15/05/2026
| 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 |
𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐊𝐀𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐏𝐔𝐑𝐈 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐋𝐈𝐆: 𝐄𝐋 𝐒𝐇𝐀𝐃𝐃𝐀𝐈 𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐃𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟎 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎
𝗠𝗔𝗟𝗢𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡 - Ipinagdiwang ng El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International – Holy Spirit Chapter ang kanilang ika-10 anibersaryo noong ika-8 ng Mayo, 2026 sa Holy Spirit Parish Church sa Alido Heights Subdivision, na dinaluhan ng mahigit 100 miyembro at deboto mula sa iba’t ibang El Shaddai chapters.
Isinagawa ang pagdiriwang mula alas-2 ng hapon hanggang alas-7:30 ng gabi bilang pasasalamat sa sampung taon ng sama-samang pananalangin, paglilingkod, at pagpapalalim ng pananampalataya ng samahan sa loob ng komunidad.
Naging tampok sa programa ang banal na misa na pinangunahan ni Rdo. Msgr. Pablo S. Legaspi Jr., sa ganap na alas-3:30 ng hapon. Nagbahagi rin ng inspirational talk si Bro. Norlan Ilagan habang nagbigay naman ng healing message si Bro. Che Corralles, isang Elder Disciple ng samahan.
Pinangunahan ni Sis. Mers Cañafranca, chapter coordinator, ang pagdiriwang kasama sina Bro. Jun Villamar at Sis. Susan de Regla bilang mga tagapagdaloy ng programa. Naghandog din ng mga awit ng papuri at pagsamba ang Holy Spirit Gospel Choir katuwang ang El Shaddai Bulacan Worship Team na nagdagdag sa masigla at espirituwal na daloy ng programa.
Ang El Shaddai DWXI Prayer Partners Fellowship International ay isang Catholic charismatic movement na nakatuon sa pananalangin, ebanghelisasyon, at spiritual renewal. Sa paglipas ng mga taon, patuloy itong nagsisilbing daluyan ng pananampalataya at pagkakaisa para sa maraming Katoliko sa bansa at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Balita mula kay Anna Lian Fucanan, Ang Sandigan News
Larawan mula sa El Shaddai Holy Spirit Chapter - Alido
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/