22/03/2026
Eid Mubarak! 🌙✨
TaqabbalAllahu minna wa minkum — nawa’y tanggapin ni Allah ang ating mga panalangin at sakripisyo. 🤍
Alhamdulillah, sa ikatlong pagkakataon ay nakapagdasal na tayo sa ating kasalukuyang ginagawang masjid. Isa itong malaking biyaya at paalala ng tuloy-tuloy na awa at gabay ni Allah sa atin.
Sa mga kapatid natin na may bukas na puso para sa sadaqah, kami po ay patuloy na kumakatok sa inyong kabutihang-loob. Kung kayo man ay may maibabahagi—maliit man o malaki—malaking tulong po ito sa pagpapatuloy at pagtatapos ng ating masjid.
Patuloy po tayong magtulungan para sa isang layunin na magbibigay ng kabutihan hindi lang sa atin, kundi pati sa susunod na henerasyon, in shaa Allah.
Jazakumullahu khairan 🤲