09/02/2024
"Lord, kaya pala."
Kaya pala hindi nangyari yung gusto kong mangyari sa buhay ko, kasi alam Mong ikapapahamak ko ito.
Kaya pala inalis mo siya, kasi may ipapalit kang mas better pa.
Kaya pala hindi ko nakuha yung gusto ko, kasi mas the best yung gusto Mo.
Kaya pala dumadaan ako sa proseso, kasi gusto Mong maging handa ako.
Kaya pala ang tindi ng mga pagsubok, kasi napakatindi ng gagawin Mo sa buhay ko.
Kaya pala pinahintulutan Mong mabasag ang puso ko, para mabuo at makumpleto Mo ito.
Kaya pala hindi nangyari yung plano ko, kasi mas the best yung plano Mo.
Hindi ko 'man alam ang maaari pang pwedeng mangyari sa buhay ko, pero alam ko Lord, sasamahan Mo ako. Makakaya ko, kasi kaya Mo.
-- Whatever situation that you are in right now, tandaan mong may "purpose" si Lord. 'Wag kang bibitaw, 'wag kang susuko. I know that someday, matatapos ka sa season na 'yan, at masasabi mong "Lord, kaya pala..."
Magtiwala ka lang. Sumampalataya ka lang. I-surrender mo lang lahat kay Jesus. The battle belongs to Him! Sa pagsuko sa Kanya, hindi ka matatalo pero ikaw pa ang mananalo.
Sabi nga sa Roma 8:28...
"Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa Ang Diyos para sa mabuti Kasama Ang mga nagmamahal sa kan-ya, Silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.'