29/09/2026
Wais Ngani
Mga Kawikaan 14:8
Nalalaman ng matalino ang kanyang ginagawa, ngunit ang mangmang ay inaakay ng mali niyang unawa.
Maraming tao ang magaling magsimula at may kakayahang magtagumpay sa kanilang goals. They start out well, but not everyone ended well. Bakit kaya? Maaaring hindi nila napaghandaan ang mga pitfalls, roadblocks, at hindrances na maaaring makita sa kanilang paglalakbay.
Sabi ng Bible, ang taong wise ay marunong tumingin sa hinaharap at handang harapin ang reality ng buhay. Habang gumagawa tayo ng future plans, kailangan nating maging aware sa mga possible obstacles. We are always expecting the endpoint, but we often forget to pray for the journey it will take.
Santiago 1:5
“Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. ”
The wise person looks ahead not because he knows everything will happen, but because he trusts the God who already knows the future. Tulad ng mga nakasanayan na kultura, mga pagdududa, mga nakakatuksong pamamaraan, at maging ang mga pagkaantala.
Ayaw natin ang maghintay. Gusto natin ang mabilis na kaganapan ng ating mga plans. Ganunman, kasamang ginagamit ng Lord ang delays for us to be more prepared .
Wisdom is not only to prepare for a better plan in the future. But also to foresee what obstacles might lie ahead.