Legion of Mary - Mary Immaculate Curia

Legion of Mary - Mary Immaculate Curia Halina kay Hesus sa Legion ni Maria! Maligayang pagdating sa Official page ng Legion of Mary - Mary Immaculate Curia - Malabon City.

26/08/2026

139th Wednesday Family Rosary from Mary Help of Christians Parish - Diocese of Kalookan

๐ŸŸฅ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜ | Agosto 24, 2026โ€ข TALAMBUHAY:Nakita ni Hesus si Nataniel na lumalapit sa kaniya at...
24/08/2026

๐ŸŸฅ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜ | Agosto 24, 2026

โ€ข TALAMBUHAY:
Nakita ni Hesus si Nataniel na lumalapit sa kaniya at sinabi, โ€œNarito ang isang tunay na Israelita na sa kaniyaโ€™y walang pagkukunwari.โ€ Nagtanong si Nataniel, โ€œSaan mo ako nakilala?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œBago ka tawagin ni Felipe, nakita kita noong ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.โ€ Sabi ni Nataniel, โ€œMaestro, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œDahil sa sinabi ko sa iyo na ikaw ay nakita ko sa ilalim ng puno ng igos, sumampalataya ka; mga bagay na lalong dakila pa rito ang makikita mo. Tunay na tunay kong sinasabi sa inyo, sa inyoโ€™y makikitang bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na pumapanhik sa Anak ng Tao.โ€ (Jn 1:47-51)

Ipinalalagay ng maraming dalubhasa na ang taong pinuri ni Hesus ay ang Apostol na si Bartolome na taga-Cana sa Galilea. Dahil sa kaniyang wagas na pagmamahal sa Panginoon, nilakbay niya ang lupain ng India, Arabia, Libya, at iba pang lupain upang ipangaral si Cristo at ipahayag ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ipinapatay siya sa utos ni Haring Astayages; si San Bartolome ay tinanggalan muna ng balat bago pinapugutan ng ulo.

APOSTOL SAN BARTOLOME,
ipanalangin mo kami!

โ€ข PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan, gawin mong matibay ang aming pananampalataya na nag-ugnay kay Apostol San Bartolome sa buklod ng hindi magdarayang pakikipag-ugnayan ng Apostol na ito sa iyong Anak. Bilang tugon sa kaniyang pagdalangin, ang sambayanan Mo nawaโ€™y maging pananda ng Iyong pagliligtas sa lahat ng bansa sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. ๐Ÿ™๐Ÿป

โ€ข โ€ข โ€ข

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ | Matagumpay na naisagawa ang buwanang pagpupulong ng Mary Immaculate Curia ngayong buwan ng Agosto. โœจ๐Ÿ™๐ŸปDina...
23/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ | Matagumpay na naisagawa ang buwanang pagpupulong ng Mary Immaculate Curia ngayong buwan ng Agosto. โœจ๐Ÿ™๐Ÿป

Dinaluhan ang pulong ng mga pinuno ng ating mga praesidia, kasama ang ating Spiritual Director, Rdo. Padre Mariano "Jun" Bartolome Jr.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ating paghayo na noon pa man ay gawain na ng mga Lehiyonaryo na nakabatay sa banal na babasahin ngayong araw: Kabanata 40: HUMAYO KAYO AT IPANGARAL ANG EBANGHELYO SA LAHAT NG TAO, Blg. 2: Ang Legion ay Dapat Tumungo sa bawat Kaluluwa. Ang lahat ay patuloy niyang inaanyayahan na umalalay at umagapay sa pagpapalakas at pagtataguyod ng mga BEC sa ating mga Parokya.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakibahagi, at nag-alay ng panalangin at tapat na paglilingkod. Nawaโ€™y patuloy tayong pagpalain, gabayan, at palakasin ng Panginoon sa ating paglalakbay ng pananampalataya. ๐Ÿค

Ave Maria! โœจ

โ€ข โ€ข โ€ข

โฌœ๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”-๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” | Agosto 22, 2026Itinatag ng Kagalang-galang (Venerable) Papa Pio XI...
21/08/2026

โฌœ๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”-๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” |
Agosto 22, 2026

Itinatag ng Kagalang-galang (Venerable) Papa Pio XII ang kapistahang ito noong 1954. Ngunit ang pagiging reyna ni Maria ay nag-ugat sa Banal Kasulatan. Sa Pagpapahayag, ipinahayag ni Gabriel na ang isisilang ni Maria ang siyang maluluklok sa trono ni David at maghahari magpakailanman. Sa Pagdalaw, tinawag ni Elisabeth si Maria na "ina ng aking Panginoon." Tulad ng lahat ng misteryo ng buhay ni Maria, si Maria ay malapit na nakaugnay kay Hesus: Ang kanyang pagiging reyna ay bahagi ng paghahari ni Hesus. Magugunita rin na sa Matandang Tipan, ang ina ng hari ay may malaking impluwensya sa hukuman.

Iminumungkahi ni Papa Pio XII sa kanyang liham ensiklikal Ad Coeli Reginam, hinggil sa doktrina sa Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Maria, at nagtatadhanang itatag ang kapistahang ito para sa buong Simbahang Katolika.

Ang kapistahang ito ay isang lohikal na kasunod ng sa Pag-aakyat sa Langit at ngayon ay ipinagdiriwang sa araw ng oktaba (ikawalong araw) ng dakilang kapistahang iyon. Sa kanyang liham ensiklikal Ad Coeli Reginam, itinuro ng Kagalang-galang (Venerable) na Papa Pio XII na si Maria ay karapat-dapat sa taguring ito dahil siya ay ang Ina ng Diyos, dahil siya ay malapit na naiuugnay bilang Bagong Eba sa gawain ng pagtubos ni Hesus, dahil sa kanyang pinakamataas na pagiging ganap ang kanyang pagsunod at pananatilli sa kanya. Kaya, bilang Reyna, nagbibigay-kapangyarihan ang mga merito ni Maria na ilapit ang sinuman kay Hesus.

Noong ikaapat na dantaon, tinawag ni San Efren si Maria bilang "Ina" at "Reyna", at ang mga Ama at mga Pantas ng Simbahan ay patuloy na gumamit ng taguring ito. Ang mga awit o himno sa ika-11 hanggang sa ika-13 dantaon ay tumatawag kay Maria bilang reyna: โ€œAba, Banal na Reyna,โ€ โ€œAba, Reyna ng Langit,โ€ โ€œReyna ng Langit.โ€ Ang rosaryong Dominikano at ang koronang Pransiskano, gayundin ang maraming panawagan at taguri sa litanya ng Mahal na Birheng Maria, ay nagbibigay-diin at ipinagdiriwang ang kanyang pagka-reyna.

Sinabi ni Beato Papa Pio IX tungkol sa pagiging reyna ni Maria: "Ibinaling sa atin ang kanyang maka-inang puso at pakikitungo sa kapakanan ng ating kaligtasan, siya ay nagmamalasakit sa buong sangkatauhan. Binuo siya ng Panginoong na nagtanghal sa kanya bilang Reyna ng langit at lupa, at itinaas sa lahat ng mga koro ng mga anghel, at ang hanay ng mga banal sa langit, na nakatayo sa kanang kamay ng kanyang Bugtong na Anak, ang ating Panginoong Hesukristo; siya ay nagsusumamo nang pinakamakapangyarihan sa kanyang mga panalangin bilang Ina, at natamo niya ang kanyang hinahanap."

At idinagdag ng Kagalang-galang (Venerable) Papa Pio XII ang mga sumusunod: "Pinupuri namin na sa pagdiriwang ay muling italaga ang pagtatalaga ng sangkatauhan sa Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birheng Maria. Dito ay itinatag ang isang malaking pag-asa na may magalak sa tagumpay ng relihiyon at sa kapayapaang Kristiyano.

Kaya't lumapit ang lahat nang may higit na pagtitiwala ngayon kaysa noon, sa luklukan ng awa at biyaya ng ating Reyna at Ina upang humingi ng tulong sa kahirapan, liwanag sa dilim at aliw sa suliranin at kalungkutan...

Sinuman, kung gayon, ay nagpaparangal sa babaeng pinuno ng mga anghel at ng mga tao - at huwag isipin ng sinuman ang kanilang sarili na hindi makababayad ng parangal na iyon ng isang nagpapasalamat at mapagmahal na kaluluwa - tawagin nila siya bilang tunay na Reyna at bilang Reyna na nagdadala ng mga pagpapala ng kapayapaan, upang ipakita niya sa ating lahat, pagkatapos ng buhay na ito, si Hesus, na siyang magiging ating walang hanggang kapayapaan at kagalakan."

โ€ข PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan,
ginawa mong aming maging Ina at Reyna
ang nagsilang sa iyong Anak.
Ipagkaloob mong kaming
lubos niyang idinadalangin
ay makarating nang maluwalhati
sa iyong paghahari sa iyong mga supling
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. ๐Ÿ™๐Ÿป

โ€ข โ€ข โ€ข

21/08/2026

๐ˆ๐๐•๐ˆ๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐ŸŒŸ| ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—˜ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—ก ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ฃ

The Senatus of Northern Philippines invites you to ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ this Saturday, August 22, 2026. It will be held at Our Lady's Home from 9:00am to 12nn.

๐™Ž๐™š๐™š ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™ฉ๐™ค๐™ข๐™ค๐™ง๐™ง๐™ค๐™ฌ!๐Ÿฉต

๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” | Miyerkoles na Pagdedebosyon sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†...
19/08/2026

๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” | Miyerkoles na Pagdedebosyon sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐‹๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐Š๐‹๐Ž๐‹๐Ž
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina.
Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito...

(๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป)

Noong ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak.
Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang mahiwagang kalooban.
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin.
Pinakamamahal na Ina bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin.
Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa Kanyang muling pagkabuhay.
Pinakamamahal na Ina habang kamiโ€™y nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila.
Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon, mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga maysakit at sa mga malapit nang
sumakabilang buhay, makapagbigay ng pag-asa sa mga dukha at walang hanapbuhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, makiisa sa pagkilos ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanilaโ€™y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga
nagkasala sa kanya.
Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't isa.
Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasa sa Iyong mapagmalasakit na panalangin.
Amen.

๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ฎ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

โ€ข โ€ข โ€ข

๐Ÿ“ฐ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—จ๐—  ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | August 2026Allocutio | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ17 August 2026Fr. Paul Churchill, Concilium S...
19/08/2026

๐Ÿ“ฐ๐—–๐—ข๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—จ๐—  ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | August 2026
Allocutio | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ
17 August 2026
Fr. Paul Churchill, Concilium Spiritual Director

โ€œMaryโ€™s role here is not to be exaggerated, e.g. elevated to the divine, or seen as supplanting God. No, she remains a creature, hence finite. She is always among the redeemed, the most redeemed, thus grateful to God for his mercies. But in heaven with God she lives in total accord with God and his will. Every grace that comes from her to us comes to us from Godโ€™s treasury of Grace because God wants it so. God is happy to do this since he knows that Mary, beside him in heaven, will do her work of dispensing grace to perfection.โ€

Read More here: https://legionofmary.ie/news/article/august-allocutio-2026

โ€ข โ€ข โ€ข

The Assumption and its consequenceFr. Paul Churchill, Concilium Spiritual Director The Dogma of the Assumption (1950) carries with it implications worth considering. Mary is taken body and soulโ€ฆ

16/08/2026

BANAL NA MISA | Dakilang Kapistahan ni San Roque de Kalookan | Agosto 16, 2026

Mass Presider: +Pablo Virgilio S. Cardinal David, D.D.

โฌœ๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฅ๐—ข๐—ค๐—จ๐—˜, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š | ๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ | Agosto 16, 2026โ€ข TALAMBUHAY Si San ...
16/08/2026

โฌœ๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฅ๐—ข๐—ค๐—จ๐—˜, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š | ๐˜—๐˜ข๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ | Agosto 16, 2026

โ€ข TALAMBUHAY
Si San Roque ay anak ng Gobernador sa Montpellier sa Pransya. Mula pa man ng isilang marami nang nag-aakala na magiging santo siya sapagkat ipinanganak siyang may balat na tila krus sa kanyang dibdib. Iniwan niya ang marangyang buhay sa Pransya, ibinigay ang kanyang mga ari-arian sa mga dukha at nagtungo sa Roma. Doon siya naglingkod sa mga biktima ng peste. Marami ang gumaling dahil sa kanyang pagkukrus sa kanila. Dumating ang pagkakataon na nahawa na rin siya ng sakit. Kaya nagtungo siya sa gubat at sa isang yungib tumira. Doon ay inalagaan siya ng isang a*o na palaging nililinis ang kanyang mga sugat sa pamamagitan ng pagdila sa mga ito. Napagbintangan naman si San Roque na erehe nang siya'y matagpuan sa gubat kaya siya'y ikinulong nila. Sa bilangguan inalagaan niya ang mga kasamahang bilango bilang kanyang banal na tungkulin noong nasa piling nila.

โ€ข PANALANGIN KAY SAN ROQUE
O, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.

Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Jesucristong Panginoon namin. Siya nawa.

San Roque, Pintakasi ng mga Maysakit at Patron ng Diyosesis ng Kalookan,
Ipanalangin mo kami! ๐Ÿ™๐Ÿป

VIVA, SAN ROQUE!
MABUHAY ANG DAKILANG PATRON NG DIYOSESIS NG KALOOKAN!

โ€ข โ€ข โ€ข

15/08/2026

Address

Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Legion of Mary - Mary Immaculate Curia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Legion of Mary - Mary Immaculate Curia:

Shortcuts

Share