Santa Lucia Chapel - Namayan

Directions

Santa Lucia Chapel - Namayan Bisita ni Santa Lucia de Syracusa
Namayan City of Malolos, Bulacan

SETYEMBRE 27 | KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHENG STELLA MARIS DE ISLA NAMAYAN
27/09/2026

SETYEMBRE 27 | KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHENG STELLA MARIS DE ISLA NAMAYAN



Sa araw na ito, ika - 27 ng Setyembre. Buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Inang Stella Ma...
27/09/2026

Sa araw na ito, ika - 27 ng Setyembre. Buong puso nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng ating Mahal na Inang Stella Maris — Tala ng Karagatan, na patuloy na gumagabay at nagbibigay-liwanag sa ating paglalakbay sa buhay.

Tulad ng isang tala na nagsisilbing gabay ng mga naglalayag sa karagatan, nawa’y patuloy na maging ilaw, kanlungan, at gabay si Maria sa bawat pamilya, kabataan, mangingisda, at bawat mananampalataya ng ating pamayanan. Sa gitna ng unos at alon ng buhay, ipanalangin nawa niya tayo upang manatiling matatag ang ating pananampalataya at laging nakatuon ang ating puso kay Kristo.

O Stella Maris, Tala ng Karagatan, ipanalangin mo kami!

Patnubayan mo ang aming paglalakbay at ihatid kami palagi tungo kay Hesus.

Muli, Maligayang Kapistahan sa buong Ang Sagwan - Stella Maris Mission Parish

Nawa’y maging puno ng biyaya, pagkakaisa, kapayapaan, at pagmamahal ang ating pagdiriwang.
Viva, Stella Maris!



24/09/2026

Stella Maris Tala ng Karagatan

Imahen mula sa Barangay Namayan na nasa Pangangalaga ni Gng. Cynthia Adriano at G. Roberto Adriano at Pamilya. Ito ay ating masisilayan mula ngayong unang araw ng Triduo hanggang sa Kapistahan ng Stella Maris sa ating minamahal na parokya. Tayo at sama-samang manalangin at humingi ng gabay sa ating patrona na Tala ng Karagatan.

Stella Maris Tala ng Karagatan, Ipanalangin mo po kami.

Unang Araw ng Triduo – Stella MarisUnang Araw ng Triduo para sa Mahal na Birhen Stella Maris, kasama ang SPPC Namayan, s...
24/09/2026

Unang Araw ng Triduo – Stella Maris

Unang Araw ng Triduo para sa Mahal na Birhen Stella Maris, kasama ang SPPC Namayan, sa isang makabuluhang pagdiriwang ng Banal na Misa.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng Rev. Fr. Niño Jommel De Leon, na nagpaabot ng mensahe ng pananampalataya, pag-asa, at pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng paggabay ng Mahal na Birhen.

Mahal na Birhen Stella Maris, Tala ng Karagatan, ipanalangin mo kami.

Viva Stella Maris!

SANTA LUCIA DE ISLA NAMAYAN
24/09/2026

SANTA LUCIA DE ISLA NAMAYAN

STELLA MARIS DE ISLA NAMAYAN
24/09/2026

STELLA MARIS DE ISLA NAMAYAN

𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝒖𝒎𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒈𝒂𝒏, 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒂, 𝑳𝒂 𝑽𝒊𝒓𝒈𝒆𝒏 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒔.Sa bawat tangay nating p...
12/09/2026

𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝒖𝒎𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒈𝒂𝒏, 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒂, 𝑳𝒂 𝑽𝒊𝒓𝒈𝒆𝒏 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒔.

Sa bawat tangay nating panalangin, tangan natin ang pananalig at pag-ibig sa Mahal na Birhen. Halina’t makiisa sa maringal na paglalakbay ng ating Ina, at sama-sama nating ihatid ang ating panalangin sa kanyang mapagkalingang puso.

Viva La Virgen Stella Maris!
Viva la Reina de Isla Namayan!

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria Sa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng Maha...
07/09/2026

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Sa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang pagsilang ng Mahal na Birheng Maria—ang Ina ng ating Panginoong Hesukristo at mapagmahal na Ina ng ating sambayanan.

Nawa’y sa pamamagitan ng kanyang panalangin at paggabay, patuloy tayong mapuno ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa Diyos.

Viva La Virgen Maria!
Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami!

100 Days na lang ay Kapistahan na muli ni Santa Lucia, Birhen at Martyr!Unti-unti na nating binibilang ang mga araw tung...
04/09/2026

100 Days na lang ay Kapistahan na muli ni Santa Lucia, Birhen at Martyr!

Unti-unti na nating binibilang ang mga araw tungo sa isang makasaysayan at makabuluhang pagdiriwang ng kapistahan ng ating minamahal na Santa Lucia, Birhen at Martyr — Patrona ng Isla Namayan.

Sa bawat araw na lumilipas, nawa’y lalo nating ihanda hindi lamang ang ating mga tahanan at pamayanan, kundi higit sa lahat ang ating mga puso at pananampalataya upang salubungin ang araw ng kapistahan nang may pagkakaisa, pasasalamat, at pagmamahal sa ating Patronang Mahal.

Santa Lucia, Birhen at Martyr, ipanalangin mo po kami.

Patuloy mo nawa kaming gabayan, ingatan at pag-isahin bilang isang pamayanang may matibay na pananampalataya.

VIVA, SANTA LUCIA!🌿

Taos-puso po ang aming pagbati sa ating minamahal na Gng. Chaling Cruz, Pangulo ng SPPC Namayan!Maraming salamat po sa i...
04/09/2026

Taos-puso po ang aming pagbati sa ating minamahal na Gng. Chaling Cruz, Pangulo ng SPPC Namayan!

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagiging tapat na lingkod ng Diyos. Ang inyong malasakit, kabutihan, at dedikasyon sa paglilingkod ay tunay na nagbibigay-inspirasyon sa marami.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang biyaya upang patuloy ninyong maibahagi ang inyong oras at puso sa paglilingkod sa Diyos.

Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal sa bawat hakbang ng inyong buhay. Muli, Maligayang Kaarawan, Gng. Chaling Cruz!

Patuloy po kayong maging ilaw at inspirasyon sa ating simbahan.

Pagbati mula sa SPPC Namayan

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Lucia Chapel - Namayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share