15/08/2026
𝐈𝐊𝐀-16 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎
Buwanang Pamimintuho sa Nuestra Señora del Carmen de Barasoain
Ang Regina Carmeli TOC Community ng Barasoain, kaisa ng Kura Paroko, Rdo. Msgr. Domingo M. Salonga at ng Hermandad 2027 PPC EXECOM, ay malugod na nag-aanyaya sa mga Kasapi at Nagnanais na maging Kasapi ng Cofradia de Nuestra Señora del Carmen na dumalo sa Banal na Misa bukas, ika-16 ng Agosto 2026, alas-6 ng umaga, na susundan ng PAGPUPULONG AT MONTHLY FORMATION para sa Cofradia.
Layunin nito na mapagyabong ang pagka-unawa ng lahat ng kasapi sa kahalagahan ng pagsusuot ng Eskapularyo, pagtupad at pagtugon sa layunin ng Kapatiran at pagdalo sa mga mahahalagang gawain. Ito ay upang maipakilala na din ang Debosyon sa Nuestra Señora del Carmen at sa Carmel.
Inaasahan po ang inyong pagdalo at pakikibahagi. Maraming Salamat po!
AVE REGINA DECOR CARMELI!
Sama-sama nating parangalan Ang ating Inang Nililiyag.
Viva Nuestra Señora del Carmen de Barasoain!