05/08/2026
Kapistahan ng ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ -๐๐ง๐ฒ๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฌ | 06-Agosto
(Feast of the Transfiguration of Jesus).
Ang kapistahang ito ay unang ipinagdiwang at naging tradition sa bansang Syria. Naipakilala ito sa Roma noong taong 1457 dahil sa paggunita ng pagkapanalo ng mga Kristiyano laban sa mga Moro sa isang digmaan sa Belgrade noong taong 1456. Ang kapistahang ito ay nagpapakilala ng kaluwalhatian ng muling pagkabuhay ni Hesus. Ito ay nagpapatotoo na balang araw tayo rin ay muling mabubuhay sa kaluwalhatian kasama ng Panginoon na kagaya ng pagbabagong-anyo ni Hesus.
PANALANGIN:
Ama naming makapangyarihan,
Sa pagliliwanag sa bagong anyo ng iyong Anak,
Ang pananda ng aming sinasampalatayanan,
Ay Iyong binibigyang-patunay sa pagsaksi ng aming mga ninuno,
At inihayag Mong kamiโy lubos na kinukupkop bilang mga anak.
Ngayong kamiโy nakikinig sa Iyong Anak na pinakamamahal,
Kami nawaโy pagindapating maging tagapagmanang kanyang katambal,
Sa pamamagitan Niya kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
Amen.
โ
Ang imahen ay nasa pangangalaga ng Pamilya Coronel - Marcelo mula sa barangay Bagong Bayan