30/07/2023
ORATIO IMPERATA
Panalangin para sa Proteksyon Laban sa Bagyo.
Amang Makapangyarihan, nilikha mo at nilagyan ng kaayusan ang mundong walang hugis sa simula.
Nang ang mga alagad ng iyong Anak ay naharap sa malakas na unos sa dagat Galilea,
Inutusan niyang huminto ito.
Ang unos ay tumalima at ang mga alagad ay napanatag.
Ngayon, kami ay nahaharap sa Bagyo at Habagat,
Dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit ng unos at pinsalang dulot ng bagyo at habagat,
Bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan,
Ibalik sa kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN.
N: Panginoon naming Diyos, Ipakita mo na ang iyong pag-ibig ay wagas.
B: Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.
Sta. Cruz, Ipagsanggalang kami sa panganib.