IFI Malabon- Christian Education Committee

IFI Malabon- Christian Education Committee IFI Malabon Christian Education Committee Official page

Magandang Araw po, nalalapit  na po ulit ang ating Vacation Church School o ang ating VCS 2024. Sa pangunguna po ng Chri...
16/06/2024

Magandang Araw po, nalalapit na po ulit ang ating Vacation Church School o ang ating VCS 2024. Sa pangunguna po ng Christian Education Committee inaanyayahan po namin ang mga batang nasa edad 3 hanggang 12 na sumali at magpalista sa gawaing ito, mangyari lamang pong magfill up sa FORM na nasa ibaba, kung wala naman pong sapat na load upang magfill up maaari pong mag message dito sa aming page ng pangalan at edad ng inyong mga anak, pinsan o pamangkin. Maraming Salamat po!

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfh5k7po0d2CMzu9sGcZU2IE0cqnk5gKKJpYgjZqJcLDApwDw/viewform?usp=sf_link

HOSANNA 2024!Isang mapagpalang araw po!     Nais po naming anyayahan ang inyong mga anak na maging bahagi ng Hosanna 202...
21/02/2024

HOSANNA 2024!

Isang mapagpalang araw po!

Nais po naming anyayahan ang inyong mga anak na maging bahagi ng Hosanna 2024 sa linggo ng palaspas! Ito ay pagkakataon upang ipakita ang inyong talento sa pag-awit at pananampalataya sa Diyos ngayong panahon ng kwaresma.

Ang ensayo ay magaganap tuwing Sabado, alas-2 ng hapon, simula sa darating na Pebrero 24, 2024, sa Parokya ng La Purisima Concepcion De Malabon. Kasama ang ating mahal na Kabataan ng ating Parokya, handa kaming gabayan kayo sa bawat hakbang ng inyong paghahanda.

Para sa mga nais magpalista, maaaring mag-iwan ng mensahe sa aming page o tumawag at magtext sa numero 0918-621-0457 at hanapin lamang si Sister Hazel.

Nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na suporta sa gawain ng ating parokya. Sama-sama nating itanghal ang kagandahan ng musika at pananampalataya sa Hosanna 2024!

Maraming salamat at mabuhay ang ating parokya!

18/01/2024
Mula po sa IFI Malabon- Christian Education Committee kami po ay bumabati  ng Maligayang Kaarawan po sa ating butihing M...
13/01/2024

Mula po sa IFI Malabon- Christian Education Committee kami po ay bumabati ng Maligayang Kaarawan po sa ating butihing Mayor Jeannie N.Sandoval patuloy ka po nawang pagpalain ng ating Panginoon at ni Impong Maria 🫶🩵✨

Mula po sa Komite ng Kristiyanong Katuruan sa pangunguna ni Ma'am AMALIA LUCAS ay  amin pong ipinapaabot ang pasasalamat...
27/12/2023

Mula po sa Komite ng Kristiyanong Katuruan sa pangunguna ni Ma'am AMALIA LUCAS ay amin pong ipinapaabot ang pasasalamat sa ating mga naging katuwang sa lahat ng gawain sa taong ito pasasalamat po sa Sangguniang Pamparokya, Mga G**o , Mga Magulang , mga Bata at sa bumubuo ng Komite. Nawa'y patuloy pa ninyong suportahan ang lahat ng gawain ng ating komite.

Maraming Salamat po!

Bilang pagdiriwang sa araw  ng kapaskuhan, tayo po ay nagkaroon ng Year-End Party kasama ang mga mag-aaral, G**o at Staf...
27/12/2023

Bilang pagdiriwang sa araw ng kapaskuhan, tayo po ay nagkaroon ng Year-End Party kasama ang mga mag-aaral, G**o at Staff ng Sunday School. Kung saan tayo po ay naghanda ng mga Palaro, munting Salo-salo at nag-abot din po tayo ng munting regalo na siyang nagbigay ng kasiyahan sa ating mga mag-aaral.

Sa mga magulang ng ating mga mag-aaral maraming salamat po sa inyong walang sawang pagbibigay ng suporta sa mga gawain ng Komite. Sa ating mga naging taga-pagtangkilik maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong tulong upang maging matagumpay ang gawain na ito.

Bilang personal na magpasalamat sa Ina ng ating Lungsod tayo po ay nagtungo sa Malabon City Hall kasama ang mga bata at ...
27/12/2023

Bilang personal na magpasalamat sa Ina ng ating Lungsod tayo po ay nagtungo sa Malabon City Hall kasama ang mga bata at ang Komite ng Kristiyanong Katuruan. Upang personal na ipaabot ang ating pasasalamat sa ating Mayor Jeannie N. Sandoval, dahil sa kanyang pagbabahagi ng suporta at tulong upang maisagawa at maging matagumpay ang field trip ng ating komite. Ipinapaabot din ng Komite ang pasasalamat may Ma'am Luziel sa kanyang tulong at suporta sa gawain na ito.

MARAMING SALAMAT PO MAYOR JEANNIE N. SANDOVAL 🫶🫰🩵🩵

December 27, 2022 || Bilang pasasalamat sa ating mga batang mag-aaral ng Sunday School sa ating Parokya sila ay ating pi...
27/12/2023

December 27, 2022 || Bilang pasasalamat sa ating mga batang mag-aaral ng Sunday School sa ating Parokya sila ay ating pinasaya. Sa pamamagitan ng pagpasyal sa kanila sa isang kilalang pasyalan dito sa Malabon ang Malabon Zoo. Bawat isa ay nag-enjoy sa iba't-ibang uri ng hayop na makikita rito.

Maraming Salamat po Mayor Jeannie N. Sandoval sa walang sawang pagbibigay ng tulong at suporta sa Komite ng Kristiyanong Katuruan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Ika-121 na pagkakatatag ng Parokya Ng La Purisima Conception de Malabon, at bilang pagta...
12/11/2023

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa Ika-121 na pagkakatatag ng Parokya Ng La Purisima Conception de Malabon, at bilang pagtatapos ng Sunday School ngayong araw ay ating isinagawa ang pagkilala sa mga mag-aaral ng Sunday School sa ating Parokya sa pangunguna ng Christian Education Committee. Kung saan sila ay binigyan ng munting regalo at sertipiko mula sa komite. Dito ay nagkaroon sila ng maikling presenstasyon na nagbigay naman ng ngiti sa ating kongregasyon.

Mula po sa Komite ay aming ipinaabot ang taos pusong pasasalamat sa mga magulang, tagapagtangkilik at sa ating mga katekista sa walang sawang paglalaan ng oras, pagtulong at pag suporta sa gawain ng Sunday School.

Pagpalain nawa tayo palagi ng Diyos.


July 23, 2022 || Ating isinagawa ang Moving Up Day ng ating mga Students mula sa Vcs 2023.. Ang mga nag tapos ay maroong...
25/07/2023

July 23, 2022 || Ating isinagawa ang Moving Up Day ng ating mga Students mula sa Vcs 2023.. Ang mga nag tapos ay maroong opisyal na bilang na 47 students. Binabati namin ang lahat ng mga batang nagtapos ng VCS sa taong ito.

Mula rin po sa Komite ng Kristiyanong Katuruan ay aming ipina-aabot ang pasasalamat sa lahat ng ating naging taga-pagtangkilik ng vcs sa taong ito, sa mga G**o at Assistants at sa Kabataan ni Impong Maria at sa lahat ng sumuporta at nag-alay ng Oras, Talino at Talento upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Muli Congratulations po sa ating lahat lalo't higit sa mga batang naging parte ng tagumpay na ito. Magkita-kita muli tayo sa susunod na taon 🥰😄

July 21,2022 || Ang  Paghahanda ng Komite para sa pagtatapos ng VCS 2023 sa ating Parokya sa darating na Linggo  July 23...
21/07/2023

July 21,2022 || Ang Paghahanda ng Komite para sa pagtatapos ng VCS 2023 sa ating Parokya sa darating na Linggo July 23, 2023.

Address

183 C. Arellano Street Brgy. Concepcion, Malabon City
Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI Malabon- Christian Education Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share