31/05/2026
โ๐๐ข๐ณ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ; ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข.โ
โ ๐๐ถ๐ค๐ข๐ด 1:38
Isang makulay, masaya, at puspos ng kabanalang pagdiriwang ang ating taunang Flores de Maria 2026. Sa bawat bulaklak na inialay, awiting inawit, at panalanging ipinagkaloob, muling nasilayan ang taos-pusong pagmamahal at debosyon ng sambayanan sa ating Mahal na Ina.
Lubos nating pinasasalamatan si Bb. Aina Denise T. Pagilagan sa kanyang napakagandang pagsasalarawan kay Maria. Higit pa sa kagandahan ng kanyang anyo, nasilayan natin ang larawan ng isang pusong mapagpakumbaba, masunurin, at lubos na nagtitiwala sa Diyos mga katangiang tunay na sumasalamin sa ating Mahal na Birhen.
Taos-puso rin ang ating pasasalamat kay Bro. Rey Lazaro Panem Jr. para sa payak, napakaganda at makabuluhang kasuotang kanyang inihanda, na lalo pang nagbigay-buhay sa paggunita sa katauhan ni Maria. Gayundin, maraming salamat kina Norielle Francisco at Anj Lara sa kanilang husay at dedikasyon sa hair and make-up na naging bahagi ng matagumpay na pagsasalarawan.
Ang aming taos-pusong pasasalamat ay iniaalay rin sa lahat ng mga miyembro ng Ministry of Lectors and Commentators na naglaan ng panahon, at suporta upang maging maayos, makahulugan, at matagumpay ang pagdiriwang na ito. Ang inyong pakikiisa ay patunay ng pagmamahal sa ating pananampalataya at debosyon sa Mahal na Ina.
Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo kay Maria, na sa kanyang buhay ay nagturo sa atin ng tunay na kababaang-loob, pagiging payak, at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Nawaโy hindi lamang manatili sa isang pagdiriwang ang ating pagpupugay sa kanya, kundi maging inspirasyon upang mas maunawaan natin ang kanyang mahalagang gampanin sa dakilang plano ng kaligtasan ang pagiging mapagkumbabang lingkod na naging daan upang ang Anak ng Diyos ay magkatawang-tao at manahan sa piling ng sangkatauhan.
โ๐๐ค ๐จ๐ค๐ฎ ๐ก๐ ๐๐ฃ๐ข๐๐๐ช๐ก๐๐๐ ๐พ๐ค๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐รณ๐ฃ.โ
Reynang Ipinaglihi na 'di Nagmana ng Salang Orihinal, ipanalangin mo kami.
Disclaimer: No copyright infringement intended. We do not own the audio used in this video. It belongs to the rightful owners.