02/11/2024
NOBYEMBRE 02
Unang Sabadong Pagdedebosyon sa Dulcissimo Nombre de Maria - La Niña Maria
Mahal na Birheng Niña Maria, hinirang na maging Ina ng Diyos at aming mapagmahal na Ina. Mula sa makalangit na biyayang ibinigay mo sa amin, mahabagin mong pakinggan ang aming kahilingan. Sa harap ng iba't ibang hamon at pagsubok sa buhay, lalo't higit sa kasalukuyan ay ipinagkakatiwala namin ang aming sarili sa iyo.
O Niña Maria, sa natatanging prebilehiyong ipinagkaloob sa iyo at sa meritong iyong natanggap, ihayag mo na ang bukal ng mga biyayang patuloy mong ipinagkakaloob ay mula sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos. Mula sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos mula sa kalinis-linisang paglilihi sa Iyo, ipagkaloob mo O Niña Maria ang aming kahilingan at aming pararangalan ang iyong Kalinis-linisang Puso. Amen.