Ina Ng laging saklolo de caru caruhan

Ina Ng laging saklolo de caru caruhan Manalangin Tayo saating Ina ng laging saklolo de caru caruhan

Pasinaya sa Bagong Retablo Mayor||Hulyo 22 2022Kasabay ng Kapistahan ni Sta Maria Magdalena sa ika 22 ng Hulyo ating pap...
20/07/2022

Pasinaya sa Bagong Retablo Mayor
||Hulyo 22 2022

Kasabay ng Kapistahan ni Sta Maria Magdalena sa ika 22 ng Hulyo ating papasinayaan ang Bagong Retablo Mayor ng ating Bisita,Magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika 2 ng Hapon na susundan ng maringal na prusisyon ni Sta Maria Magdalena.
Sa bisita ng Santisima Trinidad Caru-Caruhan

Pasinaya sa Bagong Retablo Mayor
||Hulyo 22 2022

Kasabay ng Kapistahan ni Sta Maria Magdalena sa ika 22 ng Hulyo ating papasinayaan ang Bagong Retablo Mayor ng ating Bisita,Magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika 2 ng Hapon na susundan ng maringal na prusisyon ni Sta Maria Magdalena.

20/07/2022

MIYERKULES NG PAMIMINTUHO SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO

Panalangin Sa Nobena ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo

Mahal ng Ina ng laging saklolo,
buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Jesus upang maging Ina namin,
Ikaw ang pinakamabait,
pinakamasintahin sa lahat ng mga Ina,
Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak
na ngayon ay humihingi ng Iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan
lalong lalo na ang biyayang ito.

(tumigil at sabihin ang iyong mg hangarin)

Noon ikaw ay nasa lupa minamahal na Ina
ikaw buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak.
Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-amang pagmamahal ng Diyos
tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.

Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay,
kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin,
haginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos.
Ipag-unawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin
at tinutugon Niya ang lahat ng aming panalangin sa paraang makabubuti sa amin.
Palakasin mo ang aming loob na pagpapasan ng krus tulad ng iyong banal na Anak.
Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ng kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na ina habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin
huwag sana naming malimtan ang mga pangangailangan ng iba.

Mahal na mahal mo sila,
tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila,
samantalang idinalangin namin ang aming mga adhikain at ang mga adhikain ng lahat ng narito ngayon,
mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo aming ina tulungan mo kami
makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay,
magpahilom mong sugat ng mga pusong wasak,
inaapi at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang aapi
at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya.

Pinakamamahal na Ina tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan
na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit
at sa isa't isa buong tiwala naming isinasalaysay ang aming sarili sa iyong pagkalinga
at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
Amen.

Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal na pagmamalasakit sa iba,
Masintahing Ina, Ipanalangin mo kami!



19/07/2022

Sa'Yo ang aming Miyerkules, Mahal na Ina!
Ipanalangin mo po kami sa tuwina!💙

𝗔𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝗹𝗼𝗹𝗼, 𝗜𝗽𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗮𝘁 𝗜𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗺𝗼!

19/07/2022

Idalangin natin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo lahat ng ating mga samo. Isuko natin sa Anak na kalong nya sa kanyang bisig ang lahat ng ating pasanin at patuloy na humingi ng saklolo sa Kanya.

Tularan natin si Maria, ang Laging Saklolo na sa ating kapwa ay sumaklolo, pagkakawang-gawa sa lubos na nangangailangan.





18/07/2022

AMING INA, kami nawa’y tulungan mo sa pananalangin. Sa iyong pamamagitan ay ipagkaloob nawa ng Panginoong Diyos ang matagal ko nang hinihiling. Amen.


Ang bagong Retablo Mayor ng Bisita ng Santisima Trinidad Caru-Caruhan
17/07/2022

Ang bagong Retablo Mayor ng Bisita ng Santisima Trinidad Caru-Caruhan

Pasilip sa bagong Retablo Mayor ng ating Bisita.

17/07/2022

Inang sakdal linis, O masintahing Ina!
Kami ay pakinggan sa iyong dakilang habag!

PANALANGININ PARA SA MGA MAYSAKIT

Panginoong Hesukristo, pinasan Mo ang aming mga tiisin at dinala Mo ang aming mga dalamhati upang Iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis at ng pangangailangan ng tao ng Iyong tulong. Magiliw Mong dinggin ang aming mga panalangin para sa mga minamahal naming may sakit lalo na...

(manahimik sandali at alalahanin ang mga maysakit na mahal sa buhay)

Ipagkaloob Mo sa kanila na labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman ang iyong mapaghilom na lakas at kalinga. Ibalik mo sa kanila ang kalusugan ng katawan at kaluluwa upang sila ay muling makapaglingkod sa iyo at sa kapwa. Amen.

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami!

16/07/2022

PANALANGIN SA UMAGA
Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ama naming Makapangyarihan,
kalugdan Mo kami at pagbigyan na magkamit ng kaloob Mong karagdagan upang sa maalab naming pananalig,pag-asa at pag-ibig kami'y mamalaging tumatalima sa Iyong kautusan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.

Address

San Isidro Ll
Malolos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ina Ng laging saklolo de caru caruhan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share