13/08/2026
π π©ππ₯π¦π π’π π§ππ πππ¬
Mark 4:39
βHe got up, rebuked the wind and said to the waves, βQuiet! Be still!β Then the wind died down and it was completely calm.β
Bawat isa sa atin ay dumaranas ng mga unos at bagyo sa buhayβliteral man o metaphorical. Maaari itong magdulot ng takot, pagkabalisa, at kawalan ng pag-asa. Ngunit may magandang paalala ang Salita ng Diyos. Gaya ng sinabi sa Mark 4:39, tumayo ang ating Panginoong Jesus, sinaway ang hangin at sinabi sa mga alon, βQuiet! Be still!β At biglang kumalma ang lahat.
Ipinapaalala nito sa atin na hindi sinabi ng Diyos na harapin mo ng mag isa ang bagyo, kundi Siya mismo ang tumayo upang pakalmahin ito. Normal lang matakot, mangamba, at mabalisa kapag tila napakalaki ng problema. Ngunit kung kaya nating tingnan ang malaking alon, matuto rin sana tayong tumingin sa ating mas malaking Diyosβisang Diyos na higit na makapangyarihan kaysa sa anumang problemang kinakaharap natin.
Kaya ngayon, kapatid, ano man ang pinagdaraanan mo at ano man ang bagyong sumusubok sa iyo, tandaan mong hindi ka nag-iisa. Ang Diyos na kasama mo sa pagpasok sa unos ay Siya ring Diyos na sasama, gagabay, at magbibigay sa iyo ng lakas habang tinatahak mo ang iyong paglabas dito.
Hindi man natin alam kung kailan matatapos ang bagyo, makapagtitiwala tayo sa Diyos na di niya tayo iiwan. Kaya manalig ka, kapatid. π
βThe storm may be bigger than you, but it will never be bigger than your God.βπ