Bisita ni San Andres Apostol - Mojon, Malolos Bulacan

Bisita ni San Andres Apostol - Mojon, Malolos Bulacan Ang Account na ito ang opisyal at nag-iisang page ng Bisita ni San Andres Apostol SPPC Mojon

Maligayang Araw ng mga Pari, Father Ed! Sa paggunita sa Kapistahan ni San Juan  Maria Vianney, ang pintakasi ng mga pari...
04/08/2026

Maligayang Araw ng mga Pari, Father Ed!

Sa paggunita sa Kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang pintakasi ng mga pari, ay buong pusong nakikiisa ang buong Sambayanan ng Diyos mula sa Sub-Parokya ng Mojon, Bisita ni San Andres Apostol sa pagdiriwang ng Araw ng mga pari at taos-pusong bumabati kay Rev. Fr. Isidro L. Rodriguez.

Maraming Salamat po, Fr. Ed, sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang sambayanan. Sa pamamagitan ng panalangin at mabuting halimbawa ni San Juan Maria Vianney, nawa'y patuloy po kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan at walang sawang dedikasyon na magpatuloy sa inyong bokasyon bilang lingkod ng Diyos.

Muli, pagbati po, Fr. Ed!

PABATID | 𝐏𝐒𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐀𝐲𝐚 2026Malugod po naming inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa pagdiriwang ng 𝐏𝐒𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚...
11/06/2026

PABATID | 𝐏𝐒𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐀𝐲𝐚 2026

Malugod po naming inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa pagdiriwang ng 𝐏𝐒𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐀𝐲𝐚 2026 bilang pagpupugay sa ating mahal na patron, ang Mga Puso nina Hesus at Maria.

Mamayang Ika-4:00 N.H. ay gaganapin ang Prusisyon ng Dapit, na magsisimula sa tahanan ng Pamilya Javier sa Felicisima Village. Sama-sama nating samahan ang Imahen ni Apostol San Andres na nasa pangangalaga ng Pamilya Bernardo at Catanghal sa kanyang pakikiisa sa nasabing gawain.

Bukas, Hunyo 12, Araw ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa:
5:30 N.H. – Banal na Misa
6:30 N.G. – Maringal na Prusisyon

Halina't ipakita natin ang ating pananampalataya, debosyon, at pasasalamat sa Dalawang Puso na nagtataglay ng Kabanalan at Kadalisayan sa pamamagitan ng sama-samang pakikiisa sa mga gawaing inihanda ng ating Parokya.

Tara na at sumama sa paglalakbay ng pananampalataya kasama ang ating Mahal na Patron.


ππšπ π›πšπ­π’, 𝐒𝐒𝐬. 𝐄π₯𝐞𝐧! ✨Ang buong Sambayanan ng Diyos mula sa Sub-Parokya ng Mojon, Bisita ni San Andres Apostol, ay buong ...
04/06/2026

ππšπ π›πšπ­π’, 𝐒𝐒𝐬. 𝐄π₯𝐞𝐧! ✨

Ang buong Sambayanan ng Diyos mula sa Sub-Parokya ng Mojon, Bisita ni San Andres Apostol, ay buong galak na Bumabati sa ating butihing Pangulo na si Sis. Elenita J. Calayag sa pagkalaloob sa kanya ng "𝐈𝐧 π…πšπ―π¨π«πžπ¦ π„πœπœπ₯𝐞𝐬𝐒𝐚𝐞" Award mula sa Parokya ng Mga Puso nina Hesus at Maria, noong ika-3 ng Hunyo na pinangunahan ni Lub. Kgg. Elias L. Ayuban, C.M.F., J.C.D., D.D., Obispo ng Diyosesis ng Cubao, kaalinsabay ng Unang Araw ng Nobenaryo ng Pistang Parokya 2026.

Ang parangal na ito ay nagsisilbing pagkilala sa kanyang walang sawang paglilingkod, katapatan sa misyon ng Simbahan, at bukas-palad na pagbabahagi ng kanyang panahon, talento, at mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng ating Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas at inspirasyon upang mas lalo pang mapag-alab at maipagpatuloy ang iyong makabuluhang paglilingkod sa Simbahan at sa ating pamayanan.

Muli, taos-puso po kaming bumabati, Sis. Elenita! Ang iyong tagumpay ay karangalan at inspirasyon para sa buong pamayanan ng ating Bisita. πŸ’šβ€οΈ

Pagbati sa iyong ika-55 Kaarawan, Fr. Ed! πŸŽ‚Ang buong sambayanan ng Bisita ni San Andres Apostol Ng Mojon ay buong galak ...
16/05/2026

Pagbati sa iyong ika-55 Kaarawan, Fr. Ed! πŸŽ‚

Ang buong sambayanan ng Bisita ni San Andres Apostol Ng Mojon ay buong galak na ipinapaabot ang aming pagbati sa ating Kura Paroko na si Reb. P. Isidro L. Rodriguez sa kanyang ika-55 Kaarawan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod sa Simbahan at sa aming pamayanan. Sa pamamagitan ng inyong walang sawang paggabay, pangangaral, at malasakit, mas lalo naming nararanasan ang kabutihan, pag-ibig, at awa ng Diyos sa aming buhay.

Hinihiling lang po namin ang kabutihan ng inyong kalusugan at nawa po ay maiwas kayo sa anumang sakit para po patuloy kayong maging gabay patungo sa mas lalong ika aalab ng aming puso para makapaglingkod sa Panginoon at sa tuloy-tuloy na pag akay sa aming pamayanan patungo kay Kristo.

Muli po, Maligayang Kaarawan Fr. Ed!

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Prusisyon
03/05/2026

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Prusisyon

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Pagdarasal ng Rosaryo at BANAL NA MISA
03/05/2026

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Pagdarasal ng Rosaryo at BANAL NA MISA

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Prusisyon ng Dapit
03/05/2026

PISTANG PASASALAMAT 2026 | Prusisyon ng Dapit

Address

Saint Andrew The Apostle Chapel, Mojon
Malolos
3000

Telephone

+639164995671

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ni San Andres Apostol - Mojon, Malolos Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share