24/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฅ๐๏ธ
Ngayong Linggo, ipinagdiriwang ng sambayanang Kristiyano ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, kung saan nanaog ang Diyos Espiritu Santo sa Mahal na Birheng Maria at sa mga Apostol ni Hesus. Ito ang naging tanda ng pagsilang ng Simbahang Katolika at ng misyon ng bawat mananampalataya na mangaral at magmahal.
Sampung araw matapos umakyat sa Langit si Hesukristo, nanaog ang Espiritu Santo sa mga Apostol at sa Mahal na Birheng Maria. Isang malakas na hangin ang pumuno sa bahay na kanilang kinaroroonan, at may mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. Agad silang napuspos ng Espiritu Santo. Nagsimula silang magsalita sa ibaโt ibang wika, nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng Kanyang mga kamangha-manghang gawa. Dito nagsimula ang kanilang Apostolikong Misyon, ang pagpapalaganp ng Mabuting Balita at paggawa ng mga alagad mula sa lahat ng bansa. Ang mga alagad na dating puno ng takot at pangamba ay napuspos ng pusong nag-aalab sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.
Tulad ng mga Apostol, nawaโy huwag tayong mangamba sa pagharap sa mga hamon ng buhay, sapagkat ang Diyos na lumilikha ay hindi tayo kailanman iniiwan. Siya ay laging kasama natin at nananahan sa ating mga puso. Nawaโy maging buhay tayong mga saksi ng Mabuting Balita, habang patuloy tayong nagtuturo, nananalangin, at tumutulong sa kapwa, na si Kristo na tumubos ang maging sentro ng ating buhay. At nawaโy muling mag-alab ang ating mga puso na puno ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, habang ating dinadama ang presensya ng Espiritu Santo na nagbibigay-buhay at gumagabay sa araw-araw nating buhay.
"๐ช๐๐๐, ๐ฏ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐, ๐ณ๐๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐๐ ๐ญ๐๐๐!" ๐ฅ๐๏ธ