Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group

Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group, Religious organisation, Sitio Calizon, Santo Rosario Paombong Bulacan, Malolos.

𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 π™–π™£π™œ π™Žπ™šπ™£Μƒπ™žπ™€π™§Halina't samahan ang Nuestro Padre Jesus Nazareno-Adonis sa kanyang pag-abay sa bisita ng Malanggam,...
09/01/2025

𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 π™–π™£π™œ π™Žπ™šπ™£Μƒπ™žπ™€π™§

Halina't samahan ang Nuestro Padre Jesus Nazareno-Adonis sa kanyang pag-abay sa bisita ng Malanggam, Bulihan, Malolos, Bulacan. Ang pagdiriwang ay sisimulan sa isang banal na misa sa ganap na ika-5 ng hapon at matapos ito ay susundan ng prusisyon. Sama-sama nating ipagdiwang ang isang araw na puno ng pag-asa at pagpapala.

Walang Hanggang Pasasalamat! Mahal na Poong Jesus Nazareno!
Viva! Jesus Nazareno!

π™‘π™žπ™«π™– 𝙉π™ͺπ™šπ™¨π™©π™§π™€ π™‹π™–π™™π™§π™š π™…π™šπ™¨π™ͺ𝙨 π™‰π™–π™―π™–π™§π™šπ™£π™€!Sama-sama nating damhin ang himala at pagpapala! ✨ Halina't makiisa sa pagdiriwang ng ...
08/01/2025

π™‘π™žπ™«π™– 𝙉π™ͺπ™šπ™¨π™©π™§π™€ π™‹π™–π™™π™§π™š π™…π™šπ™¨π™ͺ𝙨 π™‰π™–π™―π™–π™§π™šπ™£π™€!

Sama-sama nating damhin ang himala at pagpapala! ✨ Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Bisita ng Calero, Malolos, Bulacan. Magsisimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng banal na misa sa ganap na ika-9 ng umaga at matapos ito ay susundan naman ng prusisyon sa bangka/pagoda mula bisita ng Calero hanggang Canalate. Halina't ipagdiwang natin ang isang araw na puno ng pag-asa at pananampalataya.

Walang Hanggang Pasasalamat! Mahal na Poong Jesus Nazareno!

Viva! Poong Jesus Nazareno!

Narito ang mga ilang kuhang larawan sa ginanap na ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis noong ika-3...
01/08/2024

Narito ang mga ilang kuhang larawan sa ginanap na ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis noong ika-30 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ang Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group ay nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong sa paghahanda ng nagdaang Anibersaryo, at sa lahat ng nagsidalo sa ating ika-7 Anibersaryo. Ang Poong Jesus Nazareno - Adonis na po ang bahalang magbalik ng siksik, liglig at nag uumapaw na biyaya sa inyong lahat. PAGPALAIN PO TAYO NG PANGINOON!❀

Viva Jesus Nazareno!
Viva Jesus Nazareno!
Viva Jesus Nazareno!

π™‹π˜Όπ˜Όπ™‰π™”π˜Όπ™”π˜ΌSa pagdiriwang ng Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis, iniimbitahan po namin kayong makii...
26/07/2024

π™‹π˜Όπ˜Όπ™‰π™”π˜Όπ™”π˜Ό

Sa pagdiriwang ng Ika-7 Anibersaryo ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis, iniimbitahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa ating pagdariwang. Narito po ang ilang impormasyon para sa petsa, oras at lugar ng ating Anibersaryo:

π˜—π˜¦π˜΅π˜΄π˜’: July 30, 2024 (Tuesday)
π˜–π˜³π˜’π˜΄: 10am
π˜“π˜Άπ˜¨π˜’π˜³: Sto. Rosario Paombong, Bulacan

Magsisimula ang pagdiriwang sa isang Banal na Misa, na susundan ng munting salu-salo at programa. Para sa karagdagang impormasyon at kaganapan, mangyaring makipag-ugnayan at maghintay ng ilang anunsyo sa ating opisyal na page "Samahan Ng SeΓ±or Adonis De Nazareno Paombong group"

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo at pakikiisa sa makasaysayang okasyong ito. Halina't sama-sama nating kamtan ang biyaya ng ating Panginoong Hesus

Mabuhay ang Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis!

PANALANGIN SA UMAGAIka-20 Biyernes sa Karaniwang PanahonAma,punuin ang aming puso ng iyong pagmamahal sa pagdating ng um...
19/08/2022

PANALANGIN SA UMAGA
Ika-20 Biyernes sa Karaniwang Panahon

Ama,
punuin ang aming puso ng iyong pagmamahal
sa pagdating ng umaga.
Sa pagsasabuhay ng iyong atas,
makamtan nawa namin ang iyong kapayapaan
sa buhay na ito at sa darating
na buhay na walang katapusan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

26/02/2022

PABATID:

Mapagpala at mabiyayang araw po sa ating lahat pinababatid po ng aming samahan na wala po tayong nobena ngayong araw, sa susunod na sabado na po ang ating sunod na nobena. Salamat po at Pagpalain tayo ng ating Panginoon.πŸ˜‡

20/02/2022

Mapagpala at mabiyayang araw po mga kapatid namin kay Kristo at kapwa namin Deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, ang araw po ng ating pagnonovena at paglalive sa ating Mahal na SeΓ±or ay inilipat po namin tuwing araw po ng SABADO NG HAPON, sa kadahilanang ang iba po ay may mga kanya kanyang gampanin sa trabaho at pag aaral kaya't minabuti po ng aming samahan na ilipat ang paglalive at pangonovena tuwing araw ng SABADO nawa po ang bawat isa ay patuloy pa ring sumubaybay at sumabay sa ating pagnonovena sa Mahal na SeΓ±or ng Nazareno. Muli po, nawa ulit tayong sama samang magnovena sa ating mahal na SeΓ±or sa susunod na Sabado. Maraming Salamat po at Pagpalain tayo ng ating Panginoon.πŸ˜‡

Ika-11 ng Pebrero 2022KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES AT ARAW NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENOPanalangin sa Birh...
11/02/2022

Ika-11 ng Pebrero 2022
KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES AT ARAW NG NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO

Panalangin sa Birhen ng Lourdes ngayong Pandaigdigang araw ng mga may sakit.

O Mapagkalingang Birhen ng Lourdes, kaming mga dumaranas ng mga karamdaman ay dumudulog sa iyo, sapagkat ikaw ang taga-aliw ng mga nagdadalamhati at kalusugan ng mga maysakit. Lubos kaming nagtitiwala sa iyo dahil sa marami’t mahimalang pagpapagaling na ginawa mo sa Lourdes at sa buong mundo. Taglay ang maalab na pananampalataya at pamimintuho, kami’y buong kababaang-loob na sumasamo sa β€˜yo para sa aming mga kapatid na may karamdaman:

Yamang tunay na marami ang gumaling, dahil sa pamimintuho sa iyo, mangyaring gumawa ka ng isa pa, at iligtas itong mahal namin sa buhay. Ilayo mo sila sa panganib at ibangon sa banig ng karamdaman upang sila’y makabalik sa paglilingkod sa iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

MAHAL NA BIRHEN NG LOURDES, ipanalangin mo kami!
Maria, Taga-aliw ng Nagdadalamhati, ipanalangin mo kami!
Maria, Kalusugan ng mga Maysakit, ipanalangin mo kami!


Magandang buhay mga kapatid ko kay Kristo! Nais lamang pong ipabatid ng aming samahan na ito lamang po ang kaisa isa at ...
29/01/2022

Magandang buhay mga kapatid ko kay Kristo! Nais lamang pong ipabatid ng aming samahan na ito lamang po ang kaisa isa at official page ng SEΓ‘OR NAZARENO ADONIS at wala nang iba pa huwag po tayong malilito kung may makita man po tayong ibang page na katulad ng sa atin dahil ito po ay sa ibang grupo o samahan at hindi lamang po kami ang mayroong hawak ng SEΓ‘OR NAZARENO kundi marami po sa ating lugar ngunit ipinababatid po namin na ito lamang po ang nag iisang page ng Samahan Ng SeΓ±or Adonis De Nazareno Paombong group Maraming Salamat po at Pagpalain po tayo ng ating PanginoonπŸ˜‡

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sinabi ni Juan, β€œPanginoon, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan po namin siya sapagkat hindi natin siya kasamahan.”Ngunit sinabi ni Jesus, β€œHuwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat ang hindi laban sa inyo ay kakampi ninyo.” LUCAS 9 : 49 - 50

Address

Sitio Calizon, Santo Rosario Paombong Bulacan
Malolos

Telephone

+639120249975

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Samahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno - Adonis Paombong Group:

Share