12/04/2026
April 12 I Divine Mercy Sunday
Linggo ng Mabathalang Awa ng Diyos
KARAPAT-DAPAT NA MUNTING PANALANGIN SA IKA-TATLO NG HAPON
“Pumanaw Ka, Hesus, subali’t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa , para sa aming lahat , ako ay nananalig sa Iyo. “
“Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob.(3x)
Amen
“O Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo.”
“O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo.”
“O Hesus, Hari ng Awa, nawa’y ang buong mundo’y manalig sa’yo.” Amen.