20/08/2025
CHIBI NG PAG-ASA AT PANANALIG | Available Now!
Mapagpalang Araw!
Bilang isang gawain sa ating gaganapin na kapistahan ng Mahal na Patron na si Sta. Clara ng Assisi, ang Music Ministry mula sa aming Parokya ay bumuo ng isang Fundraising na naglalayong magpakilala, magtatag, at magpaunlad pa lalo ng pananampalatayang Katoliko sa ating komunidad, sa pamamagitan ng Chibi na naglalarawan at kumakatawan sa ating mahal na Patron na si Sta. Clara ng Assisi kasama ang matalik na kaibigan nitong Franciscano na si San Francisco ng Assisi.
Ito po ay nagkakahalaga ng 200 pesos, na ang kikitain ay malalaan sa patuloy na pagpapaayos ng ating simbahan na bato at pondo ng aming Ministeryo para sa mga Formation na aming gaganapin upang mapalalim pa lalo ang paglilingkod at pagiging instrumento, na hindi lamang ng aming mga miyembro kundi ng mga nais pa sumali sa pangkabuoan namin na Koro.
May kasama na pong Prayer Card ng bawat Santo ito. Para sa mga interesado at nais bumili, magpunta lamang po sa St. Clare of Assisi Parish, Maya-Maya St. Malabon City. tuwing Nobena Mass sa ganap na 6:00 ng hapon o lumapit sa mga sumusunod:
LMM Treasurer, Samantha Laguipo
LMM Secretary, Althea Acedera
Maraming Salamat po! Inaasahan po namin ang pagtangkilik at supporta ng bawat isa!