20/08/2026
Home Cell Group
Online Bible Study
August 20, 2026
By: Ate San
Pamagat: PAGTAYO NG MATATAG SA GITNA NG DILIM:
~Panalangin Bilang Iyong Kasuotan sa Pakikipaglaban~
Text:
Efeso 6:12, 18 (SND)
"v12, Sapagkat ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa mga tao, kundi laban sa mga pinuno, laban sa mga may-kapangyarihan, laban sa mga tagapamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga espirituwal na hukbo ng kasamaan sa kalangitan... v18Manalangin kayo sa Espiritu sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng lahat ng uri ng panalangin at kahilingan. Dahil dito, maging handa kayo at patuloy na ipanalangin ang lahat ng mga banal."
PANIMULA:
Sa buhay ng isang Kristiyano, ang mga pakikipaglaban ay madalang mangyari sa pisikal na kalagayan. Bagamat madalas nating tinitingnan ang ating mga pang-araw-araw na pagsubok bilang away-tao, mahirap na sitwasyon, o personal na kabiguan, ipinapaalala sa atin ng Banal na Kasulatan na may mas malalim na laban na nangyayari sa ating likuran. Ang espiritwal na pakikipaglaban ay totoo, ngunit hindi tayo iniwan ng Diyos na walang laban. Ang panalangin ay hindi pag-atras; ito ang ating pangunahing estratehiya sa pag-atake at pagtatanggol sa espiritwal na pakikipaglaban.
PAANO BA TAYO TATAYONG MATATAG SA GITNA NG DILIM?
Sa pamamagitan ng mga sumusunod na halimbawa:
Mga Uri at Halimbawa ng Kalaban Nating Espiritwal:
1.) Ang DIYABLO o si SATANAS:
Ang pangunahing kaaway na gumagala at naghahanap ng maaaring mangpahina o mangdaya sa ating pananampalataya.
2.) Mga MASASAMANG ESPIRITU o DEMONYO:
Mga espiritu sa himpapawid na nagtutulak ng kasamaan at nagtatanim ng takot o pagdududa.
3.) Ang SARILING LAMAN o MAKASALANANG KALIKASAN:
Ang sariling kahinaan ng tao, pansariling interest, tulad ng kapalaluan, galit, at masasamang pagnanasa.
4.) Ang SANLIBUTAN o MAKASANLIBUTAN:
Ang mga maling sistema, tukso, at panggigipit mula sa lipunan na sumasalansang sa kabutihan.
PAANO MAKIKILALA AT MAGAGAPI ANG ATING KAAWAY?
Pagkilala sa Tunay na Kaaway: Nilinaw ni Pablo na ang ibang tao ay hindi natin tunay na kaaway. Kapag ibinuhos natin ang ating lakas sa pakikipaglaban sa kapwa, nawawala sa ating paningin ang espiritwal na ugat ng suliranin.
1.) Ang Kapangyarihan ng ESPIRITWAL na SANDATA:
(2 Corinto 10:4-5)
Hindi kayang talunin ng pisikal na paraan ang espiritwal na kalaban. Iniuugnay ng panalangin ang ating pisikal na kalagayan sa awtoridad ng langit, na gumigiba sa mga pader na hindi kayang tibagin ng tao.
2.) PAGIGING HANDA at PATULOY na PANANALANGIN:
(Mateo 26:41)
Binigyang-diin ni Pablo ang pananalangin "sa lahat ng pagkakataon" at ang pagiging "alerto."
DAPAT TANDAAN:
*Ang espiritwal na pakikipaglaban ay nangangailangan ng patuloy na pag-iingat upang maiwasan ang pagiging kampante bago pa dumating ang tukso o pagkasira ng loob.
*Laging isuot ang sandatang ipinagkaloob ng Diyos.
*Maging alerto, at ugaliing manalangin sa lahat ng pagkakataon.
*Tukuyin at alamin ang tunay na kaaway, Espiritwal na kalaban hindi tao.
PANGWAKAS:
Ang espiritwal na pakikipaglaban ay hindi tungkol sa pagkatakot sa kaaway; ito ay tungkol sa pagtitiwala sa Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng patuloy at pinatutnubayan ng Espiritung panalangin, inililipat natin ang ating tuon mula sa kabigatan ng ating mga laban patungo sa walang katapusang kapangyarihan ng ating Diyos. Kailanman man harap ka sa espiritwal na pagsubok, tandaan mong isuot ang iyong sandata, hawakan ang radyo ng panalangin, at tumayo nang matatagโdahil ang tagumpay ay naipanalo na.