27/08/2026
May mga bagay na inalis, kinuha, at pinadaan tayo ng Diyos sa panahon ng pagkawala. Pero ang pagkawala ay hindi nangangahulugang katapusan.
Dahil ang Diyos na nagbigay ay Siya ring may karapatang bumawi—at Siya rin ang Diyos na kayang magbalik nang higit pa.
Hindi lang bagay ang nais ibalik ng Diyos. Gusto Niya ring ibalik ang ating puso, pananampalataya, at pagtitiwala sa Kanya🙌
Kapag ang Diyos ang sentro, matututunan nating tanggapin ang Kanyang kalooban, alagaan ang ipinagkatiwala Niya, at higit sa lahat magtiwala kahit hindi natin naiintindihan.
Kung may nawala man, huwag mong isipin na tapos na. DAHIL HINDI PA TAPOS ANG DIYOS SAYO🫵❤️🔥
See you next REV UP WEDNESDAY!
COG FAMILY🏡