12/07/2026
Pag-asa para sa Kabataan, Misyon para sa Simbahan. π€
Lubos ang pagpapasalamat ng ating parokya sa mga kabataang naging kinatawan sa Alpha Youth Training na ginanap kahapon sa Mater Dei Building at Conference room ng Diocesan Shrine and Parish of Immaculate Conception.
Dalangin namin na ang mga natutunan at naranasan ninyo ay maging inspirasyon upang higit pang mapalalim ang inyong pananampalataya at paglilingkod. Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang pagkakataong maibahagi ang pagmamahal ni Kristo sa kapwa kabataan.
Buong pag-asa naming ipinapanalangin na, sa gabay ng Banal na Espiritu at sa tamang panahon, ay maisakatuparan ang Alpha Youth Series sa ating parokya upang mas marami pang kabataan ang mabigyan ng pagkakataong makilala si Hesus, mapalalim ang kanilang pananampalataya, at maging bahagi ng isang buhay na pamayanang Kristiyano.
Patuloy po nating ipanalangin ang misyong ito at ang bawat kabataang tinatawag ng Panginoon upang maging mga saksi ng Kanyang pag-ibig.
"Sapagkat ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan ng Simbahan, sila ay Simbahan ng kasalukuyan." ππ₯Ή
CTTO πΈ : Jhanna & VSBMYA Page π€