31/05/2026
PAKIKIISA | PASASALAMAT | MAY FLOWER DEVOTION 2026 l MAYO 31, 2026
Buong pusong nakiisa ang mga bata ng Pamayanan ng Nuestra Señora dela Paz 'y Buenviaje Chapel sa pagdiriwang ng Huling Araw ng May Flower Devotion nitong Mayo 31, 2026, kasama ang mga kabataan mula sa iba't ibang pamayanan ng ating Parokya ng Kalinis-linisang Puso ni Maria at ilang mga pinuno ng mga samahang pang-parokya.
Tunay ngang "Araw-araw kay Maria kami ay nagdarasal, si Maria aming Reyna, ibig naming marangal," sapagkat sa pamamagitan ng ating panalangin, pag-aalay ng bulaklak at pakikiisa bilang isang pamayanang Kristiyano, ating pinararangalan ang Mahal na Birheng Maria at pinapalalim ang ating pananampalataya kay Hesus.
Mahal na Birheng Maria, patuloy mo kaming akayin sa iyong Anak at pag-alabin ang aming puso sa pananampalataya, pag-asa at pagmamahal sa Diyos araw-araw.
Birheng Maria, ipanalangin mo kami.
Amen.