkakaibigan, at lahat ng nais maging bahagi ng pagdiriwang. Ang inyong paglahok ay higit pa sa isang pagkakataong magsaya at magbuklod, nakatutulong din ito sa pagsuporta sa mga gawaing pangsimbahan.

𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓 πƒπ„π“π€πˆπ‹π’
πŸ“… πƒπšπ­πž: November 30, 2026
⏰ π€π¬π¬πžπ¦π›π₯𝐲 π“π’π¦πž & π€π«πžπš: 5:00 AM | Malolos Cathedral Patio
🎟️ π“π’πœπ€πžπ­ 𝐏𝐫𝐒𝐜𝐞: β‚±350.00

π“πˆπ‚πŠπ„π“ πˆππ‚π‹π”π’πˆπŽππ’
- Race T-Shirt
- Race Bib
- Holi Powder (Color Powder)
- Snack & Refreshment
- One Raffle Entry

πŽππ‹πˆππ„ π“πˆπ‚πŠπ„π“ 𝐏𝐑𝐄-πŽπ‘πƒπ„π‘πˆππ† πˆπ’ ππŽπ– πŽππ„π!
Para sa mas madali at mabilis na pagpaparehistro, maaari kayong mag-pre-order ng ticket sa pamamagitan ng aming Google Form:

https://forms.gle/jFymbPzCd1g7HvAc8
https://forms.gle/jFymbPzCd1g7HvAc8
https://forms.gle/jFymbPzCd1g7HvAc8

β›ͺ TICKET BOOTH β€” EVERY SUNDAY!
Para sa mga nais bumili ng ticket onsite, bukas ang Ticket Booth tuwing araw ng Linggo.

πŸ• Ticket Booth Hours:
8:00 AM – 12:00 NN
3:00 PM – 8:00 PM

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa ating mga gawaing pangsimbahan. πŸ’™πŸ™

.0

π‹πˆππ€π“ ππ„πƒπ‘πŽ | Agosto 23, 2026Isinagawa kanina ang paglilipat ng imahe ni San Pedro Calungsod mula sa Friends of St. Pedr...
23/08/2026

π‹πˆππ€π“ ππ„πƒπ‘πŽ | Agosto 23, 2026

Isinagawa kanina ang paglilipat ng imahe ni San Pedro Calungsod mula sa Friends of St. Pedro Calungsod patungo sa SPCY San Juan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa ating kabataang santo at martir.

Si San Pedro Calungsod ay isang huwaran ng pananampalataya, katapangan, at paglilingkod. Sa murang edad, buong puso niyang isinabuhay ang kanyang misyon bilang katekista at inialay ang kanyang buhay alang-alang kay Kristo. Ang kanyang buhay ay nagpapaalala sa bawat kabataan na ang kabanalan ay naaabot sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa Diyos at paglilingkod sa kapwa.

Taos-puso naming pinasasalamatan ang Friends of St. Pedro Calungsod sa kanilang mapagmahal na pag-aaruga at pagpapalaganap ng debosyon kay San Pedro Calungsod sa nakalipas na buwan. Gayundin, ang aming pasasalamat sa SPCY San Juan sa kanilang malugod na pagtanggap sa banal na imahen at sa pagpapatuloy ng misyong palalimin ang debosyong ito sa kanilang mga tahanan.

Nawa'y sa bawat paglalakbay ng imahe ni San Pedro Calungsod ay mas marami pang kabataan ang mahikayat na makilala ang kanyang buhay, tularan ang kanyang pananampalataya, at maging matatag na saksi ni Kristo sa kanilang pamilya, paaralan, at pamayanan.

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami! πŸ™πŸ»



Agosto 22, 2026 | ππ€ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 π†π€π–πˆ 𝐍𝐆 π“π€πˆπ™π„"Manatili kayo sa akin, at mananatili ako sa inyo."β€” Juan 15:4Sa isang ga...
23/08/2026

Agosto 22, 2026 | ππ€ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 π†π€π–πˆ 𝐍𝐆 π“π€πˆπ™π„

"Manatili kayo sa akin, at mananatili ako sa inyo."
β€” Juan 15:4

Sa isang gabi ng katahimikan at pagninilay, muling nagtipon ang mga kabataan ng Parokya ng Inmaculada Conception de Malolos para sa Pananalangin sa Gawi ng TaizΓ©, na isinagawa sa Adoration Chapel ng ating Parokya.

Sa pamamagitan ng mga awiting TaizΓ©, pakikinig sa Salita ng Diyos, mga sandali ng katahimikan, at sama-samang pananalangin, nabigyan ang bawat isa ng pagkakataong huminto mula sa abala ng araw-araw na buhay at muling ituon ang puso at isipan sa presensya ng Panginoon. Sa katahimikan, mas malinaw nating naririnig ang Kanyang tinig at mas malalim nating nararanasan ang Kanyang pag-ibig at kapayapaan.

Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakiisa at naglaan ng oras upang makatagpo ang Diyos sa panalangin. Nawa'y ang mga biyayang ating tinanggap sa gabing ito ay patuloy na magbigay-lakas sa ating pananampalataya at maging inspirasyon sa ating paglilingkod sa Simbahan at sa ating kapwa.

Patuloy tayong maglaan ng panahon upang manahimik, manalangin, at makinig, sapagkat sa Diyos natin natatagpuan ang tunay na kapayapaan.



20/08/2026

🚨πŸ”₯ πˆπ’πŠπŽβ€™π’ & πˆπ’πŠπ€β€™π’β€¦ πŽππ„ πŒπŽππ“π‡ π“πŽ π†πŽ!!! πŸ”₯🚨

𝐏𝐑𝐄-ππ˜πƒ πŸπŸŽπŸπŸ” πˆπ’ π‚πŽπŒπˆππ†!!! πŸ‘€πŸ’™πŸš€

Isang buwan na lang bago ang ating Pre-PYD! 😭πŸ”₯
Nakapag-paregister na ba ang lahat?! πŸ‘€
Nakipag-meeting na ba sa inyong SPCY?! πŸ‘€
READY NA BA ANG MGA KABATAAN?! 😀πŸ’₯

Kasi ang β€œmalapit na” natin…
MAS LALONG LUMALAPIT NA!!! ⏳πŸ”₯

The hype is getting LOUDER! πŸ“’
The energy is getting BIGGER! ⚑
At unti-unti nang nabubuo ang excitement para sa PYD 2026! πŸš€πŸ’™

🚨 30 DAYS BEFORE PRE-PYD!
πŸ”₯ THE COUNTDOWN IS ON!
πŸ’₯ AND THIS IS JUST THE BEGINNING!

So, Isko’s & Iska’s… WAG MAGPAHULI! πŸ‘€
Register. Meet. Prepare. LET’S GET READY FOR PRE-PYD 2026!!! πŸš€πŸ”₯

πŸ“… September 19, 2026 β€” PRE-PYD 2026



β€οΈπŸ’›πŸ’™
19/08/2026

β€οΈπŸ’›πŸ’™

β€œHuwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang panahon ay aanihin natin ang bunga kung hindi tayo susuk...
18/08/2026

β€œHuwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti, sapagkat sa takdang panahon ay aanihin natin ang bunga kung hindi tayo susuko.”
β€” Galacia 6:9 βœ¨πŸ™

Isang masaya at pinagpalang kaarawan sa’yo, Sis. Rose Anne! πŸŽ‚πŸ’—

Sa natatanging araw na ito, buong puso naming ipinagpapasalamat sa Diyos ang biyaya ng iyong buhay sa aming komunidad. Ang iyong pagiging masipag at puno ng enerhiya ay tunay na nagbibigay-sigla sa bawat gawain ng ating samahan. Higit sa lahat, kahanga-hanga ang iyong dedikasyonβ€”ngayon na ikaw ay isang ganap na nurse, patuloy mo pa ring inilalaan ang iyong oras at lakas sa paglilingkod sa Simbahan at sa ating komunidad.

Maraming salamat sa pagpiling magpatuloy sa paglilingkod sa kabila ng mga bagong responsibilidad na kaakibat ng iyong propesyon. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang magampanan mo nang buong puso ang iyong misyon sa iyong propesyon at sa Simbahan.

Isang masaya, makabuluhan, at pinagpalang kaarawan sa’yo, Sis. Rose Anne!*Patuloy kang maging inspirasyon at pagpapala sa ating PCY family. πŸ™πŸŒŸ

17/08/2026

🚨πŸ”₯ π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 π•πˆπ‚π€π‘πˆπ€π‹ π˜πŽπ”π“π‡ πƒπ€π˜β€¦ ππ€π‘πˆπ’π‡ π˜πŽπ”π“π‡ πƒπ€π˜ ππ€πŒπ€π?! πŸ‘€πŸ”₯

Isko’s and Iska’s… πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀 πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀! πŸ˜±πŸ’™

The wait is almost over! ⏳
Mas umiinit ang excitement, mas palalakasin ang hype, at bawat segundo ay papalapit tayo sa isang araw na siguradong hindi malilimutan! Oooops, isang araw? hmmm πŸ€”πŸ€—

Ready your energy. Ready your voices. Ready your hearts.
Dahil ang susunod na malaking pagtitipon ng kabataan ng Inmaculada Concepcion de Malolos… π€π˜ ππ€ππ€π‘π€π“πˆππ† 𝐍𝐀! πŸ’₯

πŸ‘€ πˆπ’πŠπŽβ€™π’ & πˆπ’πŠπ€β€™π’, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 πŠπ€π˜πŽ?!

πŸ”₯ ππ˜πƒ πŸπŸŽπŸπŸ”
πŸ’™ πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀 πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀!
πŸš€ 𝐓𝐇𝐄 π‡π˜ππ„ πˆπ’ 𝐑𝐄𝐀𝐋!

O siya… πŸ‘€
Kung hindi ka pa nagpapalista, ano pang hinihintay mo?! 😭πŸ”₯

πŸ“£ MAGPA-REGISTER NA SA INYONG SPCY COORDINATOR!
Huwag nang magpahuli, dahil baka pagdating ng araw… β€œSANA NAGPA-REGISTER AKO.” πŸ˜­πŸ’€

Kaya Isko’s at Iska’s, GET READY, GET REGISTERED, AND GET HYPED! πŸš€πŸ”₯

πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀. πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀. πŒπ€π‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐀. πŸ‘€πŸ’™



β€œMagalak kayo at magdiwang sa Panginoon, kayong mga matuwid; umawit kayo nang may kagalakan.”— Awit 32:11 βœ¨πŸŽ‰Isang masaya...
16/08/2026

β€œMagalak kayo at magdiwang sa Panginoon, kayong mga matuwid; umawit kayo nang may kagalakan.”
β€” Awit 32:11 βœ¨πŸŽ‰

Isang masaya at pinagpalang kaarawan sa’yo, Bro. Keiviram! πŸŽ‚πŸ’™

Sa natatanging araw na ito, buong puso naming ipinagpapasalamat sa Diyos ang biyaya ng iyong buhay sa aming komunidad. Ang iyong pagiging masigla, masayahin, at palangiti ay tunay na nagbibigay-sigla at saya sa bawat gawain ng ating samahan. Sa bawat ngiti at masayang presensya mo, nagiging mas magaan at mas makulay ang bawat pagkakataong tayo ay magkakasama.

Maraming salamat sa patuloy mong pagbabahagi ng iyong saya at sigla sa ating PCY family. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at walang hanggang kagalakan.

Isang masaya, makabuluhan, at pinagpalang kaarawan sa’yo, Bro. Keiviram! Patuloy kang maging ilaw, inspirasyon, at pinagmumulan ng saya sa ating komunidad. πŸ™πŸŒŸ

Address

Diocese Of Malolos. Immaculate Conception Parish/Cathedral And Minor Basilica
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth - Malolos Cathedral posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish Commission on Youth - Malolos Cathedral:

Shortcuts

Share