Santa Cruz bubog na munti

Santa Cruz bubog na munti Krus Ating Kaligtasan dapat nating Ikarangal sagisag ng Kalayaan at ng muling Pagkabuhay ni Hesus ng P**ng Mahal Galacia 6: 14

MIYERKULES NG PAMIMINTUHO SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLOPanalangin Sa Nobena ng Mahal na Ina ng Laging SakloloMahal n...
20/07/2022

MIYERKULES NG PAMIMINTUHO SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO

Panalangin Sa Nobena ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo

Mahal ng Ina ng laging saklolo,
buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin,
Ikaw ang pinakamabait,
pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina,
Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak
na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan
lalong lalo na ang biyayang ito.

(tumigil at sabihin ang iyong mg hangarin)

Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina
ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak.
Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos
tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.

Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay,
kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin,
haginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos.
Ipag-unawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin
at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin.
Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak.
Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin
huwag sana naming malimtan ang mga pangangailangan ng iba.

Mahal na mahal mo sila,
tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila,
samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon,
mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami
makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay,
magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak,
inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi
at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.

Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan
na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit
at sa isa't isa buo

  | Mga Aral mula sa Ating Kura Paroko, Rdo. Padre Wilfredo LucasIniukit na ng Panginoon ang bawat detalye sa lahat ng s...
20/07/2022

| Mga Aral mula sa Ating Kura Paroko, Rdo. Padre Wilfredo Lucas

Iniukit na ng Panginoon ang bawat detalye sa lahat ng sulok ng ating mga gagawin. Wala na tayong dapat ipag alala, ang kinakailangan nalang nating gawin ay makiisa, sumunod at tumalima sakanya.

RDO. P. WILFREDO A. LUCAS, M.A. PH. L.
Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
20 Hulyo, 2022 | 6:00 ng Umaga










19/07/2022

Miyerkules ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Jeremias 1, 1. 4-10

Ang simula ng aklat ni propeta Jeremias

Ang aklat na ito ay sulat ng mga sinabi at ginawa ni Jeremias na anak ni Hilcias at isang saserdote sa Anatot, sa lupain ng lipi ni Benjamin.

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pinili na kita bago ka ipinaglihi upang maging propeta sa lahat ng bansa.”

Sinabi ko naman, “Panginoon, hindi po ako marunong magsalita; bata pa po ako.”

Subalit sinabi niya sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka. Sinusugo kita kaya’t humayo ka. Ipahayag mo sa lahat ang aking iuutos sa iyo. Huwag mo silang katatakutan pagkat ako’y sasaiyo at iingatan kita. Akong Panginoon ang nagsasabi nito.”

Pagkatapos, iniunat ng Panginoon ang kanyang bisig, hinipo ang mga labi ko, at sinabi, “Hayan, ibinibigay ko sa iyo ang dapat mong sabihin. Ibinibigay ko rin ngayon sa iyo ang kapangyarihan sa mga bansa’t mga kaharian, sila’y bunutin at ibagsak, lipulin at iwasak, ibangon at itatag.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig,
h’wag mo akong pabayaang mapahiya at malupig;
tulungan mo ako ngayon yamang ikaw ay matuwid.
Ako sana ay sagipin, sa daing ko ay makinig.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban,
sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang;
kaya naman ikaw, P**n, pupurihin araw-araw.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,
maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan:
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Patuloy kong isasaysay
ang dulot mong kaligtasan.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Salita ng D’yos ang buto
na tanim ni Hesukristo
upang tumubo sa tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noon ding araw na iyon, si Hesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. Pinagkalipumpunan siya ng makapal na tao, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Nasa dalampasigan naman ang mga tao. At nagturo siya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga.

“May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay. Ang may pandinig ay makinig!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.










Sa'Yo ang aming Miyerkules, Mahal na Ina!Ipanalangin mo po kami sa tuwina!💙•𝗔𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝗹𝗼𝗹𝗼, 𝗜𝗽𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗸...
19/07/2022

Sa'Yo ang aming Miyerkules, Mahal na Ina!
Ipanalangin mo po kami sa tuwina!💙

𝗔𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝗹𝗼𝗹𝗼, 𝗜𝗽𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗮𝘁 𝗜𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗺𝗼!

Idalangin natin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo lahat ng ating mga samo. Isuko natin sa Anak na kalong nya sa kanyang ...
19/07/2022

Idalangin natin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo lahat ng ating mga samo. Isuko natin sa Anak na kalong nya sa kanyang bisig ang lahat ng ating pasanin at patuloy na humingi ng saklolo sa Kanya.

Tularan natin si Maria, ang Laging Saklolo na sa ating kapwa ay sumaklolo, pagkakawang-gawa sa lubos na nangangailangan.





MALIGAYANG KAARAWAN! Tita Aurea cruzNawa ang pagpapala ng Panginoon ay patuloy na dumaloy sa inyong puso at yakap ng mak...
19/07/2022

MALIGAYANG KAARAWAN! Tita Aurea cruz

Nawa ang pagpapala ng Panginoon ay patuloy na dumaloy sa inyong puso at yakap ng maka-inang biyaya ng Mahal na Birheng Maria ng Ina ng Laging Saklolo at patnubay ni San Jose ay laging sumaiyo sa araw-araw na buhay.

Pagmamahal at Panalangin mula sa:
INA NG LAGING SAKLOLO PARISH - HAGONOY

Si Tita Au po ang camarera ng Mahal na Birheng Maria ng Santo Rosaryo na nakikita't ipinapatente sa buong buwan ng Oktubre.

MALIGAYANG KAARAWAN! Tita Aurea Cruz

Nawa ang pagpapala ng Panginoon ay patuloy na dumaloy sa inyong puso at yakap ng maka-inang biyaya ng Mahal na Birheng Maria ng Ina ng Laging Saklolo at patnubay ni San Jose ay laging sumaiyo sa araw-araw na buhay.

Pagmamahal at Panalangin mula sa:
INA NG LAGING SAKLOLO PARISH - HAGONOY

Si Tita Au po ang camarera ng Mahal na Birheng Maria ng Santo Rosaryo na nakikita't ipinapatente sa buong buwan ng Oktubre.

18/07/2022

Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Mikas 7, 14-15. 18-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Patnubayan mo ang iyong bayan, Panginoon, ang bayan na iyong hinirang. Nag-iisa siya sa gitna ng matabang lupain. Bayaan mo silang manirahan sa magandang pastulan ng Basan at Galaad.

Magpakita ka sa amin ng mga kababalaghan tulad noong ilabas mo sa Egipto ang iyong bayan.

Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkikimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kalaliman ng dagat. Ipamamalas mo ang iyong katapatan sa Israel at ang walang maliw na pag-ibig sa angkan ni Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga magulang mula pa nang unang panahon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 2-4. 5-6. 7-8

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ikaw, O P**n, naging mapagbigay sa iyong bayan,
pinasagana mo’t muling pinaunlad ang bansang Israel.
Yaong kasamaan ng mga anak mo’y nilimot mong tunay,
pinatawad sila sa nagawa nilang mga kasalanan.
Ang taglay mong p**t sa ginawa nila’y iyo nang inalis,
tinalikdan mo na at iyong nilimot ang matinding galit.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Kaya naman, P**n, ibalik mo sana ang iyong paglingap,
ang pagkamuhi mong aming nadarama’y limutan nang ganap.
Ang pagkagalit mo at p**t sa ami’y wala na bang hanggan?
Di na ba lulubag, di na matatapos ang galit mong iyan?

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ibangon mo kami, sana’y ibalik mo ang nawalang lakas,
at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.
Kaya ngayon, P**n, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita pa si Hesus, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas at ibig siyang makausap. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ibig kayong makausap.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina, at sinu-sino ang aking mga kapatid? Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.










AMING INA, kami nawa’y tulungan mo sa pananalangin. Sa iyong pamamagitan ay ipagkaloob nawa ng Panginoong Diyos ang mata...
18/07/2022

AMING INA, kami nawa’y tulungan mo sa pananalangin. Sa iyong pamamagitan ay ipagkaloob nawa ng Panginoong Diyos ang matagal ko nang hinihiling. Amen.


17/07/2022

Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Mikas 6, 1-4. 6-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Pakinggan ninyo ang kaso ng Panginoon laban sa Israel.

Tumindig ka, Panginoon, at ilahad mo ang iyong kaso. Bayaan mong marinig ng mga bundok at mga burol ang iyong sasabihin.

Mga bundok at mga pundasyon ng sanlibutan, pakinggan ninyo ang sakdal ng Panginoon laban sa Israel na kanyang bayan. Sinasabi ng Panginoon, “Bayan ko, sagutin ninyo ako. Ano ba ang nagawa ko sa inyo? Naging pabigat ba ako sa inyo? Inialis ko kayo sa lupain ng Egipto, at tinubos sa pagkakaalipin. Sinugo ko sa inyo sina Moises, Aaron at Miriam upang kayo’y pangunahan.”

Ano ang dapat kong dalhin sa aking pagsamba sa Panginoon na Diyos na kataas-taasan? Magdadala ba ako ng guyang isang taon ang gulang bilang handog na susunugin sa kanyang harapan? Malugod kaya ang Panginoon kung siya’y handugan ko ng libu-libong tupa o walang katapusang agos ng langis ng olibo? Matuwa kaya siya kung ihandog ko sa kanya ang aking anak na panganay, ang laman ng aking laman, bilang kabayaran ng aking mga kasalanan? Itinuro na niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti. Ito ang nais ng Panginoon: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong ibigin ang iyong kapwa, at buong pagpapakumbabang sumunod sa iyong Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,
silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong hain.
Ang buong kalangita’y naghahayag na ang Diyos,
isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sumusunog,
bagaman ang mga toro’y hindi ko na kailangan,
maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos?
At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod?
Pag kayo ay tinutuwid, agad kayong napop**t,
at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana,
kaya naman ang akala, kayo’t ako’y magkaisa;
ngunit ngayon, panahon nang kayo’y aking pagwikaan
upang inyong maunawa ang ginawang kamalian.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain,
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 12, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ng ilang eskriba at Pariseo kay Hesus, “Guro, maaari po bang pagpakitaan ninyo kami ng tanda mula sa langit?” Sumagot si Hesus, “Lahing masama at di-tapat sa Diyos! Naghahanap kayo ng tanda ngunit walang ipakikita sa inyo maliban sa palatandaaang inilalarawan ng nangyari kay Propeta Jonas. Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, gayun din ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing sasailalim ng lupa. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto! Sa araw na yaon, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at ito’y hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay solomon ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.










Address

San Isidro Ll
Malolos
3002

Opening Hours

9:30am - 9:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz bubog na munti posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share