YASIM GHTA Malilipot

YASIM GHTA Malilipot church planting ministry

05/01/2023
Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para...
05/01/2023

Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan.
1 Corinto 2:7

Ang kaharian mo ay makatarungan,saligang matuwid ang pinagtayuan;wagas na pag-ibig at ang katapatan,ang pamamahala mong ...
12/11/2022

Ang kaharian mo ay makatarungan,
saligang matuwid ang pinagtayuan;
wagas na pag-ibig at ang katapatan,
ang pamamahala mong ginagampanan.
Mga Awit 89:14

11/11/2022

“Sino ang makakaunawa sa puso ng tao?
Ito'y mandaraya at walang katulad;
wala nang lunas ang kanyang kabulukan.
Jeremias 17:9

20/10/2022

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.
2 Pedro 3:9

17/10/2022

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus, 6upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Roma 15:5

13/10/2022

Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,
siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.
Siya'y aking Diyos na aking pupurihin,
Diyos ng aking ama, aking dadakilain.
Exodo 15:2

11/10/2022

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili;
Efeso 2:8

08/10/2022

Sila'y magiging mga taksil, pabaya, mayabang, mahilig sa kalayawan at walang pag-ibig sa Diyos. 5 Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.
2Timoteo 3:4-5

01/10/2022

Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos. 12 Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila manalig at maligtas.
Lucas 8:11-12

30/09/2022

Ang masayang ngiti sa puso ay kasiyahan,

at ang mabuting balita ay may dulot na kalusugan.
Kawikaan 15:30

28/09/2022

“Huwag kayong matakot,” sabi ni Samuel. “Kahit malaki ang pagkakasala ninyo kay Yahweh, huwag kayong lalayo sa kanya. Ang kailangan ay paglingkuran ninyo siya nang buong puso. Huwag ninyo siyang tatalikuran.
1 Samuel 12:20

Address

Zone 6, Binitayan
Malilipot
4510

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YASIM GHTA Malilipot posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to YASIM GHTA Malilipot:

Share

Category