Banal na Krus ng Dongan

Banal na Krus ng Dongan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Banal na Krus ng Dongan, Religious organisation, C. Arellano St. Brgy. Concepcion, Malabon.

~KRUS NG DONGAN~Makikita sa larawan ang dalawang imahen ng Banal na Krus, ang Una at ang Kasalukuyang Krus ng Dongan. Ku...
01/06/2026

~KRUS NG DONGAN~

Makikita sa larawan ang dalawang imahen ng Banal na Krus, ang Una at ang Kasalukuyang Krus ng Dongan. Kuhang larawan sa isinagawang Maringal na Prusisyon bilang pagtatapos ng Pistang Mayo sa karangalan ng Banal na Krus at Impong Maria bilang Reyna ng Flores.

Ang imahen ng Krus (nasa kaliwa) ay unang pinipintuho at dating nasa pangangalaga ng komunidad ng Dongan, na noo'y ipinagpipista at ginagamit sa sagalahan ng ating purok na sinisimulan sa malaking simbahan na siya na ring nagiging sagalahan sa Aglipay. Dumating ang ilang taon upang magkaroon ng Krus sa Simbahan, ito ay inihandog sa Mahal na Patrona Impong Maria. Sa paglipas ng ilang dekada ang Unang Krus ng Dongan na ngayon ay nasa pag-iingat ng Parish of La Purisima Concepcion de Malabon ay ipinagpipista tuwing ikatlong Linggo sa Buwan ng Mayo.

Ang imahen ng Krus (nasa kanan) ay ang kasalukuyang Krus na binibigyang parangal ng ating komunidad, sa pagbubukas at pagtatapos ng panahon ng Pistang Dongan tayo ay natitipon sa malaking simbahan bilang pagbibigay galang sa ating Mahal na Patrona Impong Maria. Ang kapistahan ng kasalukuyang Krus ay sa tuwing ikaapat na Linggo sa Buwan ng Mayo. Ito ay upang bigyang daan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Unang Krus na nasa Simbahang Aglipay ngayon.

Patuloy nawa tayong bigkisin ng ating pananampalataya sa kapangyarihan ng Panginoong Hesukristo sa ilalim ng bandila ng Banal na Krus na siyang simbolo ng Pag-ibig at Tagumpay laban sa kasamaan at kasalanan.


Banal na Krus ng Dongan sa Prusisyon ng Tapusan Ilang larawan sa isinagawang Maringal na Prusisyon, bilang pagtatapos ng...
01/06/2026

Banal na Krus ng Dongan sa Prusisyon ng Tapusan

Ilang larawan sa isinagawang Maringal na Prusisyon, bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Pistang Mayo 2026 sa Parokya ng La Purisima Concepcion de Malabon-Dambana ni Impong Maria.


31/05/2026

KRUS NI HESUS, SANDIGAN NG AMING PANANAMPALATAYA

Prusisyon ng Tapusan 2026


Karosa ng Mahal na Poong Sta. Cruz ng DonganNaihanda na ang Karosa na maglululan sa  Banal na Krus ng ating pamayanan, p...
31/05/2026

Karosa ng Mahal na Poong Sta. Cruz ng Dongan

Naihanda na ang Karosa na maglululan sa Banal na Krus ng ating pamayanan, para sa isasagawang Prusisyon ng Tapusan sa Karangalan ng Banal na Krus at Impong Maria sa Parokya ng La Purisima Concepcion de Malabon.


Purihin at Ipagdangal ang Krus na Banal! Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at sumama sa Mayo 31, 2026 sa isasagawang ...
30/05/2026

Purihin at Ipagdangal ang Krus na Banal!

Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at sumama sa Mayo 31, 2026 sa isasagawang Banal na Misa at Maringal na Prusisyon bilang pagtatapos ng Pistang Mayo 2026, sa Karangalan ng Banal na Krus ng Panginoon at Mahal na Patrona Impong Maria bilang Reyna ng Flores.

Ito po ay magsisimula sa ganap na ika-5:00 ng hapon para sa nasabing Misa at susundan ng Prusisyon, magmumula ito sa Parokya ng La Purisima Concepcion de Malabon (Simbahang Aglipay).

Samahan at ilawan ang ating Banal na Krus ng ating Pamayanan ng Dongan sa kanyang muling paglahok sa Banal na Prusisyon kasama ang mga Banal na Krus ng bawat komunidad na nasasakupan ng Parokya ni Impong Maria.

"Krus ni Hesus, Sandigan ng aming Pananampalataya"


O Banal na Krus ng Panginoon, hayaan mong marating ko ang daan tungo sa Kaligtasan.Pasasalamat kay Kapatid Amir Baello p...
30/05/2026

O Banal na Krus ng Panginoon, hayaan mong marating ko ang daan tungo sa Kaligtasan.

Pasasalamat kay Kapatid Amir Baello para sa mga kuhang larawan ng ating Banal na Krus.


Pistang Dongan 2026"Pistang Pasasalamat para sa Kaligtasan"Ilang larawan sa isinagawang Pagdiriwang ng Banal na Misa at ...
30/05/2026

Pistang Dongan 2026
"Pistang Pasasalamat para sa Kaligtasan"

Ilang larawan sa isinagawang Pagdiriwang ng Banal na Misa at Motorkada sa Karangalan ng Banal na Krus ng Panginoon ng ating Pamayanan ng Dongan.

Idinaos noong ika-24 ng Mayo, 2026

Krus ni Hesus, Sandigan ng aming Pananampalataya


CHILDREN'S CATECHISM 2026Naisagawa sa ating pamayanan ang kauna-unahang Children's Catechism sa Kapistahan ng Banal na K...
27/05/2026

CHILDREN'S CATECHISM 2026

Naisagawa sa ating pamayanan ang kauna-unahang Children's Catechism sa Kapistahan ng Banal na Krus ng Dongan noong ika-24 ng Mayo, 2026.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman at kasiyahan ang ilang mga bata na sumali sa ating gawain, taglay ang temang: "Ako ay kasama sa paghahari ng Diyos" (hango mula sa Mateo 19:14).

Pasasalamat sa lahat ng dumalo at sumuporta sa gawain na ito.


Ipagdiwang ang Krus na Banal, At si Maria na Birheng Mahal.Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isasagawang Solemneng...
31/05/2025

Ipagdiwang ang Krus na Banal,
At si Maria na Birheng Mahal.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isasagawang Solemneng Prusisyon ng Tapusan sa karangalan ni Impong Maria bilang Reyna ng Flores at sa Banal na Krus ng Panginoon.

Ang nasabing prusisyon ay sa ganap na 6:30 ng gabi ngayong ika-31 ng Mayo 2025.

Samahan at tanglawan po natin ang Karosa ng Banal na Krus ng Dongan sa pag-ikot sa ating pamayanan. Maraming Salamat po.

Ngayong panahon ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo ay nais nating pasalamatan ang Diyos sa pagkakataon ...
21/04/2025

Ngayong panahon ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo ay nais nating pasalamatan ang Diyos sa pagkakataon na muling naisagawa ng ating pamayanan ang taunang PABASA SA DONGAN, noong ika-5 at 6 ng Abril 2025. Gayundin ang lahat ng nakiisa, sumuporta, lalo't higit sa mga naging tagatangkilik natin ito man ay sa pagkakaloob ng pinansiyal o pagkain.

Sa ngalan ng bumubuo ng Pabasa at ng Samahang Lingkod ng Dongan, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.

Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan!

Address

C. Arellano St. Brgy. Concepcion
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banal na Krus ng Dongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share