St. Jude Thaddeus Mission Station - Diocese of Kalookan

St. Jude Thaddeus Mission Station - Diocese of Kalookan The Official page of St. Jude Thaddeus Mission Station - Diocese of Kalookan.

โ€œ๐’๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐š๐›๐š๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง!๐€๐ญ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐š๐ค๐จโ€™๐ฒ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ก๐ข.โ€๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ...
14/08/2026

โ€œ๐’๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐ง๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐ข๐ฒ๐š ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐š๐›๐š๐ง๐  ๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง!
๐€๐ญ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐š๐ค๐จโ€™๐ฒ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ก๐ข.โ€

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ค๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ง๐ ๐ข๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š

MGA PAGBASA

UNANG PAGBASA
Pahayag 11:19a; 12, 1-6. 10ab

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.

Kasunod nitoโ€™y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niyaโ€™y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kayaโ€™t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.

Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Itoโ€™y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling itoโ€™y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, โ€œDumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 44

Nasa kanan mo ang reyna,
maningning sa gintoโ€™t ganda.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15:20-27

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, si Kristoโ€™y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman, dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isaโ€™y sa kanya-kanyang takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari. Sapagkat si Kristoโ€™y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: โ€œAng lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.โ€

MABUTING BALITA
Lucas 1:39-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Mariaโ€™y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, โ€œPinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!โ€

At sinabi ni Maria,
โ€œAng puso koโ€™y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, akoโ€™y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan โ€”
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng saliโ€™t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!โ€
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐‘ฏ๐’–๐’˜๐’†๐’ƒ๐’†๐’”, ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’…๐’†๐’…๐’†๐’ƒ๐’๐’”๐’š๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’š ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’–๐’…๐’‚๐’” ๐‘ป๐’‚๐’…๐’†๐’.Nobena | 6:30 N.GBanal na Misa | 7:00 N.GPanalangin kay San Judas Tad...
06/08/2026

๐‘ฏ๐’–๐’˜๐’†๐’ƒ๐’†๐’”, ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’…๐’†๐’…๐’†๐’ƒ๐’๐’”๐’š๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’š ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’–๐’…๐’‚๐’” ๐‘ป๐’‚๐’…๐’†๐’.

Nobena | 6:30 N.G
Banal na Misa | 7:00 N.G

Panalangin kay San Judas Tadeo

O dakilang Apostol na kinamtan mo sa Diyos ang kapangyarihang matulungan ang lahat ng nasa gipit na
pangangailangan at tumatawag sa iyo; huwag mong pabayaan sa iyo'y napatutulong.
Marami ang panganib na kinalalagyan ko araw-araw.
Huwang mong pabayaan akong mag-isa sa aking mga pangangailangan kundi laging tulungan mo ako upang sa pamamatnubay mo'y sundan ko ang iyong mga gawang kabanalan at paglingkuran ko si Hesus sa pamamagitan ng isang matiising pamumuhay at walang bahid ng sala.
Sa ganito'y matitiyak kong ako'y nasa mabuting daan at isang araw ay matatamasa ko ang pakikisama sa iyo, O pintakasi ko magpakailanman. Amen.

San Judas Tadeo, Ipanalangin mo kami.

โ€œ๐ˆ๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐จ๐ง๐  ๐€๐ง๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฅ๐ฎ๐›๐จ๐ฌ ๐ค๐จ๐ง๐  ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐š๐ง. ๐๐š๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š!โ€๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ...
05/08/2026

โ€œ๐ˆ๐ญ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ค๐จ๐ง๐  ๐€๐ง๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฅ๐ฎ๐›๐จ๐ฌ ๐ค๐จ๐ง๐  ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐š๐ง. ๐๐š๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐š๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š!โ€

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ | ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ก.๐—š

Mga Pagbasa

UNANG PAGBASA
Daniel 7:9-10. 13-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Habang akoโ€™y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niyaโ€™y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanyaโ€™y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat. Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96

Panginooโ€™y maghahari,
lakas nโ€™yaโ€™y mananatili.

IKALAWANG PAGBASA
2 Pedro 1, 16-19

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa muling pagparito ng ating Panginoong Hesukristo, na puspos ng kapangyarihan, ay hindi sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan namin ang kanyang kadakilaan nang ipagkaloob sa kanya ng Diyos Ama ang karangalan at kapurihan. Itoโ€™y nangyari nang marinig ang tinig mula sa Dakilang Kaluwalhatian ng langit. โ€œIto ang pinakamamahal kong Anak; siya ang lubos kong kinalulugdan.โ€ Narinig namin ito sapagkat kamiโ€™y kasama niya sa banal na bundok.

Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makabubuting itoโ€™y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat ang nakakatulad nito ay isang ilaw sa karimlan na tumatanglaw sa inyo hanggang sa mamanaag ang Araw ng Panginoon at ang sinag ng tala ng umagaโ€™y maglagos sa inyong puso.

MABUTING BALITA
Mateo 17, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at silaโ€™y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang silaโ€™y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kayaโ€™t sinabi ni Pedro kay Hesus, โ€œPanginoon, mabuti paโ€™y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.โ€ Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula ritoโ€™y may tinig na nagsabi, โ€œIto ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!โ€ Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at silaโ€™y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo. โ€œTumindig kayo,โ€ sabi niya, โ€œhuwag kayong matakot.โ€ At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, โ€œHuwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hanggaโ€™t hindi muli nabubuhay ang Anak ng Tao.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t walong PamilyaPasasalamat sa Pamilya Vidal, ang ikatatlumpuโ€™t walong tahanan na tumanggap s...
05/08/2026

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t walong Pamilya

Pasasalamat sa Pamilya Vidal, ang ikatatlumpuโ€™t walong tahanan na tumanggap sa lmahen ng ating mahal na Patron, San Judas Tadeo noong Ika-23 ng Hulyo

Sa diwa ng pananampalataya at pasasalamat, nawa'y patuloy na dumaloy ang biyaya ng Diyos sa kanilang tahanan at sa buong pamayanan habang tayo'y naghahanda sa Ika-50 Anibersaryo ng ating Kapilya.

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ’ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‰๐”๐€๐ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐•๐ˆ๐€๐๐๐„๐˜๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—”๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฌAma naming mapagmahal at makapangyar...
04/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ’ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‰๐”๐€๐ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐•๐ˆ๐€๐๐๐„๐˜

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—”๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฌ

Ama naming mapagmahal at makapangyarihan, ipinagkaloob mo sa iyong Simbahan si San Juan Maria Vianney bilang huwaran ng kabanalan, kababaang-loob, at wagas na paglilingkod sa iyong bayan. Sa kanyang halimbawa ng taimtim na panalangin, tapat na pagpapastol, at walang sawang pagmamalasakit sa mga makasalanan, turuan mo rin kaming magmahal at maglingkod nang may busilak na puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesuskristo na aming Panginoon. Amen.

SAN JUAN MARIA VIANNEY, ipanalangin mo kami

Maligayang Pagbati ng Araw ng mga Pari sa ating mga Kaparian! Patuloy namin po kayong ipinagdarasal para sa inyong misyo...
02/08/2026

Maligayang Pagbati ng Araw ng mga Pari sa ating mga Kaparian!

Patuloy namin po kayong ipinagdarasal para sa inyong misyon.

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t pitong PamilyaPasasalamat sa Pamilya Babo, ang ikatatlumpuโ€™t pitong tahanan na tumanggap sa...
02/08/2026

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t pitong Pamilya

Pasasalamat sa Pamilya Babo, ang ikatatlumpuโ€™t pitong tahanan na tumanggap sa lmahen ng ating mahal na Patron, San Judas Tadeo noong Ika-16 ng Hulyo

Sa diwa ng pananampalataya at pasasalamat, nawa'y patuloy na dumaloy ang biyaya ng Diyos sa kanilang tahanan at sa buong pamayanan habang tayo'y naghahanda sa Ika-50 Anibersaryo ng ating Kapilya.

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t anim na PamilyaPasasalamat sa Pamilya Rana, ang ikatatlumpuโ€™t anim na tahanan na tumanggap ...
02/08/2026

Dalaw Patron | Ikatatlumpuโ€™t anim na Pamilya

Pasasalamat sa Pamilya Rana, ang ikatatlumpuโ€™t anim na tahanan na tumanggap sa lmahen ng ating mahal na Patron, San Judas Tadeo noong Ika-9 ng Hulyo

Sa diwa ng pananampalataya at pasasalamat, nawa'y patuloy na dumaloy ang biyaya ng Diyos sa kanilang tahanan at sa buong pamayanan habang tayo'y naghahanda sa Ika-50 Anibersaryo ng ating Kapilya.

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ– ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐˜š๐˜ต. ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜บ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š | ๐Ÿ–:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐.๐”Mga PagbasaU...
01/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ– ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
๐˜š๐˜ต. ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ ๐˜๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜บ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ

๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š | ๐Ÿ–:๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐.๐”

Mga Pagbasa

UNANG PAGBASA
Isaias 55:1-3

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
โ€œNarito ang tubig, mga nauuhaw.
Ang mga walang salapi ay
kumuha rito at bumili ng pagkain,
halikayo at bumili ng alak at gatas,
Bumili kayo, ngunit walang bayad.
Bakit ginugugol ang salapi
sa mga bagay na hindi nakabubusog?
Bakit inuubos ang pera
sa mga bagay na walang halaga?
Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko
at matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain.
Pumarito kayo,
kayo ay lumapit at akoโ€™y pakinggan,
makinig sa akin nang kayoโ€™y mabuhay;
akoโ€™y may gagawing walang hanggang tipan,
at ipalalasap sa inyo ang pagpapalang
ipinangako ko kay David.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144

Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8:35. 37-39

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, o ang tabak? Hindi! Ang lahat ng itoโ€™y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos โ€“ pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

MABUTING BALITA
Mateo 14:13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, siyaโ€™y sumakay sa isang bangka at nag-iisang pumunta sa isang ilang na lugar. Nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, silaโ€™y lumabas ng bayan at lakad na sumunod sa kanya. Paglunsad ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong yaon. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.

Nang dapit-hapon naโ€™y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, โ€œIlang ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. Papuntahin na po ninyo sa mga nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain.โ€ โ€œHindi na sila kailangang umalis pa,โ€ sabi ni Hesus. โ€œKayo ang magbigay sa kanila ng makakain.โ€ Sumagot sila, โ€œLilima po ang tinapay at dadalawa ang isda natin.โ€ โ€œDalhin ninyo rito,โ€ sabi niya. Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at silaโ€™y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ— | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐š, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง ๐‹๐š๐ณ๐š๐ซ๐จPanalangin kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro n...
28/07/2026

๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ— | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐š, ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง ๐‹๐š๐ณ๐š๐ซ๐จ

Panalangin kina Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro ng Betania

O Mapalad na Santa Marta, Sta Maria At San Lazaro ang inyong pananampalataya ang nagudyok upang ipahayag ni Hesus, "Ako ang muling pagkabuhay;" at pananampalataya rin ang umakay sa inyo upang kilalanin si Hesus hindi lang bilang isang tao nang inyong ipahayag, "Kayo po ang Anak ng Diyos, ang Mesias." Taglay ang matibay na pagasa, winika nyo, "nalalaman kong kahit ngayo'y ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya," at tinawag ni Hesus ang kapatid nyong si Lazaro mula sa mga patay. Taglay ang dalisay na pag-ibig kay Hesus, tinanggap nyo siya sa inyong tahanan.
Kaibigan at lingkod ng Panginoon, ako rin ay"naliligalig sa maraming bagay
(banggitin dito ang kahilingan),
Ipanalangin nyo ako upang ako ay lumago sa
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig upang si Hesus, na dumulog sa inyong hapag, ay makinig sa akin, at magkaloob ng isang lugar para sa akin sa piging ng buhay na walang hanggan. Amen.

Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro, ipanalangin po nโ€™yo kami.

Address

32 Tiangco Street, Barangay Ibaba
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Jude Thaddeus Mission Station - Diocese of Kalookan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Jude Thaddeus Mission Station - Diocese of Kalookan:

Shortcuts

Share