Parokya ng San Gabriel Arkanghel - Malaya, Pililla, Rizal

Parokya ng San Gabriel Arkanghel - Malaya, Pililla, Rizal Ang Parokya ng San Gabriel Arkanghel ay naitatag noong ika-20 ng Setyembre, 1996. Parish Priest: Rev. Fr. Jose Miguel Hernan C. Tan
(1)

"๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’Ž๐’” ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’”๐’–๐’“๐’“๐’๐’–๐’๐’… ๐’–๐’”, ๐’ƒ๐’–๐’• ๐‘ฎ๐’๐’…'๐’” ๐’๐’๐’—๐’† ๐’Š๐’” ๐’ˆ๐’“๐’†๐’‚๐’•๐’†๐’“ ๐’•๐’‰๐’‚๐’ ๐’†๐’—๐’†๐’“๐’š ๐’”๐’•๐’๐’“๐’Ž." To everyone affected by the recent severe weather ...
10/08/2026

"๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’Ž๐’” ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’”๐’–๐’“๐’“๐’๐’–๐’๐’… ๐’–๐’”, ๐’ƒ๐’–๐’• ๐‘ฎ๐’๐’…'๐’” ๐’๐’๐’—๐’† ๐’Š๐’” ๐’ˆ๐’“๐’†๐’‚๐’•๐’†๐’“ ๐’•๐’‰๐’‚๐’ ๐’†๐’—๐’†๐’“๐’š ๐’”๐’•๐’๐’“๐’Ž."

To everyone affected by the recent severe weather across the Diocese of Antipolo: You are not alone.

โ€‹The Church stands with you through prayer, emergency response, and relief assistance. Our parishes and the Antipolo Social Action Center are open and ready to extend Christโ€™s mercy, compassion, and presence to all.

โ€‹Let us help one another, share what we can, check on our neighbors, and pray for our rescuers and communities.

โ€‹May our mother, Our Lady of Peace and Good Voyage, keep every Filipino family safe.

๐’๐€๐ˆ๐๐“ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹ ๐“๐‡๐„ ๐€๐‘๐‚๐‡๐€๐๐†๐„๐‹ ๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ @ ๐Ÿ‘๐ŸŽBilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-30 Anibersaryo ng Parokya ng San Gabriel Arka...
06/08/2026

๐’๐€๐ˆ๐๐“ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹ ๐“๐‡๐„ ๐€๐‘๐‚๐‡๐€๐๐†๐„๐‹ ๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ @ ๐Ÿ‘๐ŸŽ

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-30 Anibersaryo ng Parokya ng San Gabriel Arkanghel, inaanyayahan namin ang bawat isa na maging kabahagi ng ating Fun Run 2026 at suportahan ang ating Official Anniversary Tote Bag.

๐™๐™–๐™ ๐™—๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™–. ๐™๐™–๐™ ๐™—๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–. ๐™๐™–๐™ ๐™—๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ค๐™ ๐™ฎ๐™–!

Sa bawat hakbang at sa bawat tote bag na inyong mabibili, kayo ay nagiging katuwang sa patuloy na misyon ng ating parokya sa paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan.

Sama-sama nating ipagdiwang ang tatlong dekada ng biyaya at pag-asa. Maging bahagi ng makasaysayang pagdiriwang na ito!

30 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ก๐™–. 30 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™–. 30 ๐™๐™–๐™ค๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™– ๐™จ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก.



๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—œ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ขgyo.Amang Ma...
06/08/2026

๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ง๐—” ๐—œ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ฅ๐˜บ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ขgyo.

Amang Makapangyarihan, itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.

Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog naming gawin Mo kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus na aming Panginoon, kaisa ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

San Gabriel Arkanghel, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช!

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐‘๐ˆ๐„๐’๐“ ๐ƒ๐€๐˜ ๐…๐‘. ๐Œ๐ˆ๐†๐”๐„๐‹!  Buong pusong nagpapasalamat ang ating pamayanang parokyal sa iyong tapat na paglilingkod, ...
02/08/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐‘๐ˆ๐„๐’๐“ ๐ƒ๐€๐˜ ๐…๐‘. ๐Œ๐ˆ๐†๐”๐„๐‹!

Buong pusong nagpapasalamat ang ating pamayanang parokyal sa iyong tapat na paglilingkod, paggabay, at pagmamahal bilang ating pari.

Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at kagalakan sa iyong bokasyon. Dalangin namin na lalo pang pag-alabin ng Espiritu Santo ang iyong puso sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Maraming salamat, Fr. Miguel, sa iyong walang sawang pagsisilbi at pagiging instrumento ng pag-ibig at habag ng Diyos.


๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฎNarito na sa Dambana ni Sta. Maria Magdalena ang ating patron,...
31/07/2026

๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฎ

Narito na sa Dambana ni Sta. Maria Magdalena ang ating patron, San Gabriel Arkanghel, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pistang Panapos para sa karangalan ni Sta. Maria Magdalena.



31/07/2026
๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™Ž | July 31, 2026Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pistang Panapos ni Santa Maria Magdalena, buong kagala...
29/07/2026

๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™‹๐™Š๐™Ž | July 31, 2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pistang Panapos ni Santa Maria Magdalena, buong kagalakang nakikiisa ang Parokya ng San Gabriel Arkanghel sa sambayanang mananampalataya sa pagbibigay-pugay sa buhay ng banal na naging huwaran ng taos-pusong pagsisisi, tapat na pagmamahal, at matatag na pananampalataya kay Kristo.

Nawa'y ang halimbawa ni Santa Maria Magdalena ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang patuloy na magbalik-loob sa Diyos, maging tapat sa Kanyang pagtawag, at maging mga saksi ng Kanyang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng ating buhay at paglilingkod.



๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐“๐‘๐Ž๐ ๐’๐€๐ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹ ๐€๐‘๐Š๐€๐๐†๐‡๐„๐‹ Sa pagdiriwang ng Araw ng Debosyon sa ating Mahal na Patron, S...
28/07/2026

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐“๐‘๐Ž๐ ๐’๐€๐ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹ ๐€๐‘๐Š๐€๐๐†๐‡๐„๐‹

Sa pagdiriwang ng Araw ng Debosyon sa ating Mahal na Patron, San Gabriel Arkanghel, muli nating sariwain ang kanyang dakilang misyon bilang tagapaghatid ng Mabuting Balita at tapat na lingkod ng Diyos.

Ang tunay na debosyon kay San Gabriel Arkanghel ay hindi lamang nasusukat sa ating mga panalangin at pagdalo sa mga pagdiriwang. Ito ay naipapakita sa ating araw-araw na pagtugon sa tawag ng Diyos, tulad ng kanyang naging tapat na paglilingkod bilang tagapaghatid ng Mabuting Balita.

๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก, aming mahal na patron, Ipanalangin mo Kami.



24/07/2026
๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐Œ๐€๐†๐ƒ๐€๐‹๐„๐๐€!Ngayong ika-22 ng Hulyo, buong galak nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapi...
22/07/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐Œ๐€๐†๐ƒ๐€๐‹๐„๐๐€!

Ngayong ika-22 ng Hulyo, buong galak nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni Santa Maria Magdalena, ang Ina at Patrona ng Pililla. Siya ang tapat na alagad ni Hesukristo na unang nakasaksi sa Kanyang maluwalhating muling pagkabuhay at inatasang maghatid ng Mabuting Balita sa mga Apostol. Dahil dito, kinikilala siya ng Simbahan bilang โ€œApostol sa mga Apostol,โ€ isang natatanging karangalang sumasagisag sa kanyang matatag na pananampalataya, wagas na pag-ibig, at ganap na katapatan sa Panginoon.

Sa ating masayang pagdiriwang ngayong araw, nawaโ€™y magsilbing huwaran sa bawat isa sa atin si Santa Maria Magdalenaโ€”sa kanyang walang pag-aalinlangang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sa kanyang matibay na pananampalataya sa gitna ng pagsubok, at sa kanyang masigasig na pagpapahayag ng Mabuting Balita. Nawaโ€™y maging inspirasyon ang kanyang halimbawa upang lalo nating mahalin, paglingkuran, at sundan si Hesukristo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa lahat ng mga mananampalataya, deboto, at mga nakikiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Santa Maria Magdalena, taos-puso kaming bumabati sa inyo ng isang mapagpala at makabuluhang kapistahan. Nawaโ€™y patuloy tayong ipanalangin ng ating Mahal na Patrona tungo sa mas matatag na pananampalataya, higit na pag-asa, at wagas na pag-ibig sa Diyos.

๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™–!
๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐˜ผ๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก๐™– ๐˜ผ๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก๐™ค๐™ง๐™ช๐™ข!
๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐™„๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ก๐™ก๐™–!

Address

JP Rizal Street Malaya
Malaya
1910

Opening Hours

Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 4pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng San Gabriel Arkanghel - Malaya, Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share